chapter 62 - The room finally found its owner.

614 8 8
                                    

Sky's Pov.

"Ambagal mo naman, lika na.." nagmamadaling hila sa akin ni vin.


"vin teka, babalik ako ulit ng bahay, nakalimutan ko ung shampoo, sabon at bimpo ko."


"wag na, merong ganun sa bahay.."


"vin, naiwan ko din ung favorite na towel kong pooh."


"hindi mo na kailangan un dun, may ganun sa bahay" may towel syang pooh sa bahay nila? bakit kaya super nagmamadali si Vin? Super scary ba ni lola nya? Hilahila pa rin nya ung kamay ko, hanggang ngaun hindi pa din ako makapaniwala sa mga nangyari. Totoo ba ung kanina? Napatigil ako sa paglalakad ko. Kaya lumingon sa akin si vin,

"bakit? Ano na naman ang naiwan mo?"


 "Vin, nananaginip lang ba ako?"


"huh?" tiningnan ko ung kamay nyang nakahawak sa akin.


"kasi kung oo, dapat magising na ako, masyado ng gumaganda ung panaginip ko."

"haaaay.." lumapit sya sa akin, dahan dahan at..


"ahrhay ko vhin, mahshakit."


kinurot ung dalawa kong pisngi.


"masakit diba? Ibig sabihin hindi ka na nanaginip."


"talaga?"

"gusto mo ulitin ko pa?"


"hindi na, hindi n--" 0______0 *chup, nagulat ako ng kiniss nya ako sa noo.


"siguro naman, maaalala mo na to ngaun.. Lika na, maiiwan na tau ng bus." at naglakad na sya palayo. Hinawakan ko ung noo ko, parehas ng pakiramdam, ibig sabihin...ngumiti ako.


"Teka Vin intayin mo ako ^____^" tumakbo ako at kumapit ng mahigpit sa braso nya at Nakita kong ngumiti din sya.


***


sumakay na kami ng bus, sa bakante sa may 2 seaters.


"upo ka na, gusto mo sa may bintana?"

"ayaw ko vin, ayaw ko pang maputulan ng kamay."


"ano?"


"ikaw na ang umupo vin."


"sure ka?"


"oo." kaya umupo na sya sa may tapat ng bintana. At umupo ako sa tabi nya. 


"sabi ng kaibigan ng kaibigan ko, kapag daw umupo ka sa may bintana sa bus, mapuputol daw ung ulo, braso at kamay mo."


"haaaaaaaah??"


"o kaya naman mahahampas hampas ka ng mga sanga ng puno na sobrang alikabok tapos kapag tumumba ung bus at tumagilid, lahat ng tao sayo babagsak tapos maiipit ka, tapos mamamatay ka.."

"pppfffft... Hahahahahahahahaha.." ang lakas ng tawa ni vin.

"vin seryoso ako, bakit ka tumatawa?"

tawa pa rin sya ng tawa.


"ang sama ni vin tinatawanan ako.."

"sorry, sorry..hahaha..grabeh kasi ang imagination mo."


"totoo naman!"


"bkt dati nagbus tau, ung nasa pinakalikod tayo, nasa may bintana ka naman ah."


"kasi naman vin sa likod hindi shoulder level ung bintana"


"so matagal ka ng sumasakay ng bus na hndi sa may bintana?"

"oo, simula nung nasa cali ako, sa may hndi bintana ako nakaupo."

This WEIRD GIRL is a WHAT????? (on going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon