KABANATA 9

166 27 6
                                    

"Darling, come with me." Marahan kong naimulat ang aking mga mata ng marinig ko ang kaniyang malambing na boses, napangiti ako ng sumalubong sa'kin ang guwapo niyang mukha na tila kanina pa nag-aabang sa paggising ko.

"Where?" Inaantok kopang tanong at hinayaan ang sarili kong magpatangay sakaniya.

"We're going to watch a fireworks display." Para bang excited na sambit niya na mabilis kinamulat ng mga mata ko, tinignan ko siya na para bang nagtatanong kung nagbibiro lang siya pero mukhang hindi naman kaya dali akong bumangon ng tuluyan at nagtatakbo papuntang banyo, halos mauntog pa'ko kakamadali.

"Be careful!" Sigaw niya na kinakaway ko nalang.

Mabilis akong natapos sa ginagawa kong pagligo, nagmamadali padin akong pumunta sa drawer bago naghanap ng maisusuot. Dagli ay may nakita ko, hinugot ko nalang ang itim na Levi's shirt sa aparador at isang tokong short bago iyon sinuot, nilugay ko nalang din ang medyo buhaghag kong buhok bago masayang lumabas at muli siyang hinarap, nag-aabang padin siya.

Ngumiti siya sakin. "Tara na?" Aya niya na mabilis kong kinatango, ako na humawak sa kamay niya bago siya hinila palabas ng condo.

"Relax, Deshina. We have one hour before it start." Natatawang saway niya sakin na hindi ko binigyang pansin, para sakin mas maganda na maaga kaming makapunta doon lalo na at sanay ako sa Filipino time no! Sasabihin mamaya pa tapos biglang nag start na pala, minsan naman magbibigay ng dealing time pero trenta minutos na hindi padin nagsisimula, ano pabang aasahan ko? Filipino tayo!

Nakalabas kaming dalawa sa building, agad niya akong inalalayan papasok sa kotse niya bago siya sumunod, muli niya akong tinignan at kinilig ako matapos kong makita na excited din siya! Yey, same vibes kami ng boyfriend ko ngayon, buti naman!

"First time?" Tanong niya na agad kong kinatango.

"How about you?" I asked back, he groaned.

"Pangalawang beses palang." Ngumiti siya muli sa akin bago mas pinabilis ang sasakyan, napasigaw naman ako sa loob para kulitin siya.

"With Callie?" Mabilis siyang tumawa sa sunod kong tanong.

"No, with our Dad." He look at me teasingly before laughing, napalobo naman ang pisnge ko bago nahihirapan na nag-iwas ng tingin.

Nakarating kaming dalawa sa may parke at gaya ng inaasahan ko ay marami na agad tao doon, karamihan pa sa mga nandoon ay isang pamilya at hindi naman kaya ay mag-asawa ko magkasintahan. Napabuntong hininga ako, I miss my family, I miss being a child

Kinalabit ako ni Dash. "Bumili muna tayo ng makakain." Nakangiting pukaw niya sakin at piniga ang kamay ko, dinala niya ako sa stall ng iniihaw na mais, pakiramdam ko bumaha sa laway ang bibig ko matapos kong masamyo ang mabangong amoy nito. Bumili siya ng dalawa at mabilis na binayaran, namili din siya ng coke at napangiti nalang ako ng siya pa ang magbukas. Naghanap pa kami ng mapepwestuhan na kitang kita ang mga fireworks, nakakatuwa sa palagay ko para sa amin talaga ang araw na'to, to spend time together.


"Magsisimula na!" Sambit niya sakin at tinignan ako, tinignan ko siya pabalik bago ngumiti at muling tumingin sa madilim na langit. Sabay kaming naghintay, nakisabay sa countdown ng mga taong kasama namin.

5.....4......3.....2.....1....

"Happy monthsarry!" Magkasabay na sigaw at bati namin sa isa't-isa habang magkahawak ang kamay, maligaya akong tumingin sakaniya bago sumandal sa may balikat nito, mahigpit niya akong niyakap at hinawakan ang baba ko bago ako pinatingin sa kalangitan, malawak at totoo ang saya akong napangiti habang nanonood sa fireworks na naglakat sa langit, higit padon mas masaya ako dahil kasama ko ang totoong nagpapaliwanag sa gabi ko.

He Doesn't ExistWhere stories live. Discover now