16 Years had passed...
Labing anim na taon na ang lumipas at hanggang ngayon ay sariwa padin sakin ang mga ala-ala ni Dash. Nakataktak parin siya sa puso at isip ko, ganon din ang mga salitang binitawan niya sa huling pagkakataon.
Ang pamamaalam niya...
Ang pagmamahal niya...
Lahat lahat..
Sariwa parin sakin yun at walang lalaki ang makapantay sa pagmamahal niya sakin noon. Kahit sino, kahit ano kapa. Alam kong mahabang panahon na ang lumipas at aware din akong naguguluhan na sila Mommy sakin pero hanggang ngayon ay wala parin akong pinagsasabihan sa nangyari sakin. Ang alam lang nila ay may boyfriend ako pero hindi kona siya pinakilala ng buo. Dahil ano namang use ng pagpapakilala ko?
Kung hindi naman niya magagawang humarap sakanila, sa akin.
Nandito ako ngayon sa aking kuwarto at nakangiting tinignan ang kabuuan nito. Pagpasok mopa lang ay puro mukha na ni Dash ang makikita, sindya ko iyon. Sinadya kong idrawing ang mukha niya sa wall ko ng kuwarto ko dahil gusto ko kada paggising ko ay mukha niya padin ang makikita mo, ang maalala ko, ayoko siyang kalimutan, ayokong isang araw paggising ko hindi kona siya maalala.
Napatingin naman ako sa may daliri ko at muli nanamang pumatak ang luha ko habang naka tingin sa singsing na bigay niya. Singsing na nagsisimbolo sa pagmamahal niya.
"Hindi kana ba talaga babalik?" Tanong ko habang nakahawak sa mukha niyang ginuhit ko. Ito ang pinaka una, napaka guwapo niya padin. Ito ang unang beses na ginuhit ko ang mukha niya at ito yung time na nasa kwarto niya ako, sobra nga akong nagtaka kung paano ko nabitbit sa real world ang drawing kona iyon at ang singsing ko. Pero kahit ganon laking pasasalamat ko dahil nag iwan parin talaga siya ng mga bagay na makakapag paalala sakin sakaniya.
Unti unti akong tumayo at lumapit sa isang makapal na libro. Simpleng libro lang ito kung titignan pero para sakin napaka halaga nito. Dahil..
Dahil sa librong ito nakalahad ang buong pagsasama namin.
Nang araw na nasa hospital pako ay agad din akong nag pa destino dahil ayoko sa ospital at ayoko rin makita ang mga naaawa nila mata habang nakatingin sa mahinang ako. Nag pauwi agad ako at agad na dumeretso sa kwarto pero tila nanghina akong muli nang makita ko ang librong ito.
Noong una ay nagtaka ako kung ano 'yon pero ng binuksan ko iyon ay muling bumalik ang mga nangyari samin.
Tawanan...
Kulitan...
Asaran...
Lambingan...
Pag-aaway..
Pagmamahal namin sa bawat isa...
Hindi ako makapaniwalang habang kasama ko siya ay naisusulat pala sa librong 'to ang nangyari samin. Kami ang gumawa ng sarili naming kuwento at gaya ng nangyari sa buhay ko habang kasama siya, wala kaming happy ending at ganon din sa librong ito. Hindi ko ito magawang mabago, parang may kung anong pumipigil sakin na baguhin ang aming wakas, tila wala na talagang makakapag pabago sa tadhana naming dalawa.
Sa loob ng labing anim na taon patuloy ako sa pagsusulat ng kuwento at patuloy parin akong umaasa na sa bawat kwento ko ay muli siyang mabubuhay. But I was wrong. Mali ako dahil sa bawat araw na nagdaan walang Dash Sarmiento na nagpakita.
No Peace
Song by Sam SmithI see you in the morning
Feel your fingers in my hair
Sometimes I still pretend you're there
YOU ARE READING
He Doesn't Exist
Krótkie Opowiadania~The forgotten story. Deshina Rodriguez also known as 'Ina' loves writing a stories, her world revolves around creating some stories, sometimes some of the scenes was come on her real experience and who should know that the story she would create w...