Pabagsak kong inihiga ang sarili sa malaki at malambot kong kama. Pagod akong tumingala sa kisame.
Teaching those students got me exhausted. Though I already expected it.
It's not easy because those students can't be change overnight. And I know that it will be hard for them to adjust.
At alam ko din na ang iba sa kanila ay naiinis sa akin. Wala lang silang magawa dahil sa mga banta na sinasabi ko sa kanila. Pero hindi ko naniniwala na porket natakot sila sa mga sinabi ko, magiging madali na ang lahat. Dahil kung ganon lang sila kadali idisiplina, hindi gano'n kadaming teacher ang magku-quit na magturo sa kanila.
They were called worst students after all. So what do you expect?
Agad akong napatingin sa bag ko ng marinig ko may nag-riring do'n kaya agad kong binuksan 'yon at kinuha ang phone ko.
"If it is not important, don't waste my time" bungad ko na hindi na tinignan ang caller "What do you want?"
Hindi sumagot ang nasa kabilang linya at narinig ko pa ang paggalaw ng taong 'yon kaya kunot-noo kong tinignan ang caller at nakitang unknown number 'yon.
This is my private number and no one knows it except from my family and friends. So who the fuck is this? Don't tell me this is a prank call. Dahil kung oo, irereport ko talaga ang number na'to at ipapa-deactivate ko talaga ang number nya nang hindi na magamit.
Muli kong itinapat sa tainga ko ang phone at hinintay na sumagot ang nasa kabilang linya.
Nang akala ko ay hindi na'to sasagot at handa na kong ireport ang unknown number na'to, narinig ko ang baritonong boses ng nasa kabilang linya.
"Is this Ms. Clare?" tanong ng lalaki. Hindi ko alam bakit, pero ramdam ko ang pagtindig ng balahibo ko. Pamilyar ang boses nya pero hindi ko matandaan kung saan ko narinig 'yon.
"Who else? This is my number so yes. Who the hell is this?" sagot ko sa naiinis na tono.
Narinig ko ang mahina nitong tawa kaya hindi ko napigilang mapataas ang isang kilay. Anong nakakatawa sa sinabi ko. Is this guy okay?
"This is tantan's dad" sagot nito.
"Tantan? Sorry hindi ko kilala ang sinasabi mong pangalan..." kunot-noo kong utas pero agad ding napahinto ng maalala ang cute na bata sa mall.
"Oh wait wait, I remember now. He was the kid who got lost at the mall right? I remember him now so where is he? Bakit ikaw ang nasa telepono?" utas ko. Sa pagkakatanda ko, kay Tantan ko binigay ang number ko at hindi sa dad nya. Akala ko pa nga ay tatawagan ako ng bata pagkauwe pero wala akong tawag na nareceive.
"I expect that you already know his situation right? He can't talk to you so he gave me the phone and put it on a loud speaker. He can hear you right now Ms. Clare" sagot nito at agad kong naalala na hindi nga pala nakakapagsalita ang bata. Napasapo na lang ako sa aking noo.
"Right, right. Sorry I forgot" utas ko.
"It's okay, we should be the one to apologize. I hope we didn't interrupt you" he said in a calm voice.
"No it's alright. Wala din naman ako ginagawa"
"That's good then" sagot nito bago muling nagsalita "Tantan called you because he wants to know your messenger account or any social media you have so he can contact you there instead of here" paliwanag nya na agad ko namang naintindihan.
Tantan is mute, so having him contacting me on messenger, is convenient. Because he can call me there via video call.
"Yeah I have a messenger account. It's @LucyAnneClare." sagot ko na walang pag-aalinlangan.
"Okay. He said he got it"
"Okay thanks. Gonna drop this call now. Bye" mabilis kong binaba ang tawag at agad na nagpunta sa messenger ko.
Maraming request akong nakita do'n ngunit si tantan lang ang napansin ko. Ang cute talaga ng bata 'to. Agad ko syang in-accept at maya-maya lang, tumawag agad ito sa akin.
"Hello Tantan. How are you kid?" nakangiti kong bungad.
Ngumiti din ito sa akin at kumaway pa bago sumenyas.
'I'm okay po. I miss you pretty lady. How about you?'
Nakangiti akong napapailing sa bata. He's so sweet.
'Aww I miss you too kid. And I'm okay. You're so sweet' -senyas ko pabalik sa kanya.
'I thought you were angry at me. Because when I called you earlier, your tone was kind of angry. So I gave the phone to daddy' -sensyas nito na bigla namang lumungkot ang itsura.
Natawa ako ng mahina.
'No I'm not kid. I said that because I didn't know it was you. I'm sorry'
'It's okay. I understand" nanahimik ito ng ilang saglit bago muling sumenyas. "Pretty lady, can I call you mommy?' -senyas nito na syang nagpatigil sa'kin.
'Pretty lady? Please?'
Napahinga ako ng malalim bago sumensyas kay Tantan.
'Kid, you can't just call anyone a 'mommy'. Not because I don't want to, but maybe your dad will not permit it. At isa pa, I'm still a stranger to you. Sinabi ko na 'yan sayo noon diba?' -paliwanag na senyas ko dito at napapailing.
Lalong lumungkot si Tantan kaya agad akong naawa. Napahinga na lang akong muli.
'Fine. If your dad permits it, then you can call me mommy' -senyas ko na lang para di na malungkot ang bata.
Alam ko namang hindi basta basta papayagan ng daddy nya 'tong si Tantan na tawagin ang isang stranger na mommy nya. That's absurd. Tantan barely knows me.
Napansin kong tumingin si Tantan sa gilid nya at sumenyas. Napakunot ang noo ko dahil do'n.
Nang makita ang sinenyas nya, napailing na lang ako at bahagyang ngumiti. Ngunit nawala 'yon, nang marinig ko na naman ang baritonong boses ng daddy ni Tantan at agad na napatanga sa sinabi nito.
"Yes you can call her mommy, little man"
Hindi ako makapaniwalang napatingin sa batang ngayon ay sobrang laki na ng ngiti sa harap ng camera at sumesenyas sa akin.
'I can call you mommy now! My daddy agreed' -masaya netong senyas habang ako ay napangiti na lamang ng peke.
What kind of dad is that?
Sinong matinong tatay ang hahayaan ang anak nyang tawaging mommy ang isang stranger?
Well, only Tantan's dad.
![](https://img.wattpad.com/cover/13447373-288-k794267.jpg)