4

1.3K 49 10
                                    

Isang malakas na tapik ang dumapo sa aking braso, I unconsciously slide my palm to my arm. Bahagya akong napatingin doon at nakitang bahagyang namumula na bago ko tingalain ang may gawa.

"Ano na, Frella?" udyok ni Jana, kunot na kunot ang mga noo tila may iba pang kinaiinisan. "Sabi ko saan ka nagpunta noong gabing iyon?"

I blinked my eyes multiple times before I slowly shook my head, unsure of what to answer. Palagay ko ay nag-iinit ang aking mga pisngi dahil sa totoong nangyari.

Tumikhim ako, "Uh... u-umuwi na rin..." I paused, thinking more. "N-nag aaway na kasi kayo..."

Lihim akong napahinga nang siya naman ang umiwas ng tingin. At least, she won't realize I'm lying. Bihira lang ako magsinungaling, pero ayos na rin na mukhang tatanggapin naman ni Jana ang isinagot ko.

"K-kayo ba?"

I saw a faint red in her cheeks as she coughed and grab my bottled water, umiling-iling siya at bahagyang tumalikod.

"Dapat kasi hindi ka na lang nagcr," she murmured that I didn't understand.

Nagtataka ako sa biglang kilos ng kaibigan ko, hindi ko alam kung dapat ba akong magpasalamat dahil kanina ang kilos ko ang pinupuna niya. Parang may pilit siyang kinakalimutan at ako ang napagbubuntunan niya.

Napahinga ako at napatakip din ng mukha, hindi ko rin alam kung anong nangyari sa akin at nagawa ko iyon nang gabing iyon. I know I like him so much, but I can't believe I actually gave myself to him that night. Nababaliw na ako, hiyang-hiya, at hindi malaman ang dapat na eksaktong maramdaman.

"Andito lang pala kayong mag-bestfriend!"

Sabay kaming napaangat ng ulo ni Jana dahil sa boses ni Camille, hingal na hingal itong napaupo sa batong lamesa na kaharap namin.

Lunch kasi namin kaya narito kami sa labas, pero pareho kaming walang gana. Dito kadalasan ang tambayan ng mga estudyante kapag kakain o gagawa ng mga kailangan gawin. Naghahati ang mga batong lamesa na pinalilibutan ng batong upuan at matatabang puno, kahit tanghali ay hindi mainit dito.

"Tsk, huwag ngayon Camille!" asik ni Jana, alam kasi namin na mangongolekta ito ng ambagan para sa isang proyekto sa P.E namin.

Kakailanganin namin magkaroon ng costume para sa itatanghal sa susunod na dalawang buwan, iyon ang babayaran namin. Matagal pa naman ngunit kinakailangan na masimulan.

Sinimulan ko na buksan ang aking bag para kunin ang pitaka.

Sumulyap ako kay Camille na siyang humalukipkip at napatayo. "Anong huwag ngayon, eh absent nga kayong dalawa kahapon!"

Namilog ang mata ko at napaharap kay Jana, kung ano ang reaksyon ko ganoon din siya. She's been asking me since morning about the night before yesterday but I have no idea that she was absent too.

Kaya pala hindi niya ako tinong kung bakit wala ako kahapon, wala rin pala siya.

"Hoy," kuha sa atensyon namin ni Camille. Umisod ito sa bandang gitna ng lamesa at doon naupo. "Bayad niyo na, maghahabol pa ako ng ibang kaklase. Saka niyo na alamin ang buhay ng isa't- isa."

Tumango ako ng marahan at kumuha ng pera sa pitaka, dinoble ko na iyon para kay Jana saka inabot sa kaklase.

"Salamat! Kala ko gagamit pa ako ng dahas!" Camille jumped and walk away as if she has other meeting to attend.

Liningon ko ang kaibigan na kasalukuyang may kinukuha sa sariling bag, naglabas siya ng pera at inabot sa akin.

"Bayad ko," aniya.

the unplanned compliance (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon