CHAPTER 10: Hinagpis Ng Isang Ama

35 4 0
                                    

Third Person's POV

Mahimbing na natutulog si Zaphria sa kaniyang kama nang bigla na lang siyang magising sa isang madilim na lugar. Hindi niya alam kung nasaan siya ngayon dahil wala siyang nakikita, nababalot ng dilim ang buong kapaligiran.

Naglakad-lakad siya sa pag-aakalang may kaunting liwanag siya na makikita. Kanina pa siya naglalakad pero ni katiting na liwanag ay wala talaga siyang makita, sobrang dilim ng paligid pero hindi siya natatakot dahil sanay na siya sa madilim.

May tumatawag sa kaniya pero hindi niya alam kung sino dahil wala pa rin siyang makita.

"Apo..." tawag sa kaniya ng matandang babae.

"Lola?" sigaw niya at nagpaikot-ikot nagbabakasakaling makita niya ang lola niya.

"Apo..." tawag ulit ng lola niya sa kaniya.

"Lola, nasaan ka?" sigaw niya.

Nag-echo sa buong paligid ang sigaw niya.

"Apo, maging masaya kana sa buhay na mayroon ka." sabi ng kaniyang lola sa kaniya.

"Lola, nasaan ka? Magpakita ka naman sa akin lola gustong-gusto na kitang makita at mayakap, p-please!" umiiyak na sigaw ni Zaphria.

"Magkikita rin tayo, apo ko pero hindi pa sa ngayon. Maraming bagay ka pang gagawin at tatapusin sa mundo." mahinahon na sabi ng kaniyang lola.

"Lola, pagod na ako." sabi ni Zaphria.

Patuloy pa rin sa pag-iyak si Zaphria at umaasang magpapakita ang lola niya sa kaniya.

"Ayos lang naman na mapagod, apo ko dahil maari ka namang magpahinga. Tatandaan mo lahat ng sasabihin ko, apo." sabi ng lola niya.

"A-ano po 'yon, lola?" tanong ni Zaphria at pinunas ang mga luhang patuloy na umaagos sa pisngi niya gamit ang mga kamay niya.

"Kapag napagod ka, magpahinga ka pero huwag na huwag kang susuko sa buhay mo. Maraming tao ang gustong mabuhay ng matagal kaya apo, alagaan mo ang sarili mo i-enjoy mo ang pagiging teenager mo dahil isa lang ang buhay ng tao kaya nararapat lang na pahalagahan mo ito. Lagi akong nasa tabi mo, nakasuporta at pinoprotektahan ka." mahabang litanya ng kaniyang lola. "Huwag sanang mapunta sa maling landas ang buhay mo, apo. Mahal na mahal kita, apo ko." dugtong ng lola niya sa sinabi nito.

"Lola? Lola wag mo akong iwan! Lola!" paulit-ulit na sigaw ni Zaphria pero wala nang nakakarinig nito.

Zaphria's POV

"Lola!" sigaw ko at napabangon sa pagkakahiga.

Pawis na pawis ako ng magising ako at naghahabol ng hininga. Akala ko totoo na ang lahat pero panaginip lang pala.

"Aish! Lola naman e kung saan-saan ka sumusulpot. Pinakaba mo na naman ako, e." bulong ko sa sarili ko. "Wag kang mag-alala, la hindi ko hahayaan na mawala ang ako sa landas na tinatahak ko." sabi ko at napahinga nang maluwag.

Bumukas ang pinto ng kwarto ko. Teka, nasaan ako? Hindi ko ito ang kwarto ko!

"Oh gising kana pala, may dala nga pala akong mga prutas gusto mo bang---" hindi na niya naituloy ang sasabihin niya nang magsalita ako.

Defiant Youth Series #3: Her Unwanted LifeWhere stories live. Discover now