Zaphria's POV
Naalipungatan ako dahil sa ingay ng mga tao sa kwarto ko, unti-unti kong minulat ang mga mata ko at tumambad sa akin ang putung kisame. Pinalitan ba nila Papa ang theme ng kwarto? Hindi naman kasi ganito ang kulay ng kwarto ko.
"Tito! She's awake!" sigaw ng pamilyar na boses.
I think it's Claire, ganiyan siya kalakas kung makasigaw e pero teka anong ginagawa niya sa kwarto ko? Sumasakit ang ulo!
"Anak! You're awake!" sabi ni Papa at bahagya akong niyugyog.
Kung maka-react naman si Papa parang ilang araw akong natulog e isang gabi lang naman akong tulog.
"Ayos ka lang ba, anak? May masakit ba sa'yo? Gutom ka ba? Magpapabili ako ng pagkain mo!Claire, call the Doctor!" sunod-sunod na tanong ni Mama sa akin.
Tignan mo 'tong si Mama dinaig pa ang reporter kung makatanong aish!
"I'm okay, Ma, Pa hindi niyo kailangan mag-alala also you don't to asked me a bunch of questions." sabi ko kanilang dalawa para tumigil na rin sila sa katatanong sa akin kung okay ba ako.
Pero bakit sobra sila kung mag-alala? Sandali, sa pagkakatanda ko...
"Hon! Look out!" rinig kong sigaw ni Mama sa isip ko and everything went all black.
Car Accident...
Ma...
Pa...
Car Crash...
Explosion...
Naalala ko na! Nadisgrasya kami habang papunta sa birthday party ni Claire! Wait...
"Ma, kumusta kayo ni Papa? Nasugatan ba kayo? Ang baby ko kumusta? Okay naman kami di ba?" sunod-sunod na tanong ko sa kanila.
"Okay naman kami ng Papa mo, anak. Gusto mo bang kumain? Ipaghahain kita." sagot ni Mama pero hindi niya sinagot ang huling tanong ko sa kaniya para bang sinadya niyang iwasan ang tanong ko.
Tinignan ko si Papa para tanungin ulit sila kung okay ba kami ng baby ko.
"Pa, okay naman kami ng baby ko hindi ba? Atsaka ilang araw akong nakahilata dito sa hospital, Pa?" tanong ko kay Papa.
"Sampung buwan ka nang tulog, anak at alam mo ba---" hindi ko pinatapos si Papa dahil halatang-halata maman na iniiwasan nila ang tanong ko tungkol sa baby ko.
Bakit parang ayaw nilang sagutin ang tanong ko? Mahirap ba akong sagutin? Okay o hindi lang naman ang isasagot nila ha? Bakit sa tuwing magtatanong ako pilit pa rin nilang iniiba ang usapan? Ayokong mag-isip ng may masamang nangyari sa baby ko kaya hindi sila makasagot pero hindi ko maiwasang mag-isip ng masama.
"Mahirap po bang sagutin ang mga tanong ko? Ma, Pa?" tanong ko ulit sa kanila. Takot ma'y pilit kong inihahanda ang sarili ko sa maaring sagot na makukuha ko sa mga magulang ko. "We're okay, right Ma? Pa?" naluluhang tanong ko sa kanila.
Sinenyasan ni Papa na lumabas muna sila Kelvin at Clifford. Kasama rin ata sila sa pagbabantay sa akin, sinunod naman nila ang sinabi ni Papa.
"A-anak..." umiiyak na tawag sa akin ni Mama.
Sa tono ng pananalita ni Mama mukhang alam ko na ang sagot. Tuluyan ng nagsilabasan ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan.
"M-ma!" umiiyak na tawag ko kay Mama. "Pa, bakit? Bakit siya pa?!" umiiyak na tanong ko sa kanilang dalawa.
Yumakap ako kay Mama dahil hindi ko na kaya ang sakit at bigat ng nararamdaman ko. Naramdaman kong hinagod ni Papa ang likod ko para patananin ko.
"Ma, Pa....ang sakit sa pakiramdam!" sabi ko sa gitna ng patuloy na paghikbi ko. "Bakit siya pa? Sana ako na lang, Ma...Pa sana ako na lang ang nawala! Hindi ko pa nasisilayan ang mukha niya pagkatapos malalaman ko na lang na wala na siya, hindi niya pa nasisilayan ang mundo..."
YOU ARE READING
Defiant Youth Series #3: Her Unwanted Life
Teen FictionThis story is related and pertinent for what is happening to the youth today, how they gave up and learned to fight. How they went down the wrong path to right path of their lives. Zaphria Alonzo is an innocent child who is peaceful and happily liv...