CHAPTER 11: Unexpected Encounter

31 4 0
                                    

"Iwan niyo muna ako." malamig na sambit ko.

"Pero, an--" nag-aalalang pagtututol ni papa sa sinabi ko.

"I said leave me alone! Gusto ko munang mapag-isa kaya pwede ba iwan niyo muna ako!" galit na sigaw ko sa kanila na ikinagulat nilang lahat including Clifford.

"Tara na tito, Clifford." rinig kong pag-aaya ni Claire sa kanila na lumabas.

Narinig kong nagsara ang pinto ng kwarto ko, unti-unti nang nag-uunahan ang mga luhang kanina ko pa pinipigilang bumuhos hindi ko na alam kung ano ang mararamdaman ko ngayon matapos kong malaman ang dahilan kung bakit ako nandito sa hospital.

"I-I'm pregnant." utal na sabi ko sa sarili ko.

Dahil sa nangyari nalaman ko mas lalo lang akong nagkaroon ng rason para tapusin lahat ng paghihirap ko. Gusto ko pang i-enjoy ang pagiging teenager ko pero bakit? Bakit nangyari sa akin 'to? Damn! 3 weeks! 3 weeks of me being pregnant with this damn curse fetus inside of me!  Gusto kong lumaban pero paano? Gusto kong ayusin ang nasirang buhay ko pero paano? Paano ako magsisimula kung may problema na namang dumating sa buhay ko?! Ganoon na ba talaga ako kasamang tao para mangyari sa akin lahat ng ito?!

I can't imagine na may bata sa sinapupunan ko pero mas hindi ko ma-imagine na ang ama ng dinadala ko ay ang mismong pinsan ko na nagsamantala sa akin. Hindi ko alam ang gagawin ko kapag binuhay ko pa ang batang dala-dala ko ngayon dahil alam kong sa tuwing maaalala ko ang ama ng batang nasa sinapupunan ko bumabalik na naman ang mga alaala ng madilim na nakaraan ko. Hindi ko mapigilan ang sarili ko na umiyak.

Third Person's POV

Napahagulgol si Zaphria sa gilid ng kaniyang kama. Gulong-gulo na ang isip nito dahil sa sunod-sunod na problemang dumarating sa buhay niya hindi na rin niya alam kung paano mareresolba ang bagong problemang dumating sa buhay niya. Patuloy pa rin siya sa pag-iyak namamaga na ang mga mata nito.

Tumayo si Zaphria mula sa pagkaka-upo at kinuha ang tinidor na nakapatong sa lamesa. Tinutok niya ito malapit sa pulso ng leeg niya at handa na sanang tapusin ang lahat ng paghihirap niya. Nang biglang may lalaking sumulpot mula sa bintana ng kwarto niya, nagulat siya dahil sa biglaang pagsulpot ng lalaki kaya hindi kalakasang napasigaw si Zaphria.

"S-sino ka?! Papaano ka nakapasok dito?!" tanong ni Zaphria sa lalaki.

Kaagad na lumapit ang lalaki kay Zaphria at sumenyas na huwag siyang gumawa ng ingay na siyang ikinataka ni Zaphria na may halong kaba. Kaba na baka may mangyari sa kaniya at sa batang nasa sinapupunan niya. Kahit kabadong-kabado na siya ay nagawa niya pa ring alalahanin ang batang dala-dala niya dahil sa isip nito'y napakabata pa nito at hindi niya pa nasisilayan ang mundong kinagisnan niya.

"A-ah hindi ako masamang tao, Miss maniwala ka." sagot ng lalaki kay Zaphria.

Medyo napanatag naman ang loob ni Zaphria dahil sa sinabi nito ngunit hindi pa rin siya pwedeng makampante.

Kelvin's POV

"Eh sino ka ba? Papaano ka nakapasok dito?" tanong ng babaeng nasa harapan ko.

Sa kaniya ata ang kwarto na 'to sa suot niya ngayon mukhang isa siya sa mga pasiyente dito. Huminga ako nang malalim bago sagutin ang mga katanungan niya.

"Ako si Kelvin at nakapasok ako dito sa loob dahil umakyat ako sa may puno sa ibaba at pumasok dito sa loob. Bintana mo lang ang nakabukas kaya dito ko naisipang pumasok." detalyadong sabi ko.

"Ah okay." tatango-tango niyang sabi.

"Yeah."

"Pero bakit ka nga ba pumasok dito?" tanong ulit ng babae.

Defiant Youth Series #3: Her Unwanted LifeWhere stories live. Discover now