chapter 70 - Hope :)

258 9 1
                                    

Vin's POV

Kkkkkkkssssssssshhhhh...

KKKssssssshhhhh....

"Oooopss.. Sorry"

"SKY! SABI KO SAYO DIBA UMUPO KA NA LANG DUN AKO NA ANG BAHALA DITO!"

"Waaaahhhh... Nakakatakot si Vin.. Mabuti na lang hindi ako nakakakita.."

*Face Palm* pang anim na baso na ung nabasag nya, nauubusan na kami ng baso.

"Vin.. Gutom na ko.."

"O sige saglit, magluluto na ako.."

"Vin tatlong araw na tayong kumakain ng itlog, 3 araw noodles at 4 na araw na delata, gusto ko ng chicken curry at beef steak Vin." Aiiissshh... parang ang dali dali namang magluto ng ganun.

"Ayoko un. Mag-tuna na lang tayo."

"Eeeeehhh.. tuna na naman, lahat ng tuna nakain na natin, original, adobo, mechado, caldereta, afritada.. Gusto ko ng curry.."

"Ayaw ko nun. Magluluto na ako ng tuna na may itlog. Matulog ka na lang muna jan."

"Waaaaaahhh.. kapag bumalik ang paningin ko, ang unang unang gagawin ko magluto... hindi ko na kayang kumain ng delata purga na ako... waaaaaaaaaahhhhhh"

Ngumiti ako. Ngayong bulag sya, wala syang magawa kundi kainin lahat ng mga niluluto ko or mga pagkaing binubuksan ko. 1 week na simula nung nawala ung paningin ni sky, naging okay naman sya simula nung incident sa runway, simula noon hindi na sya umiyak tungkol sa pagkabulag nya. Tinanggap nya to at mabilis na inadjust ang sarili sa bagong kapansanan. Sophia Kristina Ysa Santos, katulad ng dati sya ang isa sa mga pinakamatapang na babaeng nakilala ko. Maliban sa akin, sa pamilya ko, kay ate man at ang buong barkada, walang nakakaalam na nabulag si Fia Santos. Mahigpit na pinagbilin ni Ate Man na maliban sa kanila walang makakaalam sa katotohanan, dahil siguradong hindi matutuloy ang pinaghahandaan nilang Fashion Show.

Simula ng gabing un, araw araw na nasa bahay na ako ni sky, ako ang tumutulong sa lahat ng gawaing bahay nya at pagaasikaso sa kanya. Umaalis lang ako  kapag matutulog na sya at naihiga ko na sa kama. Sa totoo lang wala naman masyadong pagbabago kay sky, maliban sa kanyang nawalang paningin, parehas na parehas pa rin sya, sa pangungulit sa akin, sa pangaasar sa akin, at pagpapainit ng ulo ko.

This WEIRD GIRL is a WHAT????? (on going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon