chapter 59 - Different Worlds

806 7 0
                                    

Chealsa's POV (aka Cheska)



Nung una kong nakita ung lalaking kaibigan ni sky akala ko sya talaga ung matagal ko ng hinahanap na kaibigan.







Flashback.. (11 years old ako)



"T_______T"




"why are you crying again? hey will you please stop crying.. you're noisy"




pinunasan nya ung luha nya gamit ung braso nya at tumigil sa pagiyak nakita kong may galos ung noo tuhod at braso nya.






"who did these to you? where are they?"







"wa---wala.. na--nadapa lang ako.. walang nag-paiyak sa akin.."





"I said where are they?"







"Lil' girl.. kami ba ang hinahanap mo?" lumapit sa amin ung tatlong batang lalaking mas matangkad sa amin siguro mga 12 or 13 years old na sila.





"kayo ba ang nagpaiyak sa uhuging batang to?"





"what if kami nga? isusumbong mo ba kami sayong rich daddy and he will call the police for you? hhahahahahahahah" nagtawanan sila





"oh I can also do that, pero mas prefer ko to.  (tinanggal ko ung palda ko sagabal eh may short naman ako. inikot ko ung ulo ko para warm up at nagstretching at pumwesto ng fighting stance)



"uy chel, wa-wag ka nga makipagaway.."





"so gusto mong makipaglaban sa amin?"




"Do I look like I wanna talk to you guys? seriously?"





"englisherang maldita.. humanda ka.. yaaaaaaaahh" sumugod na silang tatlo.



syempre patatalo ba naman ako I learned Taekwondo, Judo and Mixed Martial Arts when I'm 6 years old.  Too young? Not for my dad. He wants me to be tough and strong. I became tough and strong nga but I also became a brat that's why I don't have any 'girl' friends, in fact no friends at all. They don't like me..




Except for this crybaby friend I have here. I met him while he was running from 2 highschool guys , because I'm bored that time, I helped him. And that day I started to have a friend or can I call myself a babysitter?




(pagpag palad) u know ung kapag madaling laban lang ung nangyari I flipped my hair. NO SWEAT. sinuot ko ulit ung palda ko my mom will scold me if I went home looking like this.



"Hey uhuging iyaking bata. lika na uwi na tayo naganti na kita.."



"chel... ma-may sugat ka hi-hindi mo naman kailangang makipaglaban eh, nasusugatan ka pa tuloy," medyo naramdaman ko ngang kumirot ung part sa pisngi ko.




"hayaan mo lang yan. gagaling din yan.. ikaw nga ang may mas madaming sugat eh. sa susunod nga Fight back please.. aren't you a man?"


binaba nya ung bag nya at kumuha ng band aid. Lumapit sya at nilagyan ung pisngi ko.



"I p--refer to use my brain than my fist.."



yan ung sinabi nya.





Well.. para sa uhuging iyaking pandak at mahinang kagaya nya, ang cool nya that time.



Bago kami umuwi dumaan muna kami sa palayan, meron kasing bukid malapit sa amin. Nandun kami para mang huli ng palaka. Gross right? Actually I really don't like frogs their slimy, sticky and yucky. But because this is one of his favorite hobbies well nasanay na din ako.



At first I can't even hold them, but later on, ayan na.. mas magaling na akong manghuli sa kanya.



"tingnan mo mas madami na akong nahuli sayo.. naka lima na ako.. Weak..hahahah"




"o---oo nga, isa pa lang ang nahu-huli ko.. ang galing mo chel.."




ngumiti ako, kapag kasama ko sya I can be myself, hindi katulad sa bahay na kailangan kong maging rich young lady sa kilos at pananalita. That's why I don't like staying at home tsaka laging nasa work ang mom and dad ko, umuuwi sila gabi na at mga yaya ko lang ang kasama ko buong araw. Yeah the typical rich kid eating in a long dining table..... ALONE.....



"li--linisin na natin tong palaka at kainin na.."





"sure ka jan? mamaya mamatay tayo jan.."





"hi--hindi yan.. trust me.."





yan ang only friend ko.. pakakainin ako ng palaka, but I'm happy naman hindi ko lang pinapahalata.
kaya for the first time in my selfish and brattish life I decided to protect somebody than myself. I punched those who punched him. I kicked all those who kicked him. And kapalit nun lagi nyang ginagamot ang mga sugat ko at mamaya papagalitan na ako.




"ba--bakit ka na naman nakipagaway? Hi--hindi mo naman kailangan gawin un eh.. nasugatan ka tuloy"




Believe me mahirap maging kaibigan to kasi super bully magnet sya (I gave him a nickname: BuNet 'Bully-Magnet' hahaha yan ang tawag ko sa kanya, hanggang sa nakalimutan ko na nga ung totoo nyang pangalan. yeah swear..)  Dahil nga nakakaattract sya ng mga bully, minsan pagtakbo na lang ang aming choice.



"Ch----Chel, takbo na..."





"huh???? bakit? hindi pa ako tapos.. bunet.. bunet.."



hihilahin nya ako at tatakbo na kami, may isang bagay na magaling sya.. ang pagtakbo, mabilis syang tumakbo, siguro para sa mga katulad nyang may magnet sa mga bully survival skill nila un, pero sa totoo lang that was the best moments of my life.  Running...






.....of course with him. 








I told you I was raised to be tough and strong so I never run from my opponents.







It was always his idea to run. I don't even know why because I can handle them myself.






But those running came to an end.








when I received a letter from him.






Dear Chel..


    Sorry T______T Kung binabasa mo na tong letter ko siguro nasa airplane na ako at papunta na sa malayong lugar. Biglaan kasi ang pagalis namin dahil sa trabaho ng parents ko, kahapon lang sila nakatanggap ng notice na dun sila mawowork at biglaan talaga ang pagalis namin. Sorry at hindi ako nakapagpaalam sayo ng personal I really loved to pero hindi ko kaya kasi knowing myself sigurado iiyak lang ako ng iiyak hanggang sa hindi na ako makakaalis dahil na dehydrate na ako. Take care of yourself chealsa wag laging magkikipagaway and make friends with everybody. Hindi ko alam kung babalik pa ako ng Pilipinas pero I know someday magkikita ulit tayo. Thank you sa lahat and till we meet again.



Your friend,
-BuNet







tumakbo ako ng tumakbo papuntang airport. Only friend na meron ako aalis pa? tsaka saan? saan sya pupunta? hindi nya sinabi sa letter nya.




pumunta ako ng airport hinanap ko sya ng hinanap pero hindi ko sya makita, buong araw akong nasa airport pero wala na talaga sya. tumulo na ung luha ko, naramdaman kong nagiisa na naman ako. Sa 2 years na kasama ko sya, kahit minsan binubully ko din sya naging super saya ko, tapos ngaung umalis na naman sya ano na namang mangyayari?



For the past 3 days wala ako sa sarili ko.Then hindi ko na alam kung kelan ako nagbago. Naging masama na ang loob ko sa kanya. I really hate him for leaving me without any reason. Kung Brat ako noon mas naging Brat ako ngayon. You can describe me as Maldita, kung may gusto ako, lahat gagawin ko para makuha ko un clothes, shoes, foods, boys, bags name it, and I can get it. Minsan nagiging bad na din ako I wonder kung nandito sya magiging ganito pa rin ako. He said to make friends with everybody tsssss.. duh.. I don't even dare.. My Highschool classmates? They're all my enemies.



College life seems to be different. I started liking a boy, Vincent Ray Lopez, he's so quiet and cute not like him. I really really hate him, hindi man lang magpadala ng letter o tumawag alam naman nya ung address ko.



I wear make up when I decided to meet vincent, heavy make up, they say it attract boys ,but he's so rude that my brat side came out, I said things that I didn't even mean. When he talked back angrily, yeah I decided he's my next target. I will definitely get him.




But there's a problem, a rival, Sophia Kristina Ysa Santos, a cheerful, energetic, hard to say, beautiful lady. Vincent is so close to her kaya super naiiritate ako sa kanya. Then dumating ung pageant sa school, sumali ako with the mindset na tatalunin ko sya, pero hindi ganun ang nangyari, nagkaroon ng accident, dapat ako ung mahuhulugan ng spotlight sa taas pero she pushed me so instead na ako ang nahulugan, sya ang nabagsakan. That time, sobrang natakot ako, akala ko mamatay na sya, ang sama sama ng mga intentions ko sa kanya pero sinave nya ako, nakita ko ung worry ni vincent sa kanya at narealize kong sya ang gusto nya talaga.


****



kinabukasan sinabi sa akin na ligtas sya at wala namang naging problema sa kanya, nakahinga ako ng malalim.. Next monday pumunta ako sa kanya at nagthank you at nagsorry. She's really weird, tandang tanda ko ung pangalan nya pero hindi nya matandaan ung pangalan ko, Cheska.. yan ang naging bago kong pangalan. Tinanggap ko nalang, kahit ano namang pilit kong sabihin sa kanya hindi nya parin maalala eh.


Sya ang naging pangalawa kong kaibigan, sabi nya friends kami eh.. pero lagi ko syang inaasar na aagawin ko si vincent sa kanya, nakakatawa ung itsura nya dahil talagang nilalayo nya si vincent sa akin, eh ni isang ngiti pa nga lang kay vincent hindi ako nakakuha e sya, kayangkaya nyang patawanin si vincent.... iba rin talaga tong babaeng to eh. I started enjoying new friends behind the scene sa kwento, naging friend ko na rin ung mga friends nya, kahit bratinella ako they treated me as their friend lalo na si sky. unti unti nakakalimutan ko na si bunet, ung boses nya at ung mukha nya, blurred na sa paningin at pandinig ko.


******


Pero parang flashback naalala ko ulit lahat ang tungkol sa kanya nung nakita ko ung isang lalaking kamukha nya.
















"REN!!!!!!"










halos hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko.










"Sky. Long time no see. Namiss mo ako?"













pati boses nya parehas, pero bakit ganun iba ung feeling parang hindi sya, na parang sya.









pinagmamasdan ko lang sya maigi. Tumingkayad si sky para lang mayakap ung lalaki ang tangkad nya, si Bunet maliit sya, kaya minsan inaasar ko syang pandak, hindi din sya nakasalamin, ayaw na ayaw ni Bunet mag-contact lens kasi naiiritate ung mata nya dati kaya hindi nya na iulit. Nagkumpulan na ulit sa kanila ung mga studyante, kung tama ang sinabi ni sky, si Ren Yap itong lalaki, sikat na model sa california, pero si Bunet magiging model? sobrang mahiyain sya kaya hindi nya nagagawang makipagusap sa mga ibang tao tapos naging model sya?.




hinila ni sky si Ren papunta sa akin. Tiningnan niya ako mabuti at parang gulat na gulat din.




"Miss, excuse me, pero kilala mo ba ako? you look familiar kasi, anong pangalan mo?"




kilala nya ba ako? wait ibig sabihin sya ba si Bunet?




"ahhhyy Ren sorry nakalimutan kong ipakilala sayo ung friend ko, Cheska meet Ren, Ren si Cheska.. ^_______^ super friend ko sya sa california.."




"ahhh... cheska pala ang name mo" mukhang disappointed ung mukha nya. "nice to meet you ako pala si Ren, Ren Yap.."




"aah.. nice to meet you Ren.."





"Che, klase na natin.." may tumawag sa aking kaklase ko.





"Okay.."





"Cheska, sabay sabay tayong maglunch mamaya ng barkada at si Ren.. Okay lang ba Ren?"




"oo naman."




"Cheska, punta ka mamaya sa canteen ah.. bye bye.."




"nice meeting you ulit cheska, alam mo parang nakita ko ulit ung dati kong kaibigan nung nakita kita..  see you mamaya sa canteen.."



"lika na ren..Bye cheska ^______^"





kumumpol na naman ulit sa kanila ung mga estudyante at na tulak tulak na ako sa sobrang dami ng mga tao.





sya ba un? naalala nya sa akin ung kaibigan nya nung nakita nya ako pwedeng--



"aray.." natulak tulak na nila ako, lumalayo na ng lumalayo silang dalawa nagflash ung mga camera at nagsisigawan na ung iba..









please sa gagawin ko sana, malaman kong ikaw nga yan..






































"BUNET!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!"




























sumigaw ako sa pinakamalakas na boses na kaya ko.






















please lumingon ka, please....














palayo na sila ng palayo ni sky.





















pero parang nag-slow mo, dahan dahan syang lumingon.















"Chel.."













narinig kong sinabi nya, nakatingin pa rin sya at parang may hinahanap.






"Ren, bakit?" sky





"wa--wala pa--parang may tumawag lang kasi sa akin.."




"naku ren baka mga fans mo lang un.. sikat ka na talaga.."




"hindi, hindi ko un fan.."




"ano?"




"ah wala, wala lika na sky ^_____^..."




lumakad na sila papalayo.






pinunasan ko ung gilid ng mata ko.










ngumiti ako. "nahanap din kita, humanda ka sa akin.."






*****



Sky's POV


pumasok kami ni Ren sa loob ng room. Mabuti at wala pang instructor.




"Oh my Gosh!!!!!!! REN YAP????" Angel



"nasan? 0_______0 (gasp) ampogi" charles.



hinila ko si Ren papunta sa kanila.



"Guys, okay lang naman sigurong maki-seat in muna sa atin si Ren diba?"




"oo naman.." angel.




"Sky kilala mo si Ren Yap?" charles




siniko sya ni angel "ano ka ba? diba may news na nag-dedate sila?"




"0_______0 talaga sky?" charles.




"ayyy gimik lang un ng company namin dati.. diba Ren.?"




"ah oo.."




"kaibigan ko sya at kaklase sa modelling school ko nung nasa California ako.."




"nag-modelling school ka sky?" angel




"ahhy hindi ko pa ba nasabi sayo angel? oo mga 2 and a half year akong nasa school na un.."




"Wow....^______^ bigtime ka talaga sky.." lumapit na sa amin si James.





"syempre ano bang aasahan mo sa ating super model.." mike



"kayo naman.. Ah Ren ipapakilala ko sila sayo, eto si Mike, James at charles, friend ko sila.."



"Hi nice to meet you.. "



"same here dude.."




"at eto naman si angel.. "




"Hi po Mr. Ren Yap.."




"Hello, Ren nalang ang tawag mo sa akin, can I call you angel?"




"syempre naman Ren.. ^______^"



"at eto naman si Vi-- ehhh teka nasan si Vin?"



"lumabas sya kanina sky.. ewan ko dun, pagpasok nya kanina, parang kakain ng tao, nagaway ba kayo?" angel.



"hindi naman.."



bumukas ung pinto at pumasok si Vin.




"Vin.. ^_______^" tumakbo ako papunta sa kanya at hinila sya. "Vin, siya si Ren, friend at kaklase ko sya dati nung nasa cali ako, Ren si Vincent.."



"Kamusta Vincent, Ren Yap.." inextend ni ren ung kamay nya para sa shakehands.





"Vincent Ray Lopez. Nice to meet you.." nakipagshake hands si Vin.


















"Gel, Gel, nakita mo un? ung nagshake hands sila parang may nagtaasang alon sa likod nila.." charles





"sssshhhh.. ano ba yang sinasabi mo? anong alon alon?"





"basta.. hindi mo siguro nararamdaman, Mike, James naramadaman nyo?"




"oo naman.. ang lakas nga eh.." mike




"tch tch tch tch.. tindi nun" james





dumating na ung prof.  kaya mabilis na umupo na kaming lahat, katabi ko sa right si Vin at sa left naman si Ren.




"sky okay lang ba talagang maki-seat in ako?" Ren




"oo naman, sa pilipinas uso un.. kinig na tayo.. ^______^"






"^_______^ okay.."





sabi ko makikinig na kami pero habang nagsasalita si prof nagkwekwentuhan kami ni Ren ng pabulong. hihihihi... namiss ko syang super eh, pero bakit ganun? simula ng dumating si prof. natutulog lang si vin sa tabi ko, hindi naman siya ganyan dati eh, bakit kaya? anong problema ni vin? gutom kaya sya?



*****



Vincent's POV



"vin, vin, gising na, lunch time na.. sabay sabay na tayong kumain, ah ittxt ko pala si cheska.. lika na vin.. uy ren lika na din.."



"ah okay sky.." ren




lumabas na si sky at ren. Tumayo na ako, pero tiningnan ko ulit ko ung kamay ko, ang weird. Bakit ganito? naiinis ako ng walang dahilan. Wala namang ginagawa si sky pero mula kanina ayaw ko syang kausapin.




"Hey pare lika na, lunch na tayo.." charles




"bakit kanina ka pa tulog? puyat ka ba?" mike






"hindi.. wala lang ako sa mood makinig.."





"ahhhhyy alam ko yan.." mike






"ano?"








"kung bakit ka nagkakaganyan alam ko kung bakit.. alam nyo rin diba?" mike






"alam na alam..." charles & james.








"eh kung alam nyo pala e di sabihin nyo sa akin.."







"pare you are suffering from an illness called.." charles







may sakit ako?







"called---" nagngitian sila at sabay sabay--- "JEALOUSNESS"







HUH??







"symptoms yan ng mga lalaking umiibig pare.." charles






"pasaway kayong tatlo.. kailan man hindi napunta sa dictionary ko ang salitang selos..."






"talaga?" lumapit silang tatlo sa akin, sa sobrang lapit napaupo ulit ako.





"ano bang ginagawa nyo?"





"siguradong hindi ka nagseselos kay ren?" mike






"hindi nga sabi... lumayo nga kayo, sobrang lapit nyo.." tinulak ko sila. Bigla silang tumalikod at nagkumpol then nagbulangan well naririnig ko din naman kaya hindi ko din masasabi na bulong un.





"alam nya ba ang feeling ng nagseselos?" mike




"un nga yata eh.. hindi nya alam ung feeling kaya hindi nya alam na nagseselos sya." james




"turuan natin?" charles



 "oo naman, hayaan ba natin syang matalo ni ren.." mike




"okay.." charles



humarap na ulit silang tatlo sa akin.



"Vincent pare siguro nga hindi mo alam ung feeling ng nagseselos, I mean, nararamdaman mo siguro, pero hindi mo alam na selos na pala un.."




"sinabi ko nga hindi nga ako--"




"kapag ba nakikita mo si sky na may kasamang iba, wala kang nararamdaman?"




"ano?"



"mike, james, game? lights, camera, action!!!.."



teka ano to? play?




Scene 1.


Mike(Sky): ren, lika na kain na tayo.." kumapit si mike sa braso ni james na kunyari si ren.. ang pangit ng boses nya parang bading.. kadiri..




James(Ren): o sige lika na sky, kain tayo sa labas, tayong dalawa lang ah.."





Mike(sky): ayyy gusto ko yan gusto ko yan...vinvin ko.. (tumingin sya sa akin) babye kakain muna kami ni renren ko.. kyaaah.. *with matching wink pa."... eeeewww... pero teka..




"teka mike, hindi naman tinatawag ni sky si ren, na renren ah.. saan galing un?"





"yan lumabas na ang isang sign na nagseselos ka.." charles.




"huh?"




"sign no. 1: gusto ko ako lang ang tawagin mo ng ganyan, wala ng iba.. see? naiinis ka dahil tinawag nya si ren na renren ko, na similar sa vinvin ko na tinatawag nya sayo.."




well actually sa totoo lang medyo nainis nga ako, pero hindi naman basehan un na nagseselos nga ako






"scene 2.." aba meron pa?




mike(sky): hahahahaah... nakakatawa naman un ren, ang saya saya ko..



james(ren): sabi ko na nga ba ako lang talaga ang nakakapagpangiti sayo ng ganyan eh..



mike(sky): ikaw talaga ren (hampas, hampas) pano mo un alam, totoo un ikaw nga lang talaga ang one and only na nakakapagpasaya sa akin ng ganito kyaahhhh..







"HOY mike, ayusin mo, hindi ganyan si sky, ang arte naman yan, anong hampas hampas, tsaka hindi lang isang tao ang nakakapagpangiti kay sky, mababaw ang kaligayahan nun kaya tatawa un kahit magsabi ka ng gasgas na joke.."




"sign no. 2" charles




"ano? sign no. 2 na agad un? wala naman akong ginawa ah.."




"sign no. 2: hindi ako makakapayag na ibang lalaki, maliban sa akin ang makakapagpasaya o makakapagpangiti sayo.."







"tch.."




"wala kang masabi noh pare? mike, james, next scene..."






Scene 3.


Mike(sky): umiiyak.. huhuhuhuhu...

James(ren): (tumabi sya kay sky at ipinatong ang ulo ni sky sa balikat nya ang weird nga lang tingnan kasi ung dalawa kong kiaibigan ang nag-aact) wag ka ng umiyak sky, nandito lang ako para sayo, poprotektahan kita kahit anong mangyari..


Mike(sky): salamat ren, salamat, ikaw lang talaga ang nagiisa para sa akin, naiintindihan mo ako at naiintindihan din kita, dahil dun komportable ako sa piling mo..








hindi na ako nagsalita.







lumpit sa akin si charles.




"sign no. 3, ako dapat ang nasa tabi nya at hindi si ren, kung ngingiti sya o iiyak, ako dapat ang nanjan para sa kanya.."





tumahimik ako at nagisip. Nagseselos nga ba talaga ako?





"ano pare, okay ba ang acting namin?" mike




"nadala ka sa eksena noh?" james



tiningnan ko sila ng masama..




"aisshh.. ewan ko sa inyo, halika na kayo at gutom na ako.." tumayo ako at dirediretsong lumabas ng room. Impossible, impossibleng mangyari un ako? ang nagiisang si Vincent Ray Lopez magseselos? NEVERRR....




"vincent hintayin mo kami.. " hinabol ako ng tatlong magaling kong kaibigan, at sabay sabay kaming pumunta sa canteen.




****



















Pero ngayon na nandito ako, alam ko na...




















tama nga sila...





















Nagseselos nga ako..
























"Wow Ren, ^_______^ uy eto ung favorite nating pagkain noon sa cali diba? mabuti at nagdala ka nito, walang ganito sa pinas..."



"nung nakita ko yan, naalala kasi kita kaya binili ko.."




"thank you ren ^_______^ ubusin mo na din yang pagkain mo.."





"okay.. namiss ko tong adobo at sinigang.. its more fun in the Philippines nga talaga.."





"oo naman ren, eto tikman mo din to masarap yan.." kumain na din si sky, nung pagsubo nya nagkaron sya ng kanin sa buhok nya, ay basta ewan ko kung pano nangyari un basta meron dun, pasaway talaga syang kumain nasa harap nya ako sa table kaya kitang kita ko, katabi ko sina charles, mike at james.



"sky may--"



pero nagulat ako ng tinanggal ni ren ung kanin sa buhok nya.



"sky, tutukain ka na naman ng manok nyan.. hanggang ngayon ba naman nagkakaroon pa rin ng kanin itong buhok mo?"




"hehehe... nadikitan lang naman, pero thank you ren.."





"wala un.."





tiningnan ko si Ren Yap, tapos si Sky.



"close talaga kayo ni ren noh?" angel katabi nya si sky.



"ah... sya lang kasi dati ang kaibigan ko sa school, tapos parehas din kaming pinoy kaya naging close kami"









tch.....






tumayo ako at pumunta kay angel.




"angel may sasabihin daw sayo si charles, tumabi ka daw sa kanya.."



"may sasabihin ka charles?" angel




"may sasabihin ba ako sayo?" charles..



tiningnan ko si charles ng 'may sasabihin ka diba' look.



"ahhyyyy... oo nga, may sasabihin ako sa angel, lika dito bilis.."




"sabihin mo na lang dito.."



"lika na sabi dito, bilis.."



"okay..okay.. nanjan na.." nagpalit kami ng upuan ni angel.




"anong sasabihin mo?"




bumulong si charles. hindi ko narinig pero narinig nyo mga readers well nabasa..




"dito ka lang at paupuin si vincent sa tabi ni sky.. gets mo?"




"ahh okay gets ko.." umayos sila ng upo at ngumiti sya sa akin.





"vin, yan lang ang kinain mo? bakit ngay?"




"hindi masarap ung pagkain dito sa canteen.. at ikaw, lahat yan kinain mo? nag-didiet ka diba?"





"nag-didiet ka sky?" ren




"ah oo.. ren nadagdagan kasi ako ng timbang ng umuwi ako dito eh.."




"naku dapat wag ka ng kumain ng kumain, pag nakita ka ni Miss Austin, lagot ka.."



"naku oo nga.. kamusta na kaya sya?"



"balita ko, engaged na sya, kwinento lang sa akin ni kuya george.."




"talaga ^_____^ ang saya saya naman nun.. sana iinvite nya tayo sa kasal niya"





Ayan na naman, nagusap na naman silang dalawa.. tawa dito, tawa doon. Vincent ano ka ba? stop being childish, ngayon lang nagkita ung dalawang magkaibigan kaya normal lang na magusap sila. pero normal nga lang ba talaga?




"o ayunna si cheska.. Cheska, dito,  nandito kami.." charles. lumapit na papunta sa amin si Chealsa, bakit ba naging cheska na ang pangalan nya? pati mga kaibigan ko nahawa na sa pangiiba ni sky ng pangalan..




"Cheska, lika na, kain ka na.."


nakatayo lang sya dun, walang expression, tapos tumingin sya kay ren at lumapit sya.




"hi cheska, nice to see you again.. kain na tayo.."




"........"





"uhmmm... cheska?"



nakatingin pa rin si chealsa sa kanya, seryoso ung mukha nya..





"uy cheska ano bang ginagawa mo jan? wag mo ngang titigan lang si ren.. oo alam ko gwapo sya pero tama na matutunaw na sya." charles



hindi pa rin sya umaalis ng tingin kay ren.





"uhmmmmm.. ma--may sa--sabihin ka cheska?"








"uhmmmm ches------- a---aray"












0_________0







nagulat kaming lahat ng pinitik bigla ni chealsa sa noo si ren (at malakas un ah, tumunog eh)










"cheska, bakit mo sya pinitik?" mike



"cheska, galit ka ba kay ren?" sky






nakatingin pa rin si chealsa kay ren, at hindi pinapansin ang isa man sa amin. Si ren hawak hawak ung noo nya. Tumayo sya then face to face na sila ni chealsa.





"ang lakas ng pitik na un ah.." nakangiting sabi ni ren.






"compliment ba un?" cheska







mukhang nagulat si Ren. "well, oo compliment un.." ngumiti si chealsa





"Ren, okay ka lang?" sky





"ok lang ako sky, sanay akong mapitik sa noo noong bata pa ako."



Flashback:




"sabi ko sayo diba ganito *hiyah *hiyah, bakit ganyan parin ung sayo?" tinuturuan ako dati ng kaibigan kong mag-taekwondo para maprotektahan ko daw ang sarili ko sa mga bully.




"a--ang hirap naman.."




"anong mahirap dito? susuntok ka lang.. *pinitik sa noo"




"a--aray a--ray. palakas na ng palakas ung pitik mo ah.."




"talaga? compliment ba un? ^______^"




"well, parang ganun.. ulitin natin.."




End flashback






hinimas himas nya ung noo nya.



"Masakit ba?" Chealsa.




"Hindi.."




ang weird nilang dalawa ah.. ang sakit kaya nun..




"pwedeng isa pang favor?"





"ano un?" ren. Nakatingin na silang lahat sa amin sa canteen.






"pwede kitang sipain?"






"ANO??? Uy cheska, bakit mo sisipain si Ren Yap.." charles





"okay lang ba Ren Yap? parang feeling ko kasi gusto kitang sipain eh" chealsa



hindi sumasagot si Ren.



"Cheska, umupo ka na nga dito.." mike. Nakatingin pa rin sya maigi kay Ren.








"Okay lang cheska.." tumayo ng maayos si ren.








"Eeeeeeeehhhhhhhhhhh??????" nagulat kaming lahat.. Kaya Walang pagaalinlangan, agad agad, umikot si chealsa at flinaying kick si Ren sa mukha. Natumba si Ren..



0________________0








"Ren!!!!!" pumunta si sky kay ren..



"okay ka lang ren? ren?"




nagkaroon ng sugat si ren sa gilid ng labi nya, ang lakas kasi talga ng sipa ni chealsa, kaya nya palang gawin un..





"Bayad ka na sa unang utang mo.."





"anong utang?" ren






"Basta, sa susunod ko na lang sasabihin." inextend ni chealsa ung kamay nya para tulungang tumayo si Ren. Inabot naman ni Ren at tumayo na sya.




"It's really nice to see you again, Ren Yap.."




ngumiti si Ren.. "flawless na flying kick un ah, same here cheska..." nagshake hands sila..






"teka ano bang nangyayari? kanina magkaaway sila tapos ngayon bati na sila?" charles.





"Never mind charles, just eat your lunch" umupo na si cheska at kumain na din sya, nagtawanan na sila kasi nagpapatawa na naman tong si charles.




Then tumunog na ung bell, tapos na ung lunch break.


"mauna na ako guys, bye" chealsa.


"Bye.."


tumayo na din kaming lahat.


"Sky, hanggang anong oras ka mamaya?" Ren



"uhmmm wait lang.. Vin, gang anong oras tayo?"



"3."



"Ren, hanggang 3 ako, bakit?"




"pwede mo ba akong samahan magikot ikot mamaya?"




"^________^ oo naman.."



Bumulong si charles. "Pare, magdedate sila.."




ah mag-dedate sila, magdedate lang naman--TEKA ANONG SABI NYA? DATE??????"



***



3 pm na.



Lumabas na kaming lahat (mike, james, charles, angel, sky at ako) sa gate at nandun na si ren.




"Ren" tumakbo si sky papunta sa kanya.



"halika na sky?"



"teka, vin gusto mong sumama?" Woah..Woah..



"ah oo nga vincent, gusto mong sumama sa amin?" ren





"ah hindi na, may pinapagawa pa kasi sa akin si ma'am reyes."



"hoy vincent wala namang---" siniko ko sya.




"Ah okay vin, cge bye bye everybody..kita tayo ulit bukas"



"bye sky, bye ren." lumakad na sila



"sky suot mo to." binigyan sya ni ren ng shades at sumbrero.



"Thank you.." sinuot na nila.



"Wow grabeh, nagmukha agad silang celebrity, bagay silang dalawa.." angel. Siniko sya ni charles. "ay sorry."



lumakad na ako papaalis. Sorry readers wala ako sa mood magnarrate, gusto ko ng umuwi



"uy vincent, san ka pupunta?" charles



"uuwi na." 



"uuwi?" hinila nya ulit ako pabalik.




"hindi ka pa uuwi kasi susundan natin sila."




 "ayaw ko nga, uuwi na ako, magluluto pa ako"



"halika na, halika na." hinila hila nya ako.



"Hey, anong ginagawa nyo dyan?" lumapit sa amin si chealsa.


"sakto cheska uwian mo na ba? sama ka sa amin? susundan namin si sky at ren, magdate sila.."



"Date? Si ren? Makikipagdate?"



"oo bakit?"




"ah wala naman. I'm in. Nasan na ba sila?"




"ayun palang yata oh, uy vincent lika na."



"ayaw ko, uuwi na ako.."



"mike, james itulak natin.." so ayun 3 vs. 1 ba naman sa tingin nyo nakaya kong makauwi kung may tatlong harang?




"Everybody kailangan hindi nila tayo makita okay?" angel



"Halina kayo guys, lumalayo na sila.." chealsa.



****



so ngayon mukha kaming naging stalker ng mga models. Pero kung sakaling "lalabas" ayokong gamitin ang D-word, ang mga sikat na models, diba kadalasan nasa isang classy restaurant sila eating steak and drinking red wine? pero tingnan nyo kung ano ang kinakain nila.






"kuya, dalawa nga pong taho.. Kuya dagdagan mo ng arnibal at sago ah.. ^_________^" sky








"Kuya, 4 na isaw, tapos 2 paa, 2 beta-max, at 2 barbeque.." Ren







"Uy ren bili tayo nun, calamares yata un, Wow ang lalaki.. kuya magkano po dito?"




"para sayo miss beautiful 2.50 nalang isa.."




"si kuya naman. ^______^ bigyan nyo po kami ng 20 pesos.."





"eto oh.."






O diba Calamares naman.


mukhang tapos na silang magshopping ng kakainin nila kaya umupo muna sila habang kumakain ng isaw, pagkatapos isawsaw ni ren ung isaw sa suka, humingi sya kay kuya ng dalawang sili tsaka 'pure' na ipiniga un sa isaw na kinakain nya..



"Woah... ang zuper anghang nun.." james




"sakit sa dila nun.." angel



"pero tingnan nyo mukhang hindi naman sya na-aanghangan.." mike




"Well, dati pa, mahilig na sya sa maaanghang.." chealsa.




sabay sabay kaming tumingin sa kanya..




"uhmmm.. kasi ung... mmmmm.. mga lumaking galing california, mahilig sila sa mga maaanghang.. kaya alam ko..hehehehe.."




"lumalapit si sky, tago bilis, tago... vincent yumuko ka!" angel.




nagtapon si sky ng basura, tapos bumalik ulit sya kay ren, kami naman eto, nagtatago sa likod ng mga halaman, nakakahiya ba tong ginagawa ko? kayo nga ang magsabi..






"Haaaaayyy... grabeh nakakabusog, ngayon na lang ulit ako nakakain ng mga pinoy foods.. sky.. sky.." nagttxt si sky.




"ah sorry ren, nagtext lang ako sandali.. dessert naman tayo? ayun oh ice scramble, ung pink.."



"kaya mo pang kumain sky?"



"oo naman.^__________^" Bumili sila ng ice cramble.




bzzzzzzzzz. bzzzzzzzzz... nagvibrate ung phone ko. You have a message.



"Vin, kumain ka na?"




ang aga pa kaya para maghapunan.. tiningnan ko sya, sinasabi nya na naman kay manong na dagdagan ng powdered milk at chocolate syrup ung ice cramble nila.. nangiti ako, well sasabihin ko nalang na kumain na ako.



"bakit nakangiti ang ating loverboy?" charles





"wala.. *Kumain na ako* message sent.





kinuha nya ung cellphone nya, habang subo ung kutsara at binasa ung text ko. Nagreply sya *Okay, uuwi din ako mamaya, magluluto ako ng totoong hapunan mo, wag kang kumain ng noodles, that's bad for your health*



"*Roger* message sent."






"Sky, gusto mong maglakad lakad muna, para matunaw ung mga kinain natin?"




"sure ren.." tumayo na sila at naglakad papuntang park. Kami naman, eto sumusunod pa rin sa kanila ng patago.




Lumalakad sila habang palubog ung araw, ang ganda ng sunset orange ung kulay nya at bilog na bilog ung araw. Tumigil si Ren sa paglalakad.



"Sky may sasabihin pala ako sayo.."




"ayan na, ayan na." angel.. 




"sssssshhh.. wag kang maingay gel baka makita nila tayo.." charles





"ano un ren?"




may dinukot si ren sa bulsa nya. Bakit ako ang kinakabahan? paglabas ng kamay nya sa bulsa nya..




"Ren diba-- diba i.d. yan ng school.." may ipinakita syang ID kay sky.




"yup sky, simula ngayon enrolled na ako sa school na to."





"eeeehhhh???" stalking team.. bigla silang lumingon, yumuko kami agad.




"Yehey ^______^"





"katulad mo, magiging working student ako, gusto ko din matapos ung course na kinuha ko, Medicine , noong unang debut palang natin, nahirapan akong isabay ung studies ko kaya tumigil muna ako, pero ngayon gusto ko na tong tapusin."




"Wow.. I'm so happy for you Ren!!!! magiging schoolmate ulit kita.."




"oo nga sky.."




"vincent mukhang un lang ung sasabihin nya kay sky... akala ko naman kung ano na, retreat na tayo stalking team?" charles




"sssshh.. meron pa.." angel




Meron pa?




"Sky may isa pa akong gustong sabihin sayo.."



"uhmmm ano un ren?"




"sky, matagal ko ng gustong sabihin to sayo.."






"sky.. gu--"





nakatingin lang sya kay ren, at sa pangalawang beses kinakabahan na naman ako.




"sky.. uhmmmm.. sky gus--gus---"




"Ren, bakit nauutal ka na naman?"




"Sky..(huminga sya ng malalim) GUSTO KITA!!!!!!!!!!!"




biglang tumahimik ung paligid. Walang nagsasalita ni isa sa amin, pati si sky.





"ahhhh... bilang friend ren? hehe ay oo gusto din kita.."





"hindi... hindi ganun, gusto kita sky, hindi bilang isang kaibigan, kundi bilang isang babae na gusto kong makakasama habang buhay."










"Ren."







nanlambot ung tuhod, ang sama ng pakiramdam ko, hindi ko madescribe ung feeling, naiinis ako na hindi ko alam, anong nangyayari sa akin?




"Woah.. Straightforward na confession alert.." mike




"vincent.. hoy vincent.. vincent... VINCENT!!!!!" charles..




"huh? ano un?"




"kanina pa kita tinatawag? okay ka lang pare?"




"oo naman, kailan pa ba ako naging hindi okay?"




"uhmmmm... ngayon?"




"tch.."




"cheska, okay ka lang din?" angel "why are you crying?"



mukhang nagulat sya sa sinabi ni angel, parang hindi alam na umiiyak sya.



pinunasas nya ung luha nya.. "What are talking about? who's crying, napwing lang ako, duh why will I cry?.."




nagsalita na ulit si sky.




"Pero ren, friends tayo diba?"




"oo sky.. pero ayaw kong hanggang dun lang tayo.. simula noong nasa cali palang tayo, habang nerd looking pa lang ako, gusto na kita.."




"pero Ren---"




"kaya sobrang nalungkot ako nung sinabi mo sa presscon mo na hindi tayo talagang nagdedate at may gusto kang iba."




"ren, ang totoo nyan si--"




"si Vincent ba sky? siya ung gusto mo?"



hindi nagsasalita si sky, pero tumango sya.



"sabi ko na nga ba.." ngumiti si ren..



"pano mo nalaman?"



"naalala mo ung sinabi mo sa akin dati noong sa cali pa lang tayo sky? sabi mo kapag nakita mo na ung lalaking magpapatibok ng puso mo, magiging isa kang Bubble gum."




Flashback. Ren's POV


Sky 17 years old. Ren 18.



"haaaaayyyy... "



"bakit sky? naiingit ka sa kanila?"



"ang cute kasi ng couple na un oh.."



"bakit kasi wala ka pang boyfriend? maghanap ka na rin, malay mo nasa tabi tabi lang sila"



"Ren naman eh, hindi un hinahanap, kusang dumadating un.."




"so nahanap mo na ba?"




"hindi pa.. pero oras na mahanap ko ang lalaking magpapatibok ng puso ko magiging isa akong BUBBLE GUM.."




natawa ako.. "bubble gum? bakit bubble gum?"




"si ren naman tumatawa ang sama..., Bubble gum kasi kapag nakita ko na sya hindi na ako lalayo sa kanya, kakapit ako maigi. Kahit mainis o maasar sya didikit ka pa rin ng todo hanggang sa masanay na sya na nandun ako, at sa oras na mawala ako sa tabi nya, hahanap hanapin nya na ako.. ^_________^ ayos diba?"





End flashback. End Ren's POV




"naalala mo pa un ren?"






"ilang taon ko kasing hinihintay na maging bubble gum ka sa akin, iniitay ko na hindi ka aalis sa tabi ko.. hehehe"




"Ren.."





"pero hanggang ngayon hindi pa din nangyari un.."



hindi na nagsasalita si sky.















"kaya ngayon pwede bang ako nalang ang maging bubble gum mo? kahit maasar, mainis o ipagtabuyan mo ako okay lang basta bigyan mo lang ako ng chance, hmmmmmm sky?"








"Ren.. sorry pero--"





"hindi naman kita minamadali sky, kaya hindi mo pa kailangan sumagot ngayon.. okay? ^____^"






"okay."







"OH ANO UN? SKY MAY AHAS SA PAA MO!!!"





"HALA NASAN NASAN??" nagtatalon si sky.





"AYAN AYAN OH, ANG LAKI ANG LAKI..."




"NASAN REN? NASAN??? TANGALIN MO TANGALIN MO,.."











"hahahahaah..Joke lang natakot ka noh?"




"si ren naman eh..hahahahaahah.. akala ko may ahas talaga, oo natakot ako dun hooooohhh.."




kanina ang bigat bigat ng atmosphere, ngayon ang saya saya na naman nilang dalawa. Tinanggal ko na ung halamang nasa ulo ko, at tumayo na ako.



"vincent san ka na pupunta?"



"uuwi na ako, pigilan nyo pa ako, lagot kayong tatlo sa akin.." umalis na ako. Naiinis ako I feel betrayed, parang may tinik sa lalamunan ko. Paano kapag tinanggap ni sky si ren? Biglang nag-vibrate ung phone ko.



You have a message.



"Vin, pauwi na ako, dadaan ako sa market, anong gusto mong ulam?"






nagreply ako.



"sky, matutulog na ako, napagod ako sa pinagawang paperworks ni Miss Reyes, wag ka ng magluto."






hindi na sya nagreply.




Biglang umulan. Wala akong dalang payong at malayo pa ung bahay ko. Oh great. pati ka ba naman ulan nakikisabay pa din.




lumakad ako, wala akong balak sumilong o tumakbo, gusto ko lang lumakad sa ulan.








after 10 minutes nakarating na ako sa bahay. Nandun si sky nakapayong sya at nakaupo sa harap ng pintuan ko. Nung nakita nya ako, tumakbo sya papunta sa akin.



"Vin.." pinayungan nya ako.. "bakit nasa labas ka? sabi mo matutulog ka na? doorbell ako ng doorbell walang sumasagot.."




"may pinuntahan lang ako saglit.."




"aahh... hala basang basa ka.." kinuha nya ung panyo nya at pinunasan ako "baka magkasakit ka ulit nyan vin.."





"masaya ba kanina?"





"ano un?"





"kasama si ren, nagenjoy ka ba?"




"oo, kumain ako ng marami at nagenjoy ako.."




"ah mabuti at nagenjoy ka.. pumasok ka na sa bahay mo sky, papasok na din ako pagod na ako eh..."




"vin.. may sakit ka ba?"




"wala.. wala akong sakit pagod lang talaga ako.."




"okay.. o sige pumasok ka na.." pinindot ko ung password sa pintuan ko at pumasok na.





***


Sky's POV












gusto ako ni ren








gusto ako ni ren










gusto ako ni ren













gusto ko din ba si ren?





















aaaaaaaaaaahhhh... sasabog na ung utak ko sa kaiisip, halos hindi ako nakatulog kagabi. Ang isang best guy friend ko, gusto ako.. pero gusto ko si vin... waaaaaaaaaahhh... ang hirap naman..




"Sky... lika na, late na tayo.." ayan na ang sundo ko. Kinuha ko ung bag ko, humarap ulit sa salamin at inyos ang buhok ko perfect.. ready ka na sky... Lumabas na ako, at nakita ko na ang prince charming kong poging poing may----dalawang eye bag?




"vin anong nangyari sayo?"




"hindi ako nakatulog ng maayos.. o ikaw din naman.."




"wala lang to vin. Lika na.."



lumakad na kami ni vin papuntang school, nakita ko si ren.



"Good morning sky, vincent.."



"Good morning ren ^_______^" tumango lang si vin.



"o ayun na sila.. ayun na sila.." OH NO! reporters..



"Fia, Ren.. are you dating? Ren, why are you in this school? do you meet Fia's soon to be boyfriend? Ren what are your plans here in the philippines?"




flash na ng flash ung mga camera, teka nasan si vin? a--aray.. vin.. nasan si vin?


"Ren si vin?"



"sky kailangan nating maka-alis dito.."



"si vin?"




"Miss Fia, Miss Fia.." urgggghhh... I really really hate this kumpulan ng mga reporters part..




nakita ko si vin, malayo sya at nakatingin sa akin..



"Vi--"



"miss fia.. Miss fia.. Ren are you two dating?"



"sky, halika na, kailangan nating makapunta sa school, sky... sky.." si vin, nakatingin lang sya sa akin, then tumalikod na at naglakad.



"Vin.. Vin... Vincent... Vincent... VINCENT RAY LOPEZ....." kahit anong tawag ko sa kanya hindi na sya lumingon.




"lika na sky, padami na ng padami ung mga reporters."






tumakbo na kami papunta sa school.  Tapos nung okay na, pumunta na kami ni ren sa sarisarili naming departments. Pagdating ko sa room nakaupo na si vin.


"Vin, sorry.."




"bakit ka nag-sosorry sky? umupo ka na at baka dumating na ung instructor natin, nasan na si Ren?"




"ah nasa kabilang department na sya.."




"ah ok.."




at dumating na si sir.
****




mula kanina hindi pa rin ako masyadong pinapansin ni vin, hanggang sa maguwian na.



"Vin, uwi na tayo.."




"sky, mauna ka na lang may ipinapagawa pa sa akin si Mr. Cruz.."




"ganun ba?"




"wag mo na din akong handaan ng pagkain, sasabay ako maghapunan kay Mr. Cruz.."





"ah okay.." :(





"sky.." lumapit sa amin si ren.




"uwian mo na?"




"oo.."




"halika na, hatid na kita ah-- vincent, okay lang ba?"




"wala naman sa akin un, kahit ihatid mo sya o hindi.." umalis na si vin..


T______T




"nagaway ba kayo ni vincent?"




"hindi ren.."




"halika na sky.. ^_______^"




"ah okay ren.."





araw araw mas nauunang umalis lagi si vin, sabi nya may inaasikaso daw sya sa school kasama si Mr. Cruz, hindi na din sya sumasabay sa akin sa pagkain, at umuuwi sya lagi ng late, parang iniiwasan ako ni vin.




"charles, si vincent?"



"oo nga noh, baka lumabas lang sya sky.."




"charles, may napapansin ka bang iba kay vin?"




"wala naman sky.. bakit?"




"etong mga nakaraang araw hindi nya ako masyadong pinapansin, ewan ko pero parang iniiwasan nya ako."




"sky, mas mabuting sya ang tanungin mo nyan, lately nga parang bumabalik ung dating vincent, I mean, ung hindi ka pa dumadating, tahimik, suplado at walang pakialam sa mundo."




"charles, alam mo ba kung ano ung laging pinapagawa ni Mr. Cruz kay vin?"




"si Mr. Cruz? ang alam ko wala naman"




"wala? e sabi nya may ipinapagawa si Mr. Cruz sa kanya kaya maaga at late syang umuuwi.."




"maagang umuuwi si Mr. Cruz sky pero kahapon nakita ko si vincent na nagbabasa ng libro sa rooftop pagkatapos ng klase."




"o sabi nya sa akin kahapon may aasikasuhin daw sya kasama si Mr. Cruz.."




"ewan sky.."




Bakit kaya? Bakit nagsisinungaling sa akin si vin? talaga bang iniiwasan nya ako?

****



6:30 pm. Nandito ako sa harap ng bahay ni vin, hindi pa sya umuuwi.







Ayun, dumadating na si vin.



"vinvin ko!!!!! ^______^"


nakita nya ako.



"O sky.. hinatid ka ni ren?"



"hindi, bakit?"



"sa susunod magpahatid ka na sakanya.. mahirap ng maglakad sa gabi, sige sky pasok na ako, pagod na ako eh.."




"Vin, kumain ka na?"




"Oo kumain na ako.."




pumasok na si vin.



Tingnan nyo. Ano un? bakit ganun? T________T



****



Vincent's POV



pag pasok ko, binukas ko agad ung laptop ko then sinurf ung net. Kalat sa buong net ung about kay sky at ren. Ano ka ba vincent? Anong ginagawa mo? Bakit yan ang tinitingnan mo?


Nang biglang nagring ung phone ko. Si Charles.



"Hello.."



"Hello pare, Musta?"



"Anong musta?"




"balita ko, medyo iba ang kinikilos mo lately ah.. bakit? may problema ba? Baka gusto mong may makausap."




Kahit minsan loko loko si charles, sa mga ganitong panahon seryoso sya  at isa sya sa mga nakakausap ko.



"Iba kasi charles eh, alam kong nagseselos ako, pero iba ung feeling ngayon sa feeling nung nagseselos ako dati, mas mahirap, mas masakit sa loob."



"ahh.. alam ko yan.."



"alam mo ulit?"




"oo.. ung una ng dumating si Ren, nakaramdam ka ng selos ngayong nagtapat na si ren kay sky, nakaramdam ka naman ng HEARTBREAK.."




"What???"





"Heart break pare, nabasag ang puso mo.."




"Loko ka, bakit naman mababasag ang puso ko.."




"ewan, pero sabi nga nila Jealousy is a sign of Insecurity.. haha anong konek?"




tumahimik ako.



"so Insecure ka nga? di ka sumasagot eh.."




"Hindi ah!"



"Oo nga naman kasi, bakit ka maiinsecure, eh ang gwapo gwapo mo, pero mas gwapo lang ako, matangkad ka, matalino at mabait (clear throat) parang may sumabit sa lalamunan ko.."




"cge lokohin mo pa ako.."




"isa lang naman ang lamang ni ren.. alam mo un diba?"





"oo.. model silang parehas, magkasama sila sa iisang mundo, habang ako isang normal na lalaki lang.."




"correction.. normal na gwapong lalaki na may kaibigang mas gwapo pa.."




"tssss.."




"seryoso pare.. mas gwapo talaga ako sayo.. hahahah.. oo na, oo nga, joke lang.. mas lamang ka lang ng isang paligo.."




(napangiti din ako) tiningnan ko ung picture ni sky at ni ren sa internet.. "pero charles kung titingnan mo talaga, silang dalawa ang mas bagay ni sky, parehas sila ng kinabibilangang mundo, at maraming tao ang gustong magkatuluyan sila.." matagal bago magsasalita sa kabilang linya si charles.












"so i-gigive up mo na si sky?"




































"oo charles."

*****



This WEIRD GIRL is a WHAT????? (on going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon