KABANATA 10

218 33 11
                                    

(3 months had passed.)

Ang nakasanayan kong kuwarto ang siyang bumungad sakin pagkagising ko, agad akong napatingin sa orasan at mariin nalang na napapikit ng makitang mag aalas-nuebe na pala. Bumangon ako sa higaan hawak ang dibdib ko na sa kaunting galaw kolang ay napapagod.

Tumayo ako galing sa higaan at inayos ito, matapos non ay pumasok ako sa loob ng banyo, doon unang sumalubong sakin ang mukha, napailing ako matapos kong mapansin ang pagbagsak ng katawan ko, ang pagpayat ko at ang pamumutla ng balat ko, ang labi kong dati ay mala rosas, ngayon ay mistulang labi na ng isang patay. Nanghihina ako, nanlalambot at nanlalamig, hindi ko matukoy ang sakit ko pero alam kong mahirap, maging siya nakita kona siyang nahihirapan sa pag-aalaga sakin. Bagay na hindi ko man hiningi, pero kusa niyang binigay sa akin.

Natapos akong maligo at magbihis, lumabas ako ng kuwarto pero walang Dash ang nagpakita sakin, tinignan ko siya sa CR pero, sa kuwarto, at pati nadin sa sala, pero wala siya. Baka naman umalis lang at may binili.

Doon ko naisipang bumalik sa kusina at kumuha ng maiinom pero bago kopa mabuksan ang refrigerator ay may nakita na akong notes.

Rooftop
-Dash.

Simple nalang akong napatango at nagmamadaling lumabas sa condo upang tunguin ang rooftop, halos takbuhin kona ito at hingal na hingal matapos marating iyon. Hinawakan ko ang bakal na pinto at tinulak pero hindi sapat ang lakas ko para mabuksan siya, kaya naman binigay kona lahat kahit ilang segundo pa ang lumipas at tuluyan itong binuksan.

Hinanap siya ng mga mata ko pero hindi tao ang nakita ko, kundi isang pulang minipis na carpet na may mga nakalagay na rosas at pagkain sa ibabaw, bigla akong nagutom matapos iyong makita.

"Dash!" Tawag ko na agad nitong kinalingon, mabilis itong tumayo at sinalubong ako kasama ang matamis niyang ngiti.

"Good morning, darling." Bati niya at inalalayan ako, hinalikan niya din ang pisnge ko dahilan para agad akong yumakap sakaniya at binitin ang paa ko, sobrang pag-iingat niya akong nilakad palapit sa mga pagkain.

"Ano ito, beb?" Malambing kong tanong, tinago ang paghingal at yumuko sa dibdib niya, mahina naman siyang tumawa bago ako pinatingala. Pinababa niya ako at agad na nilapag sa carpet, inayos niya pa ako ng p'westo bago siya bumalik sakaniyang pagkakaupo at diretso akong tinignan.

"Date," simpleng sagot niya at naglagay ng puting scarf sa hita ko, kumuha siya ng plato at doon naglikot ang mga mata ko matapos kong makita na pagsasandukan niya ako.

"E, bakit dito?" Nagtataka kong tanong kasabay ng paglantak ko sa mga pancakes na nilagay niya sa plato ko, muli akong napanguso ng kuhanin niya iyon pero para lang pala lagyan ng chocolate syrup.

"Ayaw moba?" Maamo niyang tanong, kinuha niya ang tinidor at nilapit iyon sakin, sumubo ako bago umiling, kinuha niya din iyon at sumubo kagaya ko, napahagikgik pa'ko ng makita kong may lampas doon, dahilan para ilapit ko ang nanlalamig kong daliri at pinampunas iyon sa aking labi.

"Baka nilalamig ka?" Umiling ako at pinakita sakaniya ang scarf na suot ko, ngumiti siya sakin bago ginulo ang buhok ko.

"Ang ganda dito." Komento ko bago siya tinignan." aniko. "At wala din naman akong pakialam kahit saan mo ako dalhin, as long kasama kita okay na'ko, kahit nga sa tambakan mopa ako dalhin eh."

Tumawa siya. "Ang mga babaeng kagaya mo hindi dapat sa tambakan dinadala, dapat sayo sa altar."

Kinilig ako. Until. "Alam mo kanina pa ako nandito, seven am palang nandito na'ko." Saad niya na kinabuga ko sa ininom ko.

He Doesn't ExistWhere stories live. Discover now