4: Red Bee

459 17 0
                                    

Mabuti na lamang ay naintindihan ko ang sinabi ng bata dahil marunong rin akong mag-sign language.

Natuto ako nito noong bata pa ako. Ang lola ko kasi ay pinanganak na bingi kaya sa ayaw at gusto namin ng kapatid ko ay tinuruan kami ni daddy na magsign language para makausap si lola.

Nang manatili akong tahimik, nakita kong mas lalong nagpanic ang batang lalaki tila inaakalang hindi ko siya naiintindihan sa ginawa niyang pagsign language.

'Don't worry kid, I understand you' agad akong nagsign language upang sagutin ang bata at makita niyang naiintindihan ko siya.

Agad na tumigil sa pag-iyak ang batang lalaki at tinignan ako nito sa tila kumikinang niyang mga mata.

Mestiso ang batang lalaki at makikita mo agad na maganda at guwapo ang magulang niya dahil sa itsura nito. Napakatangos ng ilong niya kahit halatang limang taon gulang pa lamang siya.

'Where are your parents? Why are you alone here?' muli kong tanong sa bata na ngayon ay sign language na.

'I don't know. I'm lost' agad na sagot ng bata kaya napakunot ang aking noo.

Sinong pabayang magulang ang iiwan ang anak niya sa parking lot? Agad akong nakaramdam ng inis sa magulang ng bata. Iresponsable.

Napahinga ako ng malalim bago ko inabot ang maliit na kamay ng bata at sinenyasan ito na hahanapin namin ang magulang niya. Ngunit napahinto ako ng muli itong magsign language.

'I'm not with my dad. I'm here with my nanny and my body guards' he signed.

'If so, where is your dad?'

'He's at work' sensyas nito bago muling magtubig at lumungkot ang kanina niyang kumikinang na mga mata.

What kind of father is that? How can he neglect this cute son of his? And where is the mother?

Iyon ang mga tanong na gusto kong ibigkas ngunit pinigilan ko na lamang ang sarili at hinila ang bata papasok ng mall upang hanapin ang kanyang nanny at body guards.

No'ng nasa loob na kami ng mall at naglalakad na patungo sa security office upang magreport na sana na nawawala ang batang hawak ko, biglaang huminto sa paglalakad ang batang paslit kaya napatigil rin ako at napatingin dito.

'What happened?'-sign language ko.

'I'm hungry'-saka nito hinawakan ang maliit na tyan at ngumuso. 

Nang makita ko ito, hindi ko napigilang kurutin ang pisngi ng paslit. 

Mas lalo itong napanguso kaya bahagya akong natawa. Kanino kayang anak 'to, ang swerte ng magulang niya dahil may ganito silang ka-cute na anak. 

Napabuga ako ng hangin.

Kaso nga lang pala, tila wala yatang pakielam ang tatay ng batang paslit na'to sa kanya. Hayaan ba namang pasamahan lang sa nanny at mga body guards nito ang bata. Pati ang nanay, hindi man lang din samahan.

Napailing na lamang ako at pilit inialis sa isip ang tungkol sa magulang ng bata.

Whatever. I shouldn't care about them. Ang mahalaga ngayon ay ang mahanap ang mga nagbabantay sa batang paslit na'to upang maibalik ko na siya at magawa ko na ang talagang ipinunta ko dito sa mall. 

Right. I should do that. But for now...

Napatingin ako sa batang paslit na nakahawak sa kanyang tyan habang nakanguso ang kanyang labi.

Pakainin ko muna siguro ang paslit na'to para matapos na ang trabaho ko.

'Where do you want to eat kid?'

Agad nitong itinuro ang estatwa ng kulay pulang bubuyog saka muling tumingin sa'kin.

'I want to eat there'

Napatingin ako sa fast food restaurant na kanyang itinuro at napangiwi ako.

Mukha namang anak mayaman ang batang hawak ko, pero bakit itong restaurant na'to ang pinili niya? 

This fast food restaurant is famous in ethereal city, especially for the mediocre families. But for some wealthy families, like our family, this kind of fast food is not appealing to us. We still prefer those high-end restaurants.

O baka naman akala ko lang na anak mayaman ang batang 'to? But impossible. Sinong anak ng mahirap ang mayroong personal nanny at sariling body guards diba? Kaya panigurado, anak mayaman ang batang paslit na'to.

'Are you sure that you want to eat there, kid?'-paniniguro ko ngunit tumango lamang ang paslit at hinila na ako patungo sa fast food na 'yon.

Maraming tao ang naroroon pagkapasok namin sa loob. Okupado ang lahat ng mga lamesa at upuan na mayroon dito kaya tumingin ako sa paslit upang kausapin ito na sa ibang kainan na lang kami pumunta. Ngunit agad akong napatigil ng biglang bumitaw sa hawak ko ang paslit at tumakbo papalayo.

"Hey! Where are you going?!" utas ko sa malakas na boses kaya agad na nagsitinginan sa kinaroroonan ko ang mga tao. Tinaasan ko lamang sila ng isang kilay na tila sinasabing 'What? Anong tinitingin-tingin niyo?' bago umirap at sundan ang batang paslit na tumakbo.

Nang masundan ko ang paslit, nakaupo na ito sa pangdalawang mesa habang nililinis ng isang waitress ang mga natirang pinagkainan roon. Agad akong lumapit dito at tumingin sa batang paslit. Kinunotan ko ito ng noo saka pinagsabihan.

'Don't do that again, kid. What if mawala ka na naman at ibang tao naman ang makapulot sa'yo? Walang kasiguraduhan na katulad ko din sila na gustong hanapin ang mga nagbabantay sa'yo. Malay mo masasamang tao pala sila'-seryoso kong senyas na ikinatigil ng batang paslit.

'Tandaan mo, 'wag ka basta-bastang tumatakbo kung saan-saan dahil madaming masasamang tao sa paligid na naghihintay lang ng pagkakataon'-umupo ako sa katapat nitong upuan nang umalis na ang waitress.

"Kaya siguro ka nawawala ngayon ay dahil makulit ka, ano? Hindi ka siguro marunong makinig at basta-basta ka na lang tumatakbo kung saan-saan. Kung ako lang rin naman ang may anak na katulad mo, aba, hindi na rin siguro kita sasamahan sa ganitong lugar kung alam ko lang na magkukulit ka" sambit ko na patuloy pa ring pinagsasabihan ang kaharap.

Masama man ang ugali ko pero wala sa ugali kong pagsabihan ng masakit at masamang salita ang isang bata. Pero kung hindi ko gagawin 'yon, hindi siya matututo hangga't hindi mo itatatak sa kukote niya ang mali niyang niyang ginawa. Tignan mo, mawawala ba siya ngayon kung marunong siyang makinig at sumunod? Sa dami ng bantay niya na 'yon, nawala pa siya?

Napailing na lamang ako at biglang nakunsensya ng makita ko ang batang paslit na tahimik na umiiyak habang nakayuko.

Napabuga ako ng hangin bago tumayo at lumapit sa batang paslit.

Pumantay ako sa tangkad nito at hinawakan ang dalawang pisngi nito upang punasan ang mga luhang tumulo sa kanyang magagandang mata.

'I'm sorry. Forget what I said kid, I didn't mean it. Huwag ka ng umiyak hindi na kita pagsasabihan, okay?'-senyas ko rito at tumango-tango na ito habang sumisinghot pa gamit ang namumula niyang ilong.

'Basta tandaan mo na lang ang sinabi ko at 'wag mong kalilimutan. Matuto kang makinig at sumunod, okay? Para hindi ka na mawala katulad ng nangyari ngayon'-muling tumango ang paslit at sumensyas ng okay bago ako nito niyakap ng mahigpit na ikinagulat ko.

Ngunit agad ko rin itong niyakap pabalik at napangiti na lamang.

"Okay, okay tama na ang drama, ano bang gusto mong kainin at ibibili kita" tanong ko rito kaya agad itong humiwalay ng yakap sa'kin at tumingin sa poster na katabi namin bago ito ituro.

The Bitchy TeacherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon