Matapos kong maisuot ang nerdy glass sa aking mata, agad akong napangiwi sa nakita.
Well, hindi naman talaga ako literal na mukhang nerd, hindi lang talaga ako sanay na makita ang sarili na ganito ang itsura.
I always wear designer clothes but now, looking at my own reflection, I think I look so plain...and boring.
Argh.
Hindi ko na natiis at kinuha ko ang red lipstick sa aking bag.
Agad ko iyong nilagay sa aking labi. And there, it completed my look.
Now with that red fitted teacher's uniform, it reveals all of my curves. My skirt, that's above the knee, also reveals my smooth and white long legs.
I look like a hot, nerdy teacher.
Naputol lang ang pang-kri-criticize ko sa sarili nang marinig ko ang mahihinang katok sa pinto ng aking opisina dito sa Imperial film.
"Come in" utas ko at umupo na sa aking swivel chair.
Pinasadahan ko ng isang beses ang buhok na nakapony-tail bago tumingin sa taong pumasok.
"Yes Harold, tapos na ba ang pinagagawa ko?"
Wala itong emosyong tumingin sa akin bago magsalita.
"Okay na po ang lahat Ms. Clare. Sinabihan ko na po ang principal tungkol dito at alam na po ng lahat sa faculty na may bagong magiging performing arts teacher. Nandun na rin po ang table nyo sa tabi ni Ms. Gonzales at maayos na rin po ang schedule nyo. Maaari na po kayong mag-umpisa"
"Good. Thank you Harold" utas ko sabay tayo at kuha sa mamahalin kong designer bag.
Naglakad na ko palabas ng office at ramdam ko ang pagsunod ni Harold sa akin hanggang sa makarating ako sa sasakyan.
Nang masarado ang pinto ng sasakyan, agad ko itong iniikot sa kabilang building at doon ipinarada.
My office and the faculty room are in different buildings.
Ang building kung nasaan ang office ko at ang office ni ninong ay may kalayuan sa ibang buildings.
Exclusive iyon para sa president at vice president ng Imperial Film. No one is allowed to enter. Puwera na lang kung pinatawag ko o pinatawag ni ninong.
May daan na rin palabas ng Imperial sa likod ng aming building kaya hindi ko na kailangan dumaan pa sa main entrance katulad ng una kong pag punta dito.
So only few people knows that I'm the president, and I'm here now.
Sa pagbaba ko ng sasakyan, agad akong pumasok sa loob ng building kung saan naroroon ang faculty room.
Wala pang masyadong mga estudyante ang nasa labas dahil may isang oras pa sila bago magsimula ang klase.
Pansin ko ang iilang tingin nila ngunit di ko na iyon pinagtuunan ng pansin at pumasok na lamang sa loob ng faculty room.
Pagkapasok, dinig ko ang usapan ng iilang teachers tungkol sa akin--which is about the new teacher na magtuturo dito sa Imperial.
Ngunit agad din silang tumahimik ng mapansin nila ang pagpasok ko.
Poker face akong naglakad patungo sa table na inihanda sa akin ni Harold, habang saglit na sumulyap sa katabi nitong lamesa.
And there she is, Victory Gonzales.
Watching herself posing in the mirror, while trying hard to be beautiful.
Jeez. Narcissistic.
Elegante akong naupo sa aking pwesto na hindi pinapansin ang mga bulungan at tingin na iginagawad sakin ng mga naririto sa faculty.
Now, I know the reason why those students refused to acknowledge these teachers. Wala silang ginawa kung hindi ang mag-chismisan.
Well, I need to take note of their behaviors.
Binasa ko na lamang ang mga inihanda sa akin ni Harold at naghanda para sa klase mamaya.
Apat na klase ang kailangan kong pasukan mamaya, at ang subject naituturo ko ay ang Performing Arts--which is about how they use their own face, body and presence.
This subject is not just for performing arts students but also for those courses who are connected to it.
Ang una kong papasukang klase ngayon ay ang mga estudyante ng kursong film studies. Next is the performing art students, then the film directing students and last, the fine arts students.
In the blink of an eye, oras na para simulan ko na ang unang klase.
Dala-dala ang mga gamit, walang emosyon at dire-diretso akong naglakad palabas ng faculty.
Kahit na dinig-dinig ang bell ng academy, hudyat na mag-uumpisa na ang unang klase, marami pa din ang nakakalat na estudyante sa labas.
Tila walang mga pakielam sa paligid.
May estudyante pang sumipol ng naglakad ako sa kanilang harap kaya tumigil ako at blankong tinignan ang estudyanteng 'yon.
"Did you just whistled at me, young man?"
"Ay pare, matinik ka talaga hinintuan ka pa!" utas ng isa sa mga kasama nito.
"Young man daw" sabat pa ng isa sabay tawanan.
"Miss, bago ka ba? Ngayon lang kasi ako nakakita ng chix na kasing ganda mo sa school na'to" sambit ng estudyanteng sumipol sa akin at nakangisi pang um-apir sa kasama nya.
Agad akong sumulyap sa suot nyang polo at nakita ko roon ang kanyang nameplate.
"Well Mr. Villanueva, first of all I'm not a chicken so please don't call me 'chix'. And second, next time wear your uniform well and make yourself look proper. It's one of the school rules, so obey it. And last, you don't just whistle at someone you just saw. It's consider rude and sexual harassment. You can be sentence for 12-hour community service with Gender Sensitivity Seminar and you will also pay 10,000 pesos. So, if I see you next time wandering here in the hallway with your 'friends', whistling at every girls you just saw, I will not hesitate to call the police and make you go to jail. Do you understand?" Seryoso kong banta.
Di lang ako tumingin sa estudyanteng sumipol sa akin, kung hindi pati na rin sa mga kaibigan nito. May halong itong pangbabanta.
"By the way, nag-ring na ang bell so don't just wander here. Go to your classroom or else, you will all pay the consequence" nilakasan ko ang boses upang marinig rin ng mga estudyanteng nasa paligid.
Agad-agad na sinunod ito ng mga estudyante, at nagsipasok na sa kanilang mga classroom.
Habang ang estudyanteng sumipol at mga kaibigan nito ay tahimik at walang kibong nakatulala sa akin.
Kaya muli akong tumingin na may pangbabanta sa kanila kaya agad na nagsikilos ang mga ito at nagtakbuhan pa papasok sa kanilang classroom.
Umismid na lamang ako at dumiretso na sa una kong klase.
Jeez. What a first day.