Napahinto ako sa paglalakad ng makita ko na naman s'ya. What the. Aso ba 'to? Sunod ng sunod!
Mabilis akong tumalikod upang maglakad sa kabilang direksyon ngunit agad ako nitong nahabol at hinablot ang isang kamay ko paharap sa kanya.
"What do you want?!" umpisa ko sa galit na tono. "Can't you just leave me alone?" pagpapatuloy ko pa.
"I can't, and I don't want to" sagot pa nito at ngumisi. Lalo ako nagalit sa inaasal nito. Ang kapal ng mukha.
"Why? Di pa ba sapat ang ginawa mo sa'kin no'n?! Gusto mo pang ulitin?!" galit kong utas bago magsalitang muli "Stop okay. Sawang-sawa na ko sa mga pangloloko mo. Ayoko ng magkaroon ng kahit anong koneksyon sa inyo kaya please, lubayan n'yo ko" patuloy ko at saka tinalikuran s'ya.
Ngunit di pa ko nakakalayo ay may yumakap sa aking baywang. Agad akong napatingin doon at tumambad sa akin ang umiiyak na bubwit.
"Let go" sambit ko sa malamig na tono.
Kahit nakakaawa ang itsura ni bubwit ay hindi ako pwede magpatalo dahil lang sa kanya. I've already made my decision. Ayoko ng madawit ang pangalan ko sa kanila. Ayoko ng ipahiya si dad. I'm so done with that sh*t.
Marahan kong tinanggal ang mga kamay ni bubwit at agad na pumantay sa kanyang tangkad. Blangkong reaksyon ang ipinakita ko dito, pinipigilan ang sariling maglabas ng kahit anong emosyon.
"Little kid, I know you are now able to understand that I can't continue to have connections with you. Don't think that's because of you, no, it is not. It's just your dad and I are not in good terms, and I need my peace. So please, don't make it hard for me and let go" sensyas ko sa paslit.
Lalo itong umiyak, pero hindi na pinilit na lumapit sa akin at tumakbo para yakapin ang kanyang ama.
Agad naman itong binuhat ni Benjamin at inalo para patahanin.
Tumayo ako at walang emosyong tinalikuran ang mag-ama. Nakakailang hakbang palang ako nang marinig ko ang baritonong boses sa aking likuran.
"I know it was my fault, and I'm really sorry. But can you just be a little considerate? It's tantan's birthday today, can you exempt him on the grudge you have in me? Atleast, just for today" utas nito na siyang nagpahinto sa akin.
Oh right. It's his son's birthday. Pinigilan ko ang sarili na magpaubaya sa kanyang sinabi at bumaga ng hangin bago humarap muli sa mag-ama.
"It's not my responsibility to do that and I'm not here for your family Mr. Bennett. I'm just here so my dad wouldn't be humiliated. So please, spare me of your dramas. I don't want to spent any more of my time in your presence, if you excuse me" sagot ko at mabilis na lumayo sa kanila.
Habang palayo ako ng palayo sa mag-ama, dinig na dinig ko ang mabilis na pagkabog ng aking dibdib at parang may kirot akong naramdaman dito. Why would I?
Bakit ko nararamdaman 'to? I shouldn't be. That family ruined my life and humiliated me. They don't deserve it.
Agad akong napahinto ng makita ko ang nilalakbay.
Tumambad sa akin ang lumang fountain sa gitna ng halamanang mga dingding. If I remember, this is the huge maze that Bennett family have in their garden. Hindi ko alam paano ako napunta dito, all I know is I'm lost.
Kinuha ko ang phone na nakalagay sa purse ko but unfortunately, walang signal. Like d*mn. How unlucky I am tonight.
Inis na napaupo na lang ako sa malaking fountain at taimtim na nanalangin may makakita sa'kin dito.
Inilibot ko ang tingen sa paligid at napahinto ako sa isang bagay na nakita ko.
There, in the middle of the fountain, is a locket sitting by itself. Naninilaw na ito sa luma.
Biglang nag-blangko ang utak ko at dahan-dahang inabot ang locket.
Nanginginig ko pa itong hinawakan at habang tinitignan iyon, samu't-saring mga alaala ang pumasok sa utak ko na lalong nagpasakit ng aking dibdib.
Hindi ko na malayan na tumutulo na pala ang aking mga luha ngunit agad akong nanlamig nang marinig ko na naman ang baritonong boses na iyon.
"Are you alright?" itinaas ko ang tingen upang makita ang pinagmulan ng boses na'yon.
And there he is, looking undeniably gorgeous on his white suit.
He has a very western look. A sharp jaw, pointed nose, and those green eyes. Napakatangkad din at halatang laging naka-gym ang katawan. His aura is emitting so much confidence, and I don't like it.
Nakita kong napatingen sya sa hawak ko, kaya agad ko itong itinago.
Mabilisan kong pinunasan ang mga luha at walang emosyong muling tumingin sa kanya.