Kelvin Carter POV
"Chu!" tawag ko sa aso kong si Chu kanina ko pa kasi siya hinahanap hindi ko alam kung saan siya nagpunta nahiwalay siya sa akin habang naglalakad ako kanina. "Chu! Nasaan kana bang aso ka ha? Pinapagod mo talaga ako gagawin talaga kitang pulutan kapag nahanap kita!"
Hindi totoo na gagawin kong pulutan si Chu ha mahal ko 'yon kahit aso siya. Nagpatuloy ako sa paghahanap hanggang sa hindi ko namalayan na sa libingan ako dinala ng mga paa ko.
"Sa dami ng pwedeng puntahan bakit dito ako napunta?"
I sighed.
Naglakad-lakad na lang ako sa dito sa may libingan magbabakasali na rin ako baka nandito lang pala nagtatago o pumunta si Chu. Patuloy lang ako sa paghahanap hanggang sa may marinig akong umiiyak kaya tumigil ako at dahan-dahang naglakad palapit sa kinaroroonan ng umiiyak. Feel ko babae 'to, babae naman kasi lagi ang umiiyak baka nakipag-break ang boyfriend o iniwan siyang nag-iisa i guess? We'll find it out.
I stopped walking nang makita ko ang isang babae na mag-iisang nagsasalita, kinakausap ata niya ang lola niyang namayapa na. How did I know na libingan ng lola niya ang kinakausap niya? Narinig ko kasing binaggit niya ang salitang 'Lola' kaya no wonder na lola niya 'yan. Mahal na mahal niya siguro ang lola niya kaya hindi siya tumitigil sa pag-iyak she look like a baby crying in front of her grandmother to give her some milk.
Ilang minuto na pala akong nakatayo dito itong babae naman na nasa harap ko kanina pa hindi tumitigil kakaiyak hindi ba siya nauubusan ng luha?
"A-ano ba tumigil kana sa kakaiyak Zaphria at ikaw namang luha ka hindi ka ba marunong tumigil sa pagbuhos? Nakakainis ka naman lola e pinapaiyak mo na naman a-ako!" biglang reklamo niya sa lola niya.
Patay na nga ang lola niya nakuha niya pang magreklamo, aba kasalanan ng lola kung iyakin ka lang? Gusto ko sanang sabihin 'yan kaso huwag na baka isipin pa niya feeling close ako. Hindi niya pa rin ako napapansin kinuha ko ang panyo sa loob ng pocket ko at nilapitan siya. Nilahad ko ang kamay ko na may kasamang panyo pero imbes na kunin niya at tinitigan niya lang ito.
"S-sino ka?" tanong niya sa akin.
Nakayuko kasi siya kaya hindi niya nakita ang mukha ko. Hindi ko siya sinagot kaya nagtanong ulit siya kung sino ba daw ako. Tss arte pa e.
"Kelvin, here." pagpapakilala ko at nahihiyang inabot ang panyo ko.
May hiya ako pero madalas wala akong hiya kaya nagtataka ako kung bakit pagdating sa babaeng 'to bigla akong dinatnan ng hiya mangkukulam ba 'to? Hindi naman siguro maganda siya at mukhang mabait din kaya imposible.
Tinitigan niya lang ang panyong hawak ko mukhang gets ko na kung bakit.
"A-ah kase I s-saw you crying hard kaya napag-isipan ko na bigyan ka nang panyo don't worry hindi ako masamang tao atsaka malinis ang panyong 'to." nauutal na sabi ko.
What the hell, Kelvin? Kailan ka pa natutong mautal kapag kausap ang babae? Agad niya namang kinuha ko ang panyo ko mabuti nama dahil kanina pa nangangalay ang kamay ko.
"S-salamat. Lalabhan ko na lang 'to bago ko ibalik kapag nakita kita ulit. M-mauuna na ako salamat dito!" pagpapasalamat niya sa akin.
Mukhang aalis na ata siya wala naman sigurong masama kung titigan ko siya hindi ba?
Akala ko aalis na siya pero mukhang may nakalimutan ata siya kaya bumalik siya, nahuli niya akong nakatingin sa kaniya pero wala akong pakialam kakabisaduhin ko lang ang buong mukha niya para kapag nagkita kami kukunin ko ulit ang panyo ko. Mahalaga sa akin ang panyong pinahiram ko sa kaniya kaya dapat maibalik sa akin 'yon.
YOU ARE READING
Defiant Youth Series #3: Her Unwanted Life
Novela JuvenilThis story is related and pertinent for what is happening to the youth today, how they gave up and learned to fight. How they went down the wrong path to right path of their lives. Zaphria Alonzo is an innocent child who is peaceful and happily liv...