CHAPTER 19: New Environment

20 4 0
                                    

Third Person's POV

Kararating lang ng magkakaibigan na sila Zaphria, Claire, Clifford, at Kelvin sa airport ngunit parang may gustong pumigil kay Zaphria na tumuloy umalis ng bansa.

"Is there something wrong?" tanong ni Claire ng mapansin niya si Zaphria na para bang nag-dadalawang isip kung tutuloy pa ba siya o hindi na.

"No, I'm fine." sagot naman ni Zaphria kay Claire.

Tumango na lang ang dalaga sa isinagot ng kaniyang kaibigan sa kaniya. Kung nagtataka kayo kung nasaan sina Allen at ang asawa't mga anak nito, nasa Batangas sila dahil may business trip ang mag-asawa roon isinama nila sina Rasha at Allisha dahil wala rin namang magbabantay sa kanila sa bahay. Susunod din ang mag-asawa at ang mga anak nila sa London kung saan pupunta sila Zaphria tatapusin lang nila ang trabaho nila dito sa Pilipinas.

"Paalis na ang eroplano, tara na!" sabi ni Clifford sa mga kaibigan.

Tumango naman ang tatlo, naunang naglakad sina Claire at Clifford habang nasa hulian naman sina Kelvin at Zaphria. Bawat isa sa kanila ay iniisip kung ano ang magaganap o mangyayari sa kanila kapag nandoon na sila sa London. Pasakay na sila sa eroplano, unang pumasok sa loob sila Claire at Clifford samantalang ang dalawa ay nasa hulian pa rin. Napansin ni Kelvin na parang kinakabahan si Zaphria kaya hinawakan niya ang kaliwang kamay nito para pakalmahin siya.

"Don't worry, Zaph everything will be okay." pagpapalakas loob ni Kelvin kay Zaphria at binigyan siya ng isang matamis na ngiti.

"Yes! Everything will be okay." lakas loob na sabi ni Zaphria at huminga ng malalim.

Flight time from Manila to Richmond, VA is 24 hours 40 minutes. Distance from Manila to Richmond, VA is approximately 13920 kilometers kaya kinailangan nilang aliwin ang sarili nila para hindi makaramdam ng pagkabagot.

Clifford's POV

Ahay! Sa wakas pagkatapos ng napakahabang flight ay nakarating din! Hindi pa ako nakakapunta dito dahil hindi ako pinapayagan ng parents kong mag-isa baka raw kasi ang gawin ko lang ay mambabae lang ng mambabae kahit hindi naman matino akong lalaki atsaka sa amin na pamilya si Dad lang ang babaero kaya nga lagi silang nag-aaway ni Mom e but I'm just kidding walang babaero sa family namin napagkakamalan lang dahil sa gwapo ko ba namang 'to hindi imposible na mapagkamalan akong babaero pero hindi talaga ako babaero promise mamatay man lamok ng kapitbahay ninyo.

"Finally, we're here! Sitting all day is tiring and my hip hurts!" reklamo ni pangit.

Mapagtripan nga 'tong babae na 'to.

"Hoy, pangit! wala pa tayong isang araw dito sa London nag-e-english kana dyan atsaka pwede ba  tigil-tigilan mo kami sa kakasabi mo nang my hip hurts! Ang pangit pakinggan kasing pangit mo!" pang-aasar ko sa kaniya at ginaya ko pa kung paano siya magsalita.

"You know damulag, if you don't say anything nice, can you just keep quiet?" maarteng reklamo ni Claire at inikot pa ang mata nito.

Tusukin ko mata mo e. Sabi ko sa isip ko pero biro lang mabait akong hayop– este tao. Nanahimik na lang ako dahil kapag sinumbatan ko pa siya hanggang gabi magbabangayan lang kami. Alam niyo maganda naman talaga si pangit, trip ko lang talaga siyang tawagin na pangit.

"Let's go, Sean is waiting for us." sabi ni Kelvin.

Sumunod naman kami sa kaniya dahil siya lang naman ata ang nakapunta rito, pumara siya ng masasakyan namin papuntang Langstaff, Richmond Hill doon ata nakatira si Sean. Oh by the way, Sean is also our cousin yun lang, isa rin siya sa dahilan kung bakit ayaw akong payagan ni Dad na pumunta dito babaero kasi siya baka daw ma-impluwensiyahan niya ako. Ilang minuto lang ay nakarating na kami sa condominium ni Sean.

Defiant Youth Series #3: Her Unwanted LifeWhere stories live. Discover now