20 (His)

1.9K 58 5
                                    

Malayo ang tingin ko kay mama na tuluyan na akong tinalikuran. Nakapalibot na ang ilan sa kaniya na may hawak na malalaking camera. I looked up to my dad with disappointment and he look down at me consolingly.

"Your mom has to work, son. Do you want to go somewhere?" He asked softly, trying to lure me.

Umiling ako.

She promised me we're going to shop at the mall, ngayon na may nakakilala sa kanya ay agad kaming humiwalay ni papa.

"Gusto ko na bumalik sa pilipinas, papa." sagot ko.

Tuwing bakasyon, narito ako lagi sa states. Sa pilipinas ako nag-aaral, kasama ang mga pinsan ko. Sila mama at papa ay dito nakatira. Ayaw ko humiwalay sa mga pinsan ko, kaya doon ako nag-aaral.

Pero tuwing sinunsundo ako ni papa, si papa lang madalas ang nakakasama ko sa paglabas. Si mama ay sa aming bahay lang pwede namin makasama at hindi pa palagi. Iyon daw ang kailangan sa trabaho niya, 'yung wala siyang pamilya kaya sikreto lang dapat.

Sanay naman ako at pinaintindi sa akin ni papa iyon.

But I think, it was the vacation before I entered second year highschool that my understanding has went nowhere. My perspective changed and I don't want to come back to my parents anymore.

"Son, we've talk about it many times."

I tsked at my father and drop myself at the couch. Saglit kong sinulyapan ang nagluwal sa akin na animo'y iiyak na. How many times I told them I don't want to go home here? Kung hindi lang ako pinilit ni lolo't lola, hindi ako sasama rito.

"What?" ani ko. "Wala naman akong gagawin dito, watch your wife to walk? It's boring."

"Nikolas!" My father's voice roared that made me shut up. I respect and love my father sincerely, kaya hindi ko naman gustong suwayin siya.

I don't know how he manage to stay with my mom continue rejecting their marriage. Well, at least he's allowed to announce they have relationship. That they are dating while I go here and hide myself from invaders of personal life.

Its funny, the more I grew up the more I realize how much lacking I am of my own mother's care.

I can remember how I can't call her mom, minsan hindi ko rin pwede tawaging papa ko si papa. She even told some people I am just her boyfriend's nephew. I never had the chance to bond with them as a family in public. I don't know why she keeps agreeing to what kind of contract their agency has. See, I don't really get it why I should be going here.

Well, at least she acts my mother at home, only that I don't want it anymore. Hindi na ako 'yung bata na tatango kapag pinapaintindi sa akin ni papa ang bagay na bakit ako lang ang kailangan mag-adjust.

Well, I am fine. But I hate the way she decide for me when she shouldn't.

"Sabi ni lolo, you'll transfer to states."

Ngumiwi ako sa sinabi ni Aries. Noong nakaraang taon pa 'yan, why would I agree. Umiling ako at kinuha ang bola sa kamay niya, hinagis ko iyon kay Pierro. He has always been my classmate, I think that's why we became best friends.

Baliwalang tinanggap niya ang bola, "I can feel it's real this time."

Sinamaan ko ito ng tingin. He just shrugged. I know when our grandparents forced me, I have no choice. Naghiwalay din kami matapos ang paglalaro, Pierro and I went the same way. Obviously, kami lang ang magkaklase rito.

"Kuya Nikolas!"

I gaze at the parking lot, napaangat ang kilay ko at agad napangiti. Our little Lalianah is waving at me. Nakatayo ito sa loob ng van, nakabukas ang pinto. She used to be our bunso, but Laniah came. Sila ang pinakabata sa aming magpipinsan, unless there would be another after Laniah.

the unplanned compliance (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon