CHAPTER 7: Clifford

30 4 0
                                    

Naabutan ko nagtitipa sa laptop si papa mukhang problema ata sa kompanya kaya sobrang busy niya ngayon. Pumunta ako sa may kusina, ipagtitimpla ko muna si papa ng kape para mabawasan ang stress niya. First time kong ipagtimpla si papa kaya hindi ko alam kung magugusthan niya o hindi, hindi ko rin alam kung anong taste ni papa pagdating sa kape pero bahala na kung ano na lang ang makitang nandito 'yon na lang titimplahin ko at sakto naman na may Nescafe at asukal dito.

Pagkatapos kong magtimpla ng kape dumiretso ako sa pwesto ni papa which is nasa dinning area, busy pa rin ito at seryosong nakatingin sa laptop. Ano kaya ang naging problema sa kompanya? Bakit parang stress na stress si papa?

Nilapag ko ang isang tasa ng kape sa lamesa. "Pa, kape ka muna mamaya na 'yan kanina ka pa po nakababad sa laptop mo e. Hindi ba nangangawit ang kamay mo, papa?" tanong ko.

Tumigil si papa sa pagtitipa kinuha niya ang tasa ng kape at ininum ito. Matapos uminom ni papa ay inilapag niya ulit ito.

"Salamat, anak." sabi ni papa at itinuon ulit ang atensyon sa laptop niya.

"Pa, hindi ka ba sasama sa amin? Pupunta kami sa beach para mag-surf," tanong ko kay papa.

"Bukas na lang siguro, anak may importanteng aayusin lang ako. I-enjoy niyo na ni Claire ang bakasyon niyo rito." sabi ni papa at nginitian ako.

"Pero pa---"

Naputol ang dapat sanang sasabihin ko ng biglang may tumawag sa cellphone ni papa.

"I'm really sorry anak but i need to answer this call, mauna na lang kayo doon at baka makasunod rin ako sa inyo." sabi ni papa at pumasok sa kwarto niya.

Napahinga na lang ako nang malalim at lalabas na sana ng biglang may hindi ko sinasadyang marinig ang usapan nila papa at nang kausap niya.

"What?! How did it happened, Marcus? Akala ko ba maayos na ang lahat bago pa ako umalis?" galit na tanong ni papa sa kausap niya, Marcus daw ang pangalan.

Hindi na ako nakinig sa ibang usapan nila dahil baka pagalitan ako ni papa kapag nahuli niya akong nakikinig sa usapan nila nung Marcus.

*****

"Darn!" mura ko sa isip ko.

Nahulog na naman ako sa surfboard ko, lumangoy ako paitaas para makaahon sa dagat kinuha ko ang surfboard at sumakay ulit babalik na ako sa pampang. Nakakainis nga e pang-ilang hulog ko na 'yon sobrang lakas mga alon hindi ko man lang na enjoy ang pag-s-surf namin.

Nakabusangot akong bumalik sa pampang habang ang kasama ko namang si Claire ayun nasa dagat pa rin sinasabayan ang paghampas ng mga alon.

"Sana pala hindi na ako sumama sa kaniya, siya lang pala ang mag-e-enjoy." sabi ko sa isip ko.

"Hindi lang naman surfing ang maari mong gawin dito, Miss."biglang sabi ng lalaking may hawak na coca cola can.

Did I say it loud? Eh ano naman ngayon kung ganoon? Teka nga, saan galing 'tong si kuya bigla-bigla na lang sumulpot e.

"Clifford nga pala." nakangiting pagpapakilala niya at inilahad ang kamay nito sa harapan ko.

Ilang segundo ko itong tinitigan na kalaunan ay tinanggap ko rin.

"Zaphria." pagpapakilala ko at nakipag-shake hands sa kaniya.

Ngayon ko lang napansin ang itsura niya. Mayroon siyang mala-anghel na mukha, perfect jawline, thick eyebrows, kissable lips, at ang pinaka-umagaw sa atensyon ko ay mga mata niyang kulay asul na kapag tinitigan mo ng matagal ay mahuhulog ka.

"U-uh yung kamay ko, Miss." nahihiyang sabi niya.

Oh crap!

"O-oo nga, sorry!" paghingi ko ng paumanhin at binawi ang kamay ko.

Defiant Youth Series #3: Her Unwanted LifeWhere stories live. Discover now