chapter 57 - Sophia Kristina Ysa Santos' Past - Last Part

651 7 0
                                    

Sky's Pov

sinimulan ng gupitan at ayusan si ren, nasa loob sila ng isang room ni kuya george, nasa labas kami ni ate mandy ung make up artist ko.


"ikaw sky anong gusto mong ayos?"


"kahit ano po, kayo na pong bahala sa itsura ko..hahahaha.."


"mukhang hindi naman ako mahihirapan sayo eh, ang ganda mo na kaya.."

 "talaga ate? thank you"

"kaya sa photoshoot mas pagagandahin kita, ilalabas natin ang iyong natural na filipina beauty na tatalbog sa mga mukha ng mga bañaga.. Ayos ba?"


 "oo naman po, ate noon pa man ba gusto mo ng maging make up artist?" 

"uhmmmm.. Oo, pero meron pa akong isang pangarap"

"ano pong pangarap?"


 "gusto ko maging manager."


 "manager po ng? Jollibee? Ganun?"

"pasaway kang bata ka..hahaha.. Syempre hindi, gusto kong maging manager ng mga model."


"talaga po eh db mahirap pong maging manager?"


 "oo mahirap, super hirap, pero gusto kong maranasan magpasikat ng isang model, gagawa ako ng paraan para mas sumikat sya, manager din kasi ang mama ko kaya siguro nagustuhan ko un dahil sa kanya pero dahil nandito tayo sa california malabong makuha ako bilang isang manager, kaya pangarap nalang un.." nakita kong medyo nalungkot si ate mandy..

 "Ladies and gentlemen, may I present to you.. Mr. Renaldo P. Yap."

ayan na lalabas na si ren, nang may lalaking tumayo sa harap ko.. Teka nga umusog ka, hindi ko makita c ren.usog usog....nang biglang nagsalita ung lalaking nakaharang.

"s--ky.. O--kay lang b..ba ung itsura k..ko?"

0_____0


REN????

"a---aayos lang ba sky?"

"re---ren??? i--ikaw ba yan??????"

"pa--pangit b--ba?"

"hi--hindi.." waaaaaahhh... grabeh ang laki ng pinagbago nya.. ^_______^

"Renaldo.. ang cool mo.." sabi ni ate mandy.


"th---thank you po.. "

"okay ba? ang galing kong magpa-gwapo noh?" sabi ni kuya george.


"oo na, oo na... ang galing mo na.."


"pero alam mo ren.." lumapit si kuya george kay ren at inakbayan sya..

"a---ano po un?"

"complete package ka na eh.. pero meron tayong dapat ayusin.."

"a---ano p--o ung da--dapat ayusin?"

"YAN! yang pagsasalita mo.. come on man, why are you stuttering?"


"ba--bata pa lang po a--ako ga--ganito na akong magsalita.."

"since birth? simula ng una kang nagsalita? syempre hindi..... yang pagiging utal mo nadevelop lang yan habang tumatanda ka.."


"e anong gusto mong sabihin ha George? kaya mo bang tanggalin yang pagiging utal nya?" -ate mandy.


"syempre bago ko pa un sinabi may plano na ako.."

"aayusin po nating ung pagsasalita ni ren?" na-eexcite ako... ^_____^

"Oo, within 3 days aayusin natin yang pagsasalita mo, sa gwapo mong yan utal ka? confidence pare yan ang kulang mo, ano game ka?"

This WEIRD GIRL is a WHAT????? (on going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon