5

1.3K 52 27
                                    

"I think, hindi ko na kaya itago."

Napaangat ako ng tingin kay Jana, wala na masyadong estudyante sa paligid dahil pagabi na. Nagsabi na ako sa kambal para hindi ako pagalitan pag-uwi ng mansyon, may tinapos pa kasi kami. Sinadya kong sa kambal magsabi dahil malamang ay ipapasundo ako kapag kila tito at lolo.

Papunta kami sa madalas namin bilhan ng inumin, nilalakad lang namin. Papasok sa eskinita ito, minsan lang itong sinabi ng kaklase namin kaya sinubukan at nagustuhan na.

Nagtataka akong gumawi sa kanya, kumunot ang noo ko. "Alin?"

She stomped her foot, annoyed.

"Bakit ikaw kaya mo?" iritadong anas niya. Humarap siya sa akin, "That night."

Hindi ko ata napaghandaan iyon kaya parang bigla na lang tumalon ang puso ko sa binanggit niya.

I bit my inner lip, "K-kailangan ba... I felt like we both did a mistake."

Ngumuso siya at napaiwas ng tingin.

"K-kaya nga... pero iba pa rin imbis na makiramdaman lang tayo!" Tinuro niya ako. "You lied at the part you went home."

Nag-init ang aking mukha at napatakip ng palad. "This is embarassing... kaya nga ayoko pag-usapan."

Binilisan ko ang lakad, kapag ganito parang ang layo pala ng pupuntahan namin.

"Ahuh, how did you two even end up doing it." 

Napasinghap ako sa pagderetso niya.

"W-wala pa naman ako sinasabi ah!"

Lumihis siya ng tingin. "E-eh ikaw na nagsabi parehas lang naman tayo..."

"O-oo nga p-pero... bakit siguradong-sigurado ka?" Sumimangot ako.

Nagkibit-balikat siya. "Ako nga na hindi naman patay na patay sa lalaking 'yon, nangyari pa rin..."

"I think that's more acceptable, you two have known each other for years... kahit na wala naman kayong ganoong relasyon."

Nanlalaki ang mata niyang hinarap ako uli. "Oh my gosh, tama na nga. Hindi ko alam sinasabi mo." Nag-akto pa siyang tinatakpan ang tainga. "First kiss at..at.. first ko lahat 'yon!"

"A-ako rin naman..."

Napahinto kami. Saglit na sinakop ng katahimikan ang pagitan naming dalawa. Napailing siya at napasapo sa noo niya.

She straddled her arms and face me, inangat niya ang isang kamay at tinuro ako at ang katawan niya.

"We're stupid," aniya.

I frowned and nodded my head.

"Nagkausap na ba kayo uli?" tanong ko.

Umiling siya. "Tigil na natin 'tong usapan, hindi ko na kinakaya."

Napabuntong-hininga ako at tahimik na muli naming tinahak ang balak na bilhan. Nang makarating ay napunta sa usapang shake ang usapan namin habang nakapila. Marami rin talagang customer dito tuwing gabi, mga kakauwi lang ng iba galing trabaho.

We missed having stress-free conversation. Mami-miss ko ito lalo na at sigurado akong mag-iiba ang takbo ng graduating year namin sa sunod na pasukan.

Ilang saglit ay sa wakas kami naman ang nag-order, open lang itong shop kaya sa labas lang ang upuan at lamesa na ilan lang din kaya nakatayo lang kami habang naghihintay.

"Frella,"

"Nala,"

Nanlaki ang mata ko sa pamilyar na boses, even if they speak in unison... ramdam ng likod ko kung saan siya banda.

the unplanned compliance (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon