5: Counter

516 24 9
                                    

Poster iyon ng isa sa mga pagkain na mayroon ang fast food restaurant na'to, kaya napangiwi ako ng makita ko ang nakalagay roon.

Nag-okay sign na lamang ako bago tumayo at tumawag ng waiter.

"Yes ma'am, how may I assist you?" tanong ng waiter na may pangalang Josh sa kanyang nameplate habang nakangiti.

"Excuse me, this kid kasi wants to order this menu" utas ko sabay turo sa poster. "While 'yong sa akin naman ay carbonara lang at pineapple juice" pagpapatuloy ko bago umupong muli sa katapat na upuan ng paslit.

Nang maramdaman kong di pa umaalis ang waiter na tinawag ko sa harap namin, agad na napakunot ang aking noo at takhang tumingin dito.

"What are you looking at?" naiirita kong tanong.

Napatingin naman ako sa batang paslit na nasa kabilang upuan habang ito'y nakangiting nakatingin na sa akin.

Bakit nakangiti na'to ngayon? Kanina lang ngumangawa 'to ah.

"A-ahh, m-ma'am k-kasi po self service p-po ang restaurant n-na'to. Ang tanging gagawin lang po namin ay ihatid ang o-order niyo. The rest po, kayo na ang gagawa. K-kayo rin po ang mag-oorder ng gusto niyong menu do'n po sa c-counter" explain ng waiter habang ito'y nakayuko na. Masama kasi ang iginawad kong tingin sa kanya lalo na ng sabihin niyang ako dapat ang mismong um-order sa counter.

Are you kidding me?

Pipila ako sa pagkahaba-habang pila na 'yan para lang maka-order? Damn.

Sabi na nga ba kaya ayokong nagpupunta sa gantong fast-food restaurant. Masikip at maingay na nga, kailan mo pang pumila sa pagkahaba-habang pila na mayroon sa counter.

Seriously? Nakakaya ng mga taong mahilig kumain sa ganitong kainan, ang mga 'yon?

Unlike sa mga high-end restaurants, pagsisilbihan ka nila do'n na parang hari at reyna.

Kaasar.

Ilang segundo ko munang tinitigan ng masama ang waiter bago ito tuluyang pinaalis.

Napansin ko ang pagtingin ng mga tao sa aking kinaroroonan kaya mas lalong sumama ang mood ko sa nakakairita nilang tingin.

Napahinga ako ng malalim at saglit na ipinikit ang mata upang pakalmahin ang sarili.

This will be the first, and the last time that I will go here. I promise!

Naramdaman ko ang paghawak ng isang maliit na kamay sa aking kamay na nakapatong sa lamesa kaya agad kong idinilat ang mga mata at tinitigan ang batang paslit.

'I'm sorry. Are you okay? If you don't want to eat here, okay lang po sa'kin na hindi na tayo kumain dito'-malungkot na senyas nito kaya napabuga ako ng hangin bago ginulo ang buhok ng paslit.

'I'm fine. Don't worry. Just sit there and wait for me, okay?'-senyas ko bago tumayo at pinicturan ang poster ng pagkaing gusto niyang kainin.

Pagkatapos kong gawin 'yon, agad na kong pumila habang ramdam ang mga titig ng mga tao sa paligid.

Napairap na lamang ako sa kawalan.

Ngayon lang ba sila nakakita ng maganda at ganyan sila makatingin? Partida, casual lang ang damit na suot ko nito. Wala akong suot na kahit anong alahas o dalang branded bag.

Napailing na lamang ako. Mga tao nga naman.

Matapos ang ilang minuto kong paghihintay, finally, it's my turn.

"Good afternoon. What's your order, ma'am?" pagkatanong ng babae sa counter no'n, agad kong pinakita sa kanya ang picture no'ng poster sa phone ko.

"I want to order this" turo ko sa picture. "And carbonara with pineapple juice" pagpapatuloy ko saka seryosong tumingin sa babae na biglang napatigil. Pati ang ibang cashier girl na katabi niya ay napatigil rin sa kanilang ginagawa at napatingin sa akin.

Muli akong napakunot-noo. Ano na naman ba? 'Wag mong sabihing may problema na naman sa sinabi ko?

Nakarinig ako ng mahihinang mga tawa sa aking likuran kaya agad akong tumalikod at hinarap ang mga taong 'yon.

Tumambad sa akin ang dalawang dalagita na nagbubulungan at tumitingin sa aking gawi. Agad akong nairita at sinamaan sila ng tingin.

Napatigil naman sila at napayuko ng makita ang aking ginawa.

"Walang nakakatawa kaya huwag kayong tumawa. Don't let me hear your annoying laugh again or else...hinding-hindi na kayo makakatapak sa mall na'to got it?" seryoso kong utas bago ko inilibot ang masamang tingin sa paligid na biglang tumahimik dahil sa aking sinabi.

Ngunit ilang saglit lang bigla muling umingay ang paligid at nagpatuloy sila sa pagbubulong-bulungan habang patuloy pa rin sila sa pagtingin sa aking gawi.

May iba na natatawa at may iba na napapailing. Tila para akong isang malaking katatawanan para sa kanila nang dahil sa aking sinabi.

I tightly clenched my fist before calming myself down.

Muli akong humarap sa babae na nakatulala pa rin kaya malamig ko itong tinignan.

Natauhan naman ito at nahihiyang tumingin sa'kin bago inayos ang sarili.

"Ma'am, wala po kaming carbonara sa aming menu pero meron po kaming spaghetti na pwedeng kapalit ng order niyo. As for your first order, spicy po ba or not?" nakangiti na nitong utas.

"Of course not. Para sa bata 'yan, stupid" irita kong utas at tinaasan ito ng kilay. "At ayoko ng spaghetti kaya don't bother. Pineapple juice will do. For the kid, just give him a water" utas ko saka umalis na sa counter.

Pero nakakailang hakbang palang ako ng tawagin ako ng babae kaya inis ko itong hinarap at tinaasan ng isang kilay na tila sinasabing 'What do you want?'

"Ah kasi po ma'am, 'y-yung bayad niyo ho" utas nito habang pilit na ang pagkangiti.

Nang sabihin niya 'yon, napakunot agad ang aking noo pero agad ko ring kinuha ang gold card ko at ibinigay sa kanya.

Nang makita niya ang kulay ng card na hawak ko, nanglalaking mata niya iyong tinignan bago muling tumingin sa akin.

"What? Tititigan mo na lang ba 'yan? Akala ko ba kinukuha mo ang bayad ko? O eto na, kunin mo na 'tong card ko at ibawas mo na sa milyon-milyong laman niyan ang nagastos ko" sarkastikong saad ko bago nito tuluyang kinuha ang card.

Nanginginig niya pang isini-wipe iyon bago ito muling ibalik sa akin. Nakita ko pa ang pagsunod ng mata niya ng ilagay ko iyon sa aking wallet. Nakita ko rin na ganoon rin ang reaksyon ng mga kasama niya sa counter pati na rin ang mga customer na kanina pa ako tinitignan. Mga tigagal ang mga itsura nila kaya disgusto akong natawa sa aking kaloob-looban.

Muli na sana akong maglalakad paalis nang muli na naman akong tawagin ng babae.

Sa pagkakataong iyon, blangkong tingin na ang ibinigay ko sa kanya dahil sa sobrang inis.

"M-ma'am, ito po 'yong n-number at r-resibo niyo. P-pakihintay na lang po ang order niyo. U-unahin na po n-nila 'yon" pagkatapos niyang sabihin 'yon, biglang nagsimadalian ang mga tao sa counter pati na rin sa kitchen nila na nasa likuran lamang ng counter.

Inirapan ko na lamang sila bago kinuha ang number at iyong resibo.

Ang pinakita kong card sa kanila ay isang VIP Card kung saan tanging ang sampung pinakamayayamang pamilya sa buong Ethereal City lamang ang mayroon. Gold ang kulay nito, tanda na hindi basta-bastang mamamayan ang may-ari ng card na 'yon.

Kaya ng pinakita ko ang gold card sa kanila, alam kong natitigal ang kaloob-looban nila ng dahil sa nakita.

Why not? Nasa harap mo ang isa sa miyembro ng pamilyang kasama sa pinakamaimpluwensya at pinakamayaman sa Ethereal, sinong hindi magugulat?

Taas noo akong naglakad pabalik sa pwesto namin habang wala na kong ingay na naririnig sa mga taong naririto. Mga nakatulala lang silang nakatingin sa akin at hindi na ako tinignan at pinagbulungan pa ng para ba kong taong bundok dahil sa kakulangan ko sa kaalaman tungkol sa fast food restaurant na'to.

What can I do? Wala naman talaga akong alam pagdating sa mga mediocre restaurants. Pake ko ba do'n? Wala naman sa plano kong kumain sa ganito kung hindi lang dahil sa batang paslit na kasama ko.

The Bitchy TeacherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon