chaptter 63 - REUNION

714 7 1
                                    

"JASMINE.... JASMINE.... NASAN KA ANAK? JASMINE.. SI MAMA MO TO!!"


"Ma'am pasensya na po masyado ng malakas ang alon, at madilim na imposible na pong syang makita ngayon.."


"HINDI PWEDE! HANAPIN NYO ANG ANAK KO!!!! HANAPIN NYO SYA... ARTURO KAUSAPIN MO SILA, NANJAN LANG SI JASMINE.. NANJAN LANG ANG ANAK KO.."


"JASMINE!!!!! NANDITO NA SI MAMA.. WAG KA NG MAGTAGO ANAK.. NANDITO NA SI MAMA.."


"Rescue Team pull out hindi na maganda ang lagay ng panahon sobrang lumalakas na ang alon. Kailangan na po nating bumalik, Pasensya na po ma'am"

"HINDI PWEDE.. HINDI PWEDE.. JASMINE.... JASMINE... JASSMIIIINNNNNNE!!!"

"Ma ^_______________^ ako ang magiging pinaka magaling na swimmer sa buong mundo!!! Tapos pupunta kayo ni papa sa ibat ibang panig ng mundo para sabitan ako ng mga medal..."

"JASMINE"

"Vivian.."

"ARTURO ANG ANAK NATIN, ANG ANAK NATIN... JASMINE... NASAN KA NA ANAK? JASMINE...."

***

"ja--jasmine haah.. haaaahhh.. .jasmine... jasmine..jasmine.. JASMINE!!!!!!!!!!!"


pawis na pawis akong napabangon mula sa pagkakahiga ko.. panaginip lang pala.. bakit ko kaya ulit napanaginipan un?


sa gilid ng side table ko, nandun ang picture ni jasmine ang nagiisa kong anak na babae, na maagang kinuha sa amin...


"Good morning anak.. napanaginipan ulit kita, kamusta ka na jan? masaya ba kayo jan ni papa mo? ang sama sama ng loob ko ngayon dahil naalala ko na naman ung trahedya noon, kung hindi lang sana kita pinayagan, kung hindi lang sana--"

tok.. tok.. tok.. tok.. tok.. tok.. tok..


"LOLA!!!!!!!GOOD MORNING LOLA!!!!!!!! ^_______^ GISING NA PO BA KAYO? BREAKFAST IS READY NA PO"

"Lola... gising na.."

"gising na po lola.."


"ang ingay.."


"Lola, ako po nagluto ng breakfast... kain na po tayo... tok.. tok.. tok.. tok.. tok.. Lola gising na po kayo?"


bumangon ako sa kama ko at nagayos ng sarili ko. Tama nga si Raymundo, nung una kong nakita itong batang ito si Jasmine agad ang naalala ko.


"Lola... tok.. tok.. tok.. tok.. gising na po kayo?"


"Si sky po ito lola, kakain na tayo.."

binuksan ko ung pintuan ko, at nakita ko ang batang ito na masayang masaya na bumati sa akin.

"GOOOOD MORNING PO LOLA ^______^ gising na po pala kayo.."

"iha walang normal na tao ang hindi magigising, kung ikaw ang manggigising.." lumabas ako ng pintuan at bumaba na sa dining.


"hehehehe....sorry lola.." sumunod na din sya sa akin.

"good morning ma..." Ray.

"good morning anak."


"Ma, Breakfast is ready, niluto ni sky ung mga favorite mong pagkain.." vina.

"Lola.. looks yummy diba? masarap pong magluto si ate sky.." rayiah.

hmmmmmm.. impressive, maganda ang kulay at presentasyon ng mga niluto nyang pagkain.

"Rayiah, tinawag mo na ba si kuya mo?"

"tinawag ko na kanina pa ma, ayaw magising.."

"VINCENT, kakain na tayo, ikaw na lang ang hinihintay sa lamesa.. Vincent..." vina.

This WEIRD GIRL is a WHAT????? (on going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon