KABANATA 8

152 27 2
                                    

"Deshina, please. Let's talk about this." He begged again but I refuse it, kanina niya pa ako binabalak kausapin habang nakasakay kami sa sasakyan niya pero ni tingin ay hindi ko siya binigyan. Madali lang naman akong kausap, gusto niya yung babaeng 'yon diba? Edi doon siya, the gate is open, hell is waving!

"Deshina, I told you. Ginawa kolang 'yon not to act rude."

Pikon akong bumaling sakaniya bago siya masamang tinignan. "Manhid kang lintek ka!" naglapat ang labi niya.

"You don't want to be rude or you just want her company? Tell me, Sarmiento!" I barked, he shook his head. "...manhid ka, ang lagkit nanga ng tingin sayo wala kapa ding following actions for respondents."

Pinagcross niya ang kamay, literal na ekis. "I didn't mean it, cross my heart, break the bridge, take the land, I promise, padlock and tapon susi." He gestured his hand like he was throwing a key, then blow it on the air.

"And it's not my fault, baby. Hindi ko naman siya sinabihang tumitig sakin." My eyes went darkened.

"It's your fault kasi nagpapalandi ka." My accusations towards him hit the companion.

"I do not flirt with her. I am no flirting."

"Shut up, Dash!" I said like a stand rock. "Kapag sinabi kong kasalanan mo, kasalanan mo! Inis kong singhal at padabog na bumalik sa kuwarto, nilock ko ang pinto bago sinipa ang pader na malapit dito, naiinis ako! Sino ba yong Diane na'yon, iyon, iyon na ang ipagmamalaki niya? Bakit, wala namang ganda 'yon, sa palakihan lang naman siya nanalo sakin.

Che, mas maganda padin ako sakaniya. Wala man akong suso atleast maganda padin ako.

Bumukas ang pinto kaya naman agad akong napatingin doon. "Paano ka nakapasok?" Walang gana kong tanong, tinaas niya ang kamay bago pinakita sakin ang hawak niya.

"I have spare keys." He said, akma siyang lalapit sakin pero agad kong inamba sakaniya ang lampshade na nasa aking tabi at masama siyang tinignan, nahinto siya sa plano dahil doon.

"Baby—"

"Why are you keep calling me baby? Darling ang tawag mo sakin diba? Bakit ngayon nag-iba na, ano 'yan, sa dami ng babae mo hindi mona maalala kung sino-sino at kung anong mga tawag mo samin?" Paratang ko na mabilis kinalaki ng mga mata, umawang pa ang kaniyang labi kasunod ng kaniyang pag-iling na para bang nakukunsume.

"Wala akong ibang babae, Deshina." Aniya sa lapat na tono pero hindi ko pinakinggan 'yon. Pinanatili ko ang masama kong mukha habang nakatalikod sakaniya, nararamdaman ko na nabibigatan siya sa sitwasyon base sakaniyang paghinga pero mabigat din naman sa akin, hindi korin naman kasi maintindihan, ito lang ang unang pagkakataon na nakaramdam ako ng matinding selos para lang sa relasyon.

"I'm telling you all the truth, and my best plead. Pakinggan mo sana ako and believe that you are my only love." Sumamo niya pero nanatili ang mga mata ko sa liwanag sa labas, bumigat ang kabilang bahagi ng kama at doon ko napansin ang pagtabi niya sakin, nakita ko kung paano mangamba ang mga kamay niyang hawakan ako pero hindi kalaunan ay naabot niya din ang aabutin sa akin, iyon ang kamay ko.

Inilagay niya ang aking kamay sa ibabaw ng kaniyang dibdib bago ako malamlam na tinignan. "Mahal na mahal kita, Deshina. Sa maikling panahon na nakasama kita mahal na mahal na agad kita and believe me, I can't bear to loose you. Kahit ilang magagandang babae pa ang lumapit sa akin walang makakapantay sa'yo pagdating sa pagmamahal ko."

Matapos kong marinig yon ay mas lalong hindi ko maintindihan, mas hindi ako mapakali at nang magtama ang mga mata namin ay doon tuluyang nagbago ang expression ko, napaka amo ng kaniyang mga mata habang nangungusap sakin, mabigat din ang paghinga niya habang ang mga kamay niya ay malalamig na nakahawak sa akin, hindi kalaunan ay yumuko din ang binata bago marahas na huminga, sorry siya ng sorry na tuluyang nakapag pawala saki'ng galit, he look frustrated.

He Doesn't ExistWhere stories live. Discover now