Claire Santiago POV
Hindi ko na napigilan ang sarili kong magtanong. I'm her friend but i felt like I am not.
"Hey, Ria why are they nakatingin sa'yo? Is there something wrong?"
"N-nothing, Claire!" nautal pang sabi niya.
Hindi na lang ako nagsalita pa dahil baka wala nga talaga pero nararamdaman kong she is hiding something.
*****
Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko ngayon. Naghalo na ang mga emosyon ko pero mas nangingibabaw ang galit sa loob ko. Why? Damn, why?!
Awang-awa ako sa best friend ko nang marinig ko ang dahilan kung bakit ayaw niyang sabihin sa akin ang nangyari sa kaniya nung mga panahon na wala ako dito sa Pilipinas. Kaya pala noong tinatanong ko siya kung ano na ang nangyayari sa kaniya nung wala ako pilit niyang iniiwasan ang mga tanong ko at naghahanap ng ibang paraan para hindi niya masagot ang mga tanong ko sa kaniya.
Hanggang ngayon naiiyak pa rin ako dahil nasasaktan ako, nasasaktan ako dahil nung mga panahon na kailangan niya ng tulong at karamay wala ako sa tabi niya. I was supposed to be there to help and comfort my best friend but where I am? Thinking about how can i surprised her! I'm such a useless friend.
*Flashback*
Papasok na kami sa classroom namin ng biglang may humarang sa amin sa daan.
"Ano Zaph masarap ba?" the girl with long straight hair asked while looking to Ria like she's happy to see her.
Hindi sumagot si Ria sa tanong niya kaya nainis ang babaeng nagtanong sa kaniya. I remained silent, hindi dahil duwag akong sumabat sa usapan nila it is because i don't want to interfere in a conversation na hindi ko alam kung ano ang dahilan.
"Oh, bakit hindi ka makasagot? Nikko told me na you loved what he and his friend did to you." dugtong ng babae at bahagyang tumaas ang sulok ng kaniyang labi.
Naguguluhan na ako sa mga sinasabi niya kay Ria kaya nagsalita na ako. Gusto ko lang malaman kung bakit parang ang saya niya na may ginawa yung Nikko kay Ria. I know Nikko he's the cousin of Ria. Anong ginawa nila kay Ria? Bakit hindi siya makasagot?
"Excuse me, what do you mean by that?" tanong ko sa babaeng kaharap namin.
Binaling niya ang mga tingin niya sa akin.
"You must be Zaphria's childhood best friend," she said.
"Yes." sagot ko sa kaniya. "So answer my question what do you mean by that?" I repeated.
"Oo nga pala you don't know what's going on. Well, your best friend have a---" hindi niya natapos ang dapat na sasabihin niya dahil biglang nagsalita si Ria.
"S-stop it." basag na boses niyang sabi.
Is she crying? Ano ba talaga ang nangyayari?
"Aw, ayaw mo bang malaman niya? She's your best friend after all she needs to know your issue." sabi ng babae at nilapit ang mukha niya kay Ria.
Hindi ako makapagsalita i don't know what to say.
"I said stop it!" nagulat ako nang sumigaw si Ria at bigla na lang tumakbo paalis.
"Tell me do you still want to know her issue?" the girl asked pero hindi ko na siya pinansin.
Sinundan ko si Ria pero hindi na siya mahagilap mga mata ko. Hinanap ko na siya kung saan-saan halos nalibot ko na ang buong campus pero wala talaga siya. I think lumabas na siya ng campus at tuluyan na niya akong iniwan dito. Isang lugar lang ang pinupuntahan niya kapag may problema siya.
YOU ARE READING
Defiant Youth Series #3: Her Unwanted Life
Teen FictionThis story is related and pertinent for what is happening to the youth today, how they gave up and learned to fight. How they went down the wrong path to right path of their lives. Zaphria Alonzo is an innocent child who is peaceful and happily liv...