KABANATA 6

187 28 5
                                    

(1 month had passed.)





"Deshina," rinig kong tawag niya na mabilis kong tinugunan ng tingin.

"Bakit?" Nagtataka kong tanong habang patuloy padin sa pagtutupi ng ilang mga damit namin. Binasa niya ang pang-ibabang labi sabay sandal sa isang banda, malalim niya akong tinignan bago pinagalaw ang kaniyang panga.

"Halos isang buwan kana din palang narito, ano?" He asked me using a flat voice before smiling at me, I stopped my work and suddenly remember something or better say someone.

May isang buwan nadin akong nandito. Hinahanap na kaya ako ni Mommy? Naramdaman niya kayang wala ako.

"Dash." I called his name this time. "Ayos lang ba sayo kung nandito ako. Baka kasi nakakaabala ako sayo, sa mga ginagawa mo at sa privacy mo. Aalis din naman ako." Sa tagal kong nandito ay ngayon kolang naramdaman ang salitang hiya, hindi ko alam kung bakit ngayon lang o baka naman dahil ngayon lang ulit pumasok sa isipan ko dahil pinaalala niya?

But back then, I was curious for his answer. Instead, he chuckled.

"Matagal mona akong inaabala, Deshina." Napanguso ako.

"Sabi kona ngaba it's okay, I'll gonna leave as soon as possible." impit kong sambit na muli niyang kinatawa.

"Ikaw ang abalang pinaka paborito ko, Deshina." Pumihit ang mga mata ko sakaniyang direksyon matapos kong marinig ang sinabi niya, doon sumalubong sa'kin ang matiwasay niyang mukha na pilit ko mang itanggi ay hindi mag-iiba, g'wapo talaga siya at aaminin kong may kaakit-akit siyang itsura na kahit sino mang babae ay hindi magkakandaw mayaw.

"Wala akong intensyong paalisin ka sa lugar kung nasaan ako, Deshina. Simula nang dumating ka dito, naging magulo ang buhay ko na siya din namang pinasaya mo." Tumayo siya sa long couch at bahagyang lumapit sakin, napalunok ako dahil sa lapit ng mukha namin sa isa't isa, sumamyo pa doon ang napakabangong amoy ng hininga niya, hindi ako makahinga sa kadahilanang para akong hinihila ng presensiya niya palapit sakaniya at basta nalang siyang yakapin at hagkan.

"D-Dash..."

"Kukuhanin kolang ang mga damit ko, Deshina." After saying that he distance himself already that make my jaw logged. My mouth hung in open because of unspecified traits I felt even though he didn't betray me, assuming lang talaga ako na balak niya akong halikan, ano bayan nakakahiya!

"Ano 'yan, loading ka nanaman? Iyan ang hirap sa mga robot, eh. Biglang nawawala sa sarili." Pangtutkso niya na agad kong kinairap, ngumisi siya sa akin bago pinasok ang kwarto niya at doon nilagay ang mga damit niyang natupi kona.

Bumalik siya agad sa aking harap, pinagsaklop niya ang kaniyang palad at alam kong nakatingin siya sa nakatungangang ako.

"Is there something bothering you? Nararamdaman mona bang malapit kanang kuhanin ng mga alien sa planetang Neptune at gawin kang diyos?" Sumama ang tingin ko sakaniya at basta nalang siyang binato ng unan, humagalpak ito ng tawa, ako naman ay agad na napahalumbaba at napahilamos sa aking mukha.

"Nakakaabala na'ko sayo." Ulit ko at tinignan siya sa aking daliri.

"You're not." Angil niya pabalik at bumuntong hininga.

"Uuwi nalang siguro ako, Dash."

"Ayoko! Hindi ka uuwi!" Agad kong idinilat ang aking mga mata matapos kong marinig ang bahagyang pagtaas ng boses niya, nagtataka ko siyang tinignan pero isang seryosong tingin lang ang binigay neto sakin bago hinilamusan ng palad niya ang kaniyang mukha.

"Dito kalang, Deshina. Dito kalang sa tabi ko, please." After saying that he immediately change his position and directly went infront of me, umawang ang labi ko matapos kong maramdaman ang hawak niya sa kamay ko.

He Doesn't ExistWhere stories live. Discover now