2: Abandoned

513 17 0
                                    

I hold my forehead with my left hand while I scanned every documents that dad gave me.

Hindi ko mapigilang hindi mapangiwi habang tinitignan ang income at expenses ng Imperial sa mga nakaraang taon.

This past few years, even though Imperial Film Academy started to gain profits, it's still not enough to recover the amount of money lost that time.

At isa pa, maraming buildings ang naging abandonado dahil hindi napangalagaan. Marami ding mga teachers ang nagresign dahil sa maliit na sahod at mga estudyante nilang walang alam gawin kung hindi pasakitin ang kanilang ulo. Kakaunti rin ang maintenance at custodial workers sa school na naging dahilan ng napakaraming sirang mga gamit at mga lugar na hindi nalilinisan.

Mr. Solomon Hernandez, my godfather, is the new vice president of Imperial Film Academy. He started 2 years ago, and his performance is better than the previous vice president. However, he's too kind.

Ang dating entrance exam ng Imperial Film Academy na sinasabing isa sa pinakamahirap na exam noon, ay naging isa sa pinakamadaling exam ngayon. Pati ang qualifications ng mga estudyante ay naging low standards rin, kaya maraming estudyanteng mababa ang mga grades at wala ng mga pag-asang makapasok sa mga high standards school, ang nag-eenroll dito. In other words, every trash of those families were thrown out in this school, because this school was their last hope.

And the rules!

The rules and regulations of Imperial Film Academy is too little. Kakaunti na nga lang, hindi pa sinusunod ng mga estudyante dahil ang mga parusa ay hindi ganoon kabigat. Kaya kahit parusahan ng paulit-ulit ang mga lumalabag, wala pa rin silang takot na paulit-ulit labagin ang mga tuntunin at regulasyon.

Hindi lang 'yon, pati na rin ang mga kompanyang ini-irecommend ng school bago magtapos ang mga estudyante ng pag-aaral, ay mga low quality and small companies.

Imperial Film Academy's focus is in entertainment industry. The school offers courses such as, performing arts, directing, cinematography, sound recording, fine arts, photography, film and tv technology, and film studies.

Kaya kung puro low quality companies lamang ang ini-irecommend ng Imperial, it will tarnish the school's reputation forever if not fixed. Lalong-lalo na't sa entertainment industry, once you are part of a big company, tons of opportunity to success will come to you. But if you only are part of unknown company, expect that your future to success is vague.

Natigil lamang ako sa pagbabasa ng dokumento ng makarinig ako ng katok sa pinto.

"Come in"

Agad na nagbukas ang malaking pintuan ng aking opisina at tumambad ang isang dilag na may maputi at makinis na balat, magandang mukha, at kulay tsokolateng buhok na hanggang baywang. Kasunod nito ang isang mestisong lalaki na may suot na nerdy glass. Matangkad at may kapayatan ang lalaki ngunit ang balat ay kasingkinis at kasingputi katulad ng sa babae. Parehas na naka-formal suit ang dalawa habang sabay silang nag-bow sa harap ko.

"Good afternoon po Ms. Clare. Ako po si Evelyn Landicho, ang magiging assistant niyo. Habang siya naman po si Harold Jimenez, ang magiging secretary niyo simula ngayon"

"Ipinadala po kami ni Mr. Hernandez para tulungan kayo. Kaya kung may ipag-uutos po kayo, sabihin niyo lang sa'min miss" ngiting sambit ni Evelyn.

Hindi agad ako sumagot at tinignan lamang silang maigi.

The girl is very energetic and talkative, while the boy is silent and seems so...distant.

Nang makita kong hindi na komportable ang babae sa ginawa kong pagtingin sa kanila, agad akong tumango at inutusan si Harold na ayusin ang mga dokumento na aking nagulo. Habang inutusan ko naman si Evelyn na i-tour ako sa buong school upang malaman ko pa ang ibang problema na kailangan ayusin sa Imperial.

How the school built outside is very magnificent, but if you look closely and understand the surroundings, you will know that the school has a lot of problems inside.

"The buildings on the right side are the department of fine arts, film and t.v. technology and the school of performing arts. While the buildings on the left side are the department of film studies, photography, cinematography, sound recording, and directing department"

"Ang mga building naman po d'on sa dulong bahagi ay ang gymnasium, pool at dormitory. Habang ang mga building naman po sa harap ay ang theatre room, music and dance room, audio room, film studio, clinic, faculty, library..................."

Patuloy ako sa pakikinig sa mga isinasambit ni Evelyn habang tinatandaan ito ng maigi.

"Iyong ba ang mga abandoned buildings?" turo ko sa limang gusali na katabi lamang ng dormitoryo sa dulong bahagi.

Ang mga building na 'yon ay may mga naka-drawing na kung ano-ano sa pader na senyales ng vandalism. Makikita mo rin na ang mga pintura sa mga pader nito ay sinadyang bakbakin. Pati na ang mga ligaw na damo ay tumutubo na rin sa mismong pader at paligid ng limang gusali. Nagmukha itong mga abandonadong kastilyo.

Mahahalata mo talagang hindi ito naalagaang mabuti.

"Yes miss. Actually, gusto na pong ipa-renovate ni Mr. Hernandez ang mga abandonadong gusali na'yan pero palaging hindi sapat ang income na pumapasok sa Imperial" nang marinig ko ang sinabi niya, hindi ko maiwasang mapakunot-noo at magtanong.

"Kung gano'n, bakit hindi na lang kayo kumuha ng maglilinis ng mga gusali nang para sa ganon, kahit na naging abandonando na ang mga gusali na'to ay mapapanatili pa rin ang dating ayos. Bakit hinayaan niyong i-vandalised nga mga estudyante ang mga pader? At pati na rin ang paligid, bakit wala man lang nagtri-trim ng mga ligaw na damo? Ano 'to? Hahayaan niyo lang na maging gubat ang mga gusali?" inis kong utas habang nakakunot-noong nakatingin kay Evelyn.

Napayuko si Evelyn ng makita ang naiinis kong itsura.

"H-hindi po miss. S-sapat lang po kasi ang income na pumapasok sa Imperial upang ipangpasahod sa mga staff at teachers. Saka po marami rin po kasing expenses ang school kaya hindi na rin po naisip ni Mr. Hernandez na magdagdag pa ng mga maintenance at custodial workers. I'm sure po n-nabasa niyo na po 'yon sa mga d-documents na nasa lamesa niyo miss"

"At s-saka hindi naman po pinababayaan ni Mr. Hernandez ang mga gusali sa loob, maaayos pa rin ho ang paligid do'n. Marami lang pong mga sirang gamit pero hindi naman po magulo ang loob. Naka-lock rin po ang mga rooms para walang makapag-trespass. At yung tungkol po do'n sa vandalism, masyado po talagang mga pasuway ang mga estudyante. Pagpilit niyong pinagbabawalan, mas lalo po silang sumasaway. May rules na pong ipinatupad si Mr. Hernandez, pero sadyang nilalabag pa rin po talaga nila. At iyong tungkol po sa mga ligaw na damo miss, once in a month po siyang ipinapatrim ni Mr. Hernandez. S-sadya lang po talagang mabilis tumubo ang mga damo rito"

Hindi ako sumagot sa sinabi nito kaya nang walang marinig si Evelyn na tinig ko, dahan-dahan nitong iniangat ang ulo upang silipin ako. Ngunit ng makita niya pa rin ang seryoso kong mukha at nakakunot na noong nakatingin sa kanya, mabilis muli itong yumuko.

The Bitchy TeacherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon