Chapter 75 - Destiny?

171 6 0
                                    

Sky's POV

"Samahan na kita, baka mamaya dumugin ka ng tao jan sa labas.."

"Si Vin naman, hindi ako dudumugin, kilala na nila ako sa neighborhood na'to.. Ako na ang bibili.. Asikasuhin mo na lang ung mga bisita natin.."

"O sya, sya, basta tumawag ka kapag may problema ah.."

"Vin naman eh.. hahahaah.. bibili lang ako ng yelo, at dun lang un sa kabilang kanto.. Walang magiging problema..." niyakap ko ulit sya habang nakatingala at kinakausap sya. "Love mo na talaga ako noh? uhmmmm? uhmmm? uhmmm?"

"Hindi ah."

pumikit ako at nag *Chuuuuuuu*

"Tssss..." at naramdaman kong hinawakan nya ung mukha ko at kiniss ako sa noo.

"*ngumiti ako*... Balik ako agad!!" tumakbo na ako papaalis.

"Talagang Bumalik ka agad, dumating na daw sila Tita Ysay sa airport sabi ni Ate Man bilisan mo.."

"Yes sir.."

Tumatakbo na akooooooo..

"Sky, congratulations at nakakakita ka na ulit." bati sa akin ng isa naming kapitbahay.

"Thank you po. Sobrang laking tulong po ng prayers nyo.."

"Mabuti iha, may awa ang Panginoon.."

"Babye po!!!"

Ang saya saya... ang sayang makakita ulit, sobrang naramdaman ko ang hirap ng maging bulag, kaya ngayon it-treasure ko na ang aking mata. Hindi na ako magbabasa ng wattpad ng nakapatay ang ilaw, hindi na ako aabutin ng 5 am ng umaga kakapanood ng koreanovela, at hindi ko na aabusuhin ang aking mga mata. Welcome Party ko ngayon at kumpleto ang buong barkada at ang aking mga kaklase, nagskype kami kanina ng family ni Vin, at iyak ng iyak sa saya si Tita Vina. Si Ate Man sinundo nya ang parents ko sa airport nauna kasi akong umuwi sa kanila dahil pumunta muna sila sa Cali para dalawin si Mama Maya at sila Coby, sayang hindi ako nakasama sa kanila kasi nabalita na ang paguwi ko bago pa man nila nasabi sa akin ang balak nilang pag punta sa Cali.

Ang mommy ko ang una kong nakita pagmulat ng mga mata ko. Sobrang nagulat ako nun dahil ang alam ko si Daddy lang ang sumunod sa akin para sa operation dahil nakakagalaw na din sya at pinayagan na syang bumyahe ni Dr. Caphiola. Kaya ng makita ko ang mommy ko na umiiyak habang nakangiti sa akin at narinig kong tinawag nya ako sa pangalan ko, hindi ko napigilan umiyak, iyak ako ng iyak na niyakap ang mama ko, ung naramdaman ko ng time na un parang lahat ng takot ko lumabas, ung takot ko ng nabulag ako, at ung takot ko nung limang taon na hindi ko sila kasama.

Alam nyo ung feeling na nasugatan ka/nasaktan ka physically or emotionally, at hindi ka umiyak.. Pero nung nakita mo ang mama mo tapos tinanong kung anong nangyari? bigla ka na lang napahagulgol. Yan ung naramdaman ko ng time na un. Sobrang saya ko na finally naalala nya na ako.. na finally makakasama ko na ulit silang dalawa ni daddy.

Haaaaaaaayyyyyy... Anong balak ko ngayon? Uhmmmm... Babalik ulit ako sa school, kahit nahuli ako kayla Vin ng isang sem okay lang basta gusto ko ulit magaral, tapos babalik ako sa pagmomodel ko at aalagaan ko ang mommy at daddy ko. Yan.. Yan ang mga balak ko..

"Mis Fia, 40 pesos po.."

"Eto oh."

"Congratulations po at nakakakita na ulit kayo.."

"Thank you.."

Lumabas na ako ng store, naaalala ko lagi dito si Vin bumibili ng cup noodles nya para sa hapunan nung hindi nya pa ako nakikilala. At doon, doon ung memorable na pedestrian lane kung saan kami unang nagkita. Na-Love at first sight talaga ako sa heroic na pagsagip nya sa akin noong mababangga na ako ng Truck. Paano na lang kung hindi nya ako naligtas nung time na un, e di tigok na ako ngayon. Shunga shunga ko din kasi, nung nakita ko sana ung truck umalis na ako pero nanigas ako kaya hindi ako makagalaw nun. Hehe. Natatawa na lang ako pag naaalala ko, pero kung iisipin ko naman dahil sa kashungaan ko nakilala ko si Vin.

Kung hindi kaya ako niligtas ni Vin nung time na un, magkakakilala pa rin kaya kami? Well syempre naman, grabe talaga ung moment na un, ang lakas ng tibok ng puso ko noong una kong nakita si Vincent Ray Lopez at nainlove talaga agad ako.

"Oh! Oh! Oh!..." M-may tuta na tumatawid. Dala dala nya ung kadena nya kaya sigurado nakawala sya, naku ang daming sasakyan busina sila ng busina at natataranta ung tuta.. Kaya nung nakita ko na wala ng sasakyan tumakbo agad ako para kuhanin ung tuta, this time pagkakuha na pagkakuha ko sa kanya tumayo agad ako, pero paglingon ko, nakakasilaw na liwanag ang nakita ko.. Ilaw ng ilaw ung van na halatang mabilis ang pagtakbo, tatakbo na dapat ako, pero hindi ko---hi--hindi ko magalawa ang paa ko.. Hindi ko magalaw.. Hindi na naman ako makagalaw.. Patuloy na bumubusina ung van.. takot ang nanuot sa buong katawan ko, ngayon bang ayos ng ang lahat tsaka ako mamamatay? Ang tragic naman ng buhay ko pag ganun. Ngayon pa lang ako magsisimula ng panibagong buhay kasama ang mga magulang ko tapos aalis na ako?

Sabi nila kapag malapit ng mamatay ang isang tao, sa ilang segundo mag-fflash lahat ng mga alaala mo simula ng pagkabata hanggang sa pagtanda, nagtataka ako kasi kaya ba un? Sa dami ng nangyari sa buhay mo? PeroTotoo nga un, bigla kong naalala ung kasama ko ang parents ko nung bata pa ako, ung aksidente nila, ung pagampon sa akin nila mama maya, ung modelling school, ung hirap at saya ko sa pamomodel, noong una kong nakita si vin, ung una kaming nagaway, nagbati, ung kinantahan nya ako at ung una nyang sinabing 'I love you'.

Siguro gift sa atin un ni Lord, na maalala mo ung mga masasaya at malulungkot mong araw bago ka bumalik sa Kanya. At sa ilang segundo na un naramdaman kong mamatay na ako.

Pero ayoko... ayoko pang mamatay..

"Vin..Vin-- Vin.."

"Tu-Tulungan nyo ako.. kahit sino... please..." napabulong ako sabay pikit. "VIN!!!!!!"

Pero umikot ang mundo ko ng biglang may humila sa akin at malakas na beeeeeep ang narinig kong dumaan.

Napakapit ako sa tumulong sa akin.

"Vi--v-vin.. vin,.." halos hindi ko mahabol ang hininga ko sa takot na naramdaman ko. "Thank y--"

"Oh? Ikaw ulit? hahaha... Mahilig ka din magpakamatay sa kakasagip mo sa mga hayop noh?"

Hindi si Vin ung lalaking nasa harap ko.

"Okay ka lang ba?"

Tumango ako.

"Mukhang okay din naman yang tutang hawak mo, pero ung yelo mong binili mukhang madumi na at nalulusaw na. Bili ka na lang ulit."

"Pero iba ka rin noh? Dati kuting, ngayon naman tuta.. Ayos ka.." Kuting? ang tinutukoy nya ba ung kuting na niligtas ko dati?

"Sino ka? kilala mo ako?"

"Wow.. ganyan na ba ang pasasalamat ngayon.. tch..tch..tch.. Dati kung hindi lang sumakit ang injury ko, ito na ang pangalawang beses na niligtas kita, sa kuting at sa tuta." Ano bang sinasabi nya? Sino sya? Si Vin ang nagligtas sa akin nung niligtas ko ung kuting.

"Kung alam ko lang na-maiinlove ka sa lalaking magliligtas sayo during that time, kahit nalumpo ako sana hindi ko na lang sya tinulak para iligtas ka.."

Te-teka anong sinasabi nya?

"Kung hindi ko sya tinulak at ako ang nagligtas sayo...."

"Siguro ako dapat ang lalakig nasa tabi mo ngayon.."

*****

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 14, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

This WEIRD GIRL is a WHAT????? (on going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon