"Uh, Manong... pwede po ba dumaan uli tayo roon? Sinabihan ako ni ate na hindi raw kami sasabay ng uwi."
Mukhang natuwa naman si Manong sa hiling ko para madaanan niya uli ang anak sa tapat na bakeshop. Ilang saglit ay nakarating kami roon, tinawid uli ako ng driver bago bumalik sa kanyang anak.
Kumakabog ang dibdib ko, kabang-kaba ako habang papasok muli sa loob ng shop. Parati ko ito nararamdaman tuwing kailangan magsalita sa harap ng klase o kaya'y kapag titignan ako ng mga kaklase kapag tinawag ako ng guro.
Kaya siguro mas lalo ako kinakabahan dahil mga purong mga estranghero ang mga tao rito sa aking pananaw.
Napanguso ako nang ilibot ang tingin at hindi nakita iyong Nikolas kahapon, lumapit ako muli sa cashier at nag-order ng ibang flavor.
Pinaupo niya muna uli ako, pinili ko ang pinakamalapit lang sa counter.
"Alam mo ba iyong bagong bukas na mamahaling restaurant? Balita ko nagkita roon ang Mellaje at Fuentebello."
Hindi ko maiwasang hindi makinig sa usapan ng cashier at isa pang babae, lalo na at nabanggit ang apelyido ko. Hindi bago sa pandinig ko iyon, matagal ko na narinig na hindi raw magkasundo ang pamilya namin.
"Oo, umalis nga agad mga Mellaleje. Ayaw ng gulo, mababait kasi ang mga iyon."
Napayuko ako ng bahagya, ibig sabihin ba kami ay hindi. Napasimangot ako, hindi naman masama ang pamilya ko.
"Huy, mamaya na uli... may Mellaleje na parating."
Namilog ang mata ko, pati ako ay kinabahan sa narinig. Napasilip ako sa babasaging pintuan at nakita roon ang hinahanap ko kanina, may kasama.
Sino sa kanila?
"Ay, Si sir Nikolas nga..." mahinang ani ng babae na naging tugon sa pagtatanong ko sa isip.
Agad ako napatingin sa bag at hinanap ang sticker pad ko. Mahilig kami nito ng pinsan kong si Zollana, lagi kami binibilhan ni lolo sa tuwing uuwi ito galing sa kung saan. Kinuha ko ang hugis puso at dinikit sa aking ID, tinatakpan ang apelyido ko.
Palagay ko kasi ay kailangang hindi ko ipaalam. Parati pa naman tinitignan ang ID ko tuwing may kumakausap sa akin.
Napaawang ang labi ko sa sariling iniisip, hindi naman ata kami mag-uusap. Ngumuso ako ng bahagya at pinabayaan na lamang ang kaba na manatili habang hinihintay ang binili.
The female crew finally placed my drink in front of me, kasunod ay ang paghinto ni kuya Nikolas sa harapan ko pero ang atensyon ay naroon sa counter. Mayroon siyang kasama na halos kantangkaran niya rin lang.
I sip on my drink quietly while my attention is on him, I watch him talk as they ordered.
"Wala na hong avocado sir, last na po iyong sa kanya."
Natigil ako sa paghigop ng inumin ko nang madako ang tingin nilang tatlo sa akin, sana pala ay hindi na lamang ito ang inorder ko.
Napayuko ako, kinakabahan muli sa hindi malamang dahilan.
"Oh, hey little girl..."
My eyes blinked when I heard him speak, marahan kong inangat muli ang ulo sa kanya. Hindi alam kung anong sasabihin, kaya nanatili lang na ganoon.
He smiled lightly, "Is it good?"
I shyly nod my head, not having the courage to speak.
Mukhang napansin niya iyon kaya natawa lang siya ng kaunti at binalingan muli ang counter at nagbanggit ng ibang oorderin. Tumayo ako at kinuha ang Avocado shake. Nadangga ko ang kanyang kamay kasi ang mata ko ay nasa labas na, hindi ko napansin ang paglakad nila.
BINABASA MO ANG
the unplanned compliance (Completed)
RomanceFrellaña Fuentabello also known as the most obedient daughter of the family, grew up being shy and incompetitive that leads her family losing their hopes up on her. Not disappointing her family should be her own aim, when her young heart started to...