Chapter 1: Traitor
WARNING: matured content is approaching.
Read at your own risk
***
Zaphria's POV
“Isang shot na lang bes, promise!” Pagpupumilit ng kaibigan ko sa akin na uminom habang pilit na inilalapit sa akin ang isang baso ng alak.
Nilagok ko na ang alak na binibigay nila sa akin dahil alam kong kahit anong gawin ko, hindi nila ako titigilan hangga't hindi ko iyon naiinom.Napa-ubo ako dahil sa tapang ng alak. Parang hindi iyon ang ininom ko kanina at ibang-iba ang lasa niyon kumpara sa alak na nilagok ko kanina lang.
“O, ito pa bes, last na talaga ito promise!” Inabutan na naman ako ni Celine ng isang baso na may laman na alak saka pilit na inilalapit sa bibig ko.
"Bes, hindi ko na kaya. Umuwi na tayo," sabi ko at inilayo ang baso sa bibig ko.
"Sige bes, pero kailangan mo muna itong inumin para makauwi na tayo, please, please!" Mabilis na tugon ni bes sa sinabi ko, hindi na ako nakatanggi dahil pwersahang binuksan ni Celine ang bibig ko at pinainom sa akin ang isang baso ng alak.
Napa-ubo ulit ako at napapikit na lang dahil sa pinaghalong tapang at pait ng alak na ipinainom nila sa akin.
"Bes, tara na, umuwi na tayo..." sabi ko at tumayo na pero agad rin akong napabalik sa pagkakaupo dahil may humawak sa balikat ko at pwersahan nila akong pinaupo.
"Atat na atat ka namang umuwi, Zaph. Hindi ka pa nga namin natitikman tapos uuwi kana kaagad? Mali ata iyon." sabi ni Nikko sa akin, hindi ko makita kung ano ang expression ng mukha niya dahil nagsisimula ng manlabo ang paningin ko pero ramdam kong may masama silang binabalak sakin.
"Celine, halika na umuwi na tayo…” pagpupumilit ko. “I-Iuwi mo na ako sa amin. N-Nagmamakaawa ako sayo!" Takot at kinakabahang sabi ko.
"Nako! Akala ko pa naman matalino ka. Ikaw pa naman ang top 1 sa buong campus pero hindi ko inakalang bobita ka rin pala," sabi ni Celine sa akin na siyang ikinabigla ko.
"What do you mean, Celine?" tanong ko sa kanya at inalog ang ulo ko dahil nahihilo na ako.
"Hindi mo ba nakuha ang sinabi ni Celine ha, Zaph?"
Narinig kong nagsalita si Kira kaya ibinaling ko sa kaniya ang tingin ko.
"Ginamit ka lang ni Celine para maiangat ang sarili niya, Zaph. Puro na lang din kasi ikaw ang nasa tuktok hindi ba pwedeng bumaba ka naman kahit minsan? Pabida kana nga sa lahat ng tao, napaka-selfish mo pa." angil ni Kira pero hindi ko masyadong narinig ang ibang sinabi niya dahil umepekto na ata ang alak sa buong katawan ko.
Hindi ko pa rin sila maintindihan.
Third Person's POV
Tuluyan ng nandilim ang paningin ni Zaphria kaya natumba ito. Nakangising nakatingin lang sa kaniya ang mga kabataan na itinuring niyang mga totoong kaibigan.
"Gawin ninyo ang gusto niyong gawin sa babaeng iyan. I don't care if she dies here or what, just do whatever you want to her!" Utos ni Celine sa dalawang lalaki na kaibigan nila at iniwan silang tatlo doon kasama si Zaphria na mahimbing na natutulog.
YOU ARE READING
Defiant Youth Series #3: Her Unwanted Life
Dla nastolatkówThis story is related and pertinent for what is happening to the youth today, how they gave up and learned to fight. How they went down the wrong path to right path of their lives. Zaphria Alonzo is an innocent child who is peaceful and happily liv...