1

1.9K 65 2
                                    

"I miss you, bestfriend!" tili ni Jana nang pumasok ako sa silid ng unang klase namin.

Yumakap siya ng mahigpit sa akin kaya natawa akong ibinalik iyon. Matapos ang pageant noong bakasyon, hindi na kami nakapagkita ulit. Mayroon din kasi kaming mga lakad kasama ang mga pinsan ko, bihira lang kasi mangyari iyon kapag ganitong nag-aaral pa ang karamihan sa amin. Tuwing okasyon lang kami madalas nagkikita.

Maski nga ako kila kuya Elias at Lana pati na sina mama't papa bihira ko rin makita. Lalo't mas madalas ako sa mansyon.

"Mamaya pala, susunduin ako ni Pierro..." aniya na nakangisi na. Nararamdaman ko na rin na may iba pa siyang kahuluguhan doon. "And I have good news,"

Inosente akong naghintay ng sasabihin niya, mas lalong lumawak ang kanyang ngiti nang mapansin na interesado akong naghihintay sa sasabihin niya.

"He confirmed that your crush is already here," she said teasingly that made me blush.

Lumihis ang ulo ko, hindi talaga ako nagkamali... siya nga iyong nakita ko noong gabing iyon.

Napanguso ako para mapigil ang pagngiti lalo na at nakadirekta sa akin ang nanunuksong tingin nito. I bit my lower lip and shook my head, sinesenyasan siya na tigilan na ang pang-aasar sa akin. Ilang saglit ay natigil din siya nang dumating na ang propesor namin.

Mayroon kaming bakanteng oras pagkatapos ng lunch kaya naman ay nagpunta kami sa court, mayroong mga upuan sa gilid na pwedeng mapagtambayan. Minsan, dito na rin kumakain ang iba habang pinapanood ang mga nagpapraktis ng laro.

"Go, Mendez!" sigaw ni Jana nang maabutan namin ang dating kaklase na nag-eensayo. Lumipat na siya ng kurso.

We both are taking HRM, si ate ang pumili ng kurso ko dahil siya ang isa sa nagma-manage ng hotel namin. Kaya kahit gusto ko kumuha ng architecture, isinantabi ko iyon.

Kagaya ng sinabi ni Jana, I've always tried pleasing them. Simula pa lamang noong bata, ikinakainis na ni ate ang pagiging mabagal ko sa pagkatuto. She's the one who was there to look out to me at home. Sila mama at papa ay laging nasa trabaho, si kuya Elias din ay palaging may pinagkakaabalahan.

Hindi naman sila nagagalit sa akin pero kita ko ang pagkadismaya ng mga magulang ko na hindi ako katulad ng mga kapatid ko na nangunguna sa mga bagay-bagay. Iyon din ang dahilan kung bakit mas matagal ako manatili sa mansyon, even tito Axar is strict. He never made us feel that way. Si lolo ay palagi lang naman kami pinagbibigyan sa gusto.

Still, I know my family was not to blame. I'm still trying to do what they like so in other way, nakakabawi ako.

"Uy, andyan pala kayo..." Theo commented nang mag-time out ang practice nila. Sumulyap ito sa akin at ngumiti.

I smiled back.

Hindi ko rin maiwasan hangaan ang mga estudyanteng atleta, kakaumpisa pa lang ng klase at ito na agad ang pinagkakaabalahan nila.

"Siya pala, Mendez ha..." pasaring ng isa nitong kasamahan nang tapikin ang likod ni Theo.

"Ayaw mo ba kami makita?" biro ni Jana, nakitawa rin ako.

Makahulugan itong tumingin sa akin.

"Gustong-gusto nga,"

Sa hindi maipaliwanag na dahilan, nailang ako sa pagtitig niya sa akin kaya iniiwas ko ang tingin sa likod niya at doon nanlaki ang mata ko.

"Frella!"

Tumakbo papalapit sa gawi namin si kuya Keano. He's my cousin who's two year ahead of me. Kami ay third year na, while he's graduating. Siya ang captain ng basketball dito.

the unplanned compliance (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon