chapter 58 - Vincent Ray Lopez is Back.

773 6 0
                                    

Vincent's POV





Sana naman naaalala nyo pa ako. Ang tagal nagkwento ni sky halos ni isang part hindi ako nabigyan ah meron din pala ung sa ending Tcch.. Anyway nandito ako sa harap ng bahay ni sky papasok na kami sa school. Nagtext sya sa akin na dumating na daw sya kagabi. Halos 2 days kong hindi sya nakita, simula ng nakita sya dito ng mga reporters dito sa Pilipinas mas naging busy na sya, bago sya umalis ng sabado nagtxt sya sa akin.



"Vinvin hindi ako makakauwi mamayang gabi hanggang bukas, gabi na siguro ako dadating ng linggo. Dahil wala ako wag kang magpapagutom at noodles na naman ang kakainin ah. Pinagluto kita ng beefsteak na favorite mo tatagal na un hanggang mamayang gabi,  para bukas ginawan kita ng embutido nilagay ko sa ref mo, iprito mo nalang okay? ^_____^ Ano pwedeng pwede na bang maging housewife mo? heheh bye bye.. kita tayo sa monday



-sky"





Housewife nga?? (clear throat) uhmmmm.. p--pwede na..




teka nga kanina pa ako salita ng salita dito, bakit hindi pa rin sya lumalabas, nagugutom na ako hindi ako kumain ng agahan eh sa school na lang. Pinindot ko ung door bell. "Sky lika na. Late na tayo."


wala pa ring response.




ting don ting dong...




"aalis na ako, iiwanan talaga kita.."




wala pa ring sumasagot.




"sky.. sky--" nang naalala ko, meron palang gumagalang magnanakaw ngayon sabi sa akin ng mga matatanda..



"sky... sky... sky... (pinindot ko ng pinindot ung doorbell) Hoy sky... sumagot ka, nanjan ka ba? sky?"  baka kung ano na ang nangyari sa kanya.



papasok na ako..





pinindot ko ung password nya sa bahay nya. 5678.. sino ba namang magnanakaw ang hindi mahihirapang pasukin ang bahay na may ganitong password sa pintuan.




bumukas na.




"sky.. papasok na ako.." dahan dahan akong pumasok sa loob ng bahay nya iniwan kong nakabukas ung pintuan. Ang dilim naman dito. Binuksan ko ung ilaw. ayun lumiwanag na.













"iiiiiiiii-----nnnnnnnnnn"


















teka ano un?














"iiiiiiii------nnnnnnnnnnn"











"sky ikaw ba---" BAAAAAAAAAAAAGGG.... biglang sumarado ng kusa ung pintuan.








"sky?"








(blink blink)







biglang nagblink lahat ng ilaw..










hanggang sa tuluyan tong namatay.









"iiiiiiiiiiiii---nnnnnnn"






ano ba un? sky ikaw ba yan?










ang dilim dilim na halos hindi ko na makita ung dinadaanan ko. Ang nagbibigay na lang ng ilaw sa bahay ay ung nagiisang bintanang nakabukas habang nililipad ung kurtina..






bakit parang nakakatakot na dito sa bahay nya?






"nnnnnnnn-------"




ano ba un? umuungol?





"s---sky? nandito ka ba?"

















napalunok ako.. hindi naman ako matatakutin, pambakla lang un..


















teka bakit napansin nyo ba? wala ng umuungol? mas nakakatakot pa yata nung tumigil un, mamaya maya baka bigla na lang ako sakmalin ng kung anong creature man un.



lumapit ako sa kama ni sky. Walang laman, walang sign na nagalaw ung kama nya o hinigaan to. Pero sabi nya nakauwi na sya, saan sya natulog?



aalis na dapat ako ng biglang-----




























"WAAAAAAAHHHH... .AAAAAHAHHHHH... HUWWAAAAHHHH.. BI--BI--BITIWAN MO AKO BITIWAN MO AKO.."
























may kamay na humablot sa paa ko mula sa ilalim ng kama.




"aaaaaahhhhh.... bitiwan mo ako, bitiwan mo ako.."





sa sobrang takot ko, nakakahiya mang sabihin, napaupo ako. ikaw ba naman ang hablutin ng isang kamay mula sa ilalim ng kama, sinong hindi matatakot..






"bitiwan mo sabi ako..." sa sobrang lakas ng paghila ko sa paa ko, pati ung creature na humahawak sa akin napasama..






"ano to? tao?"





"iiiiiiiii------nnnnnnnn pag----"




sya ung gumagawa ng sounds na creeepy..




"sino ka? nasan si sky? anong ginawa mo sa kanya?"





"iiiiinnnnnn pagka---"





"ano?"





"pagka-----in......v------iiiiiiiinnnnnn"







pagkain? vin?




napalingon ako sa kanya.


"Sky??"



mula sa pagkakadapa nya pinaupo ko sya at nakasandal sa kama nya.




hinawi ko ung buhok sa mukha nya..







si sky nga..








pero bakit ganun?










mukha syang zombie?









"sky.. sky gising... (tinapik tapik ko ung mukha nya)"






"v--vin, pag--kain.."




"pagkain? teka lang kukuha lang ako sa ref" tumayo ako at pumunta sa may ref nya pero ng binuksan ko, walang laman tubig lang,  ngayon lang yata nawalan ng pagkain ung ref nya ah. Naalala kong meron pala akong biscuit sa bag ko, binigay kahapon sa grocery ung mga sample.


"o sky eto biscuit kagat ka." kakagatin nya na sana ng biglang nanlaki ung mata.. 0_______0




"WAAAAAAHHHH.. .hindi pwede.." napatayo sya bigla.



"anong hindi pwede? okay ka lang? akala ko gutom ka?"




"gutom nga ako pero hindi ako pwedeng--- oh? Vinvin nandito ka pala.."



(_  _)





"kanina pa kaya ako nandito" Biglang bumukas ung ilaw nya.



"ganyan ba talaga yang ilaw mo? patay sindi?"



"napupundi na kasi vin, ang taas hindi ko abot.. aaaahhh---arrayy.." hinawakan nya ung tyan.



"bakit masakit ba ung tyan mo? okay ka lang sky?"




ngumiti sya.



"oo naman vin, okay lang ako. gutom lang talaga ako."



"halika na at kumain na tayo, hindi pa rin ako nagaalmusal.." bakit ganun? halatang pumayat sya.



"vin hindi pwede eh.."



"bakit hindi pwede?"



"hindi ako pwedeng kumain kasi nagsuper diet ako.."




"diet bakit?"



"Vin T______T simula nung dumating ako dito nadagdagan ako ng 9 kilos.."





"ano 9 kilos? ilang pounds un? bakit ang taas naman-- ah pero sabagay sa lakas mong kumain walang duda na tataas nga ng ganun un.."



"mula nung friday ng gabi tinapay at tubig lang ang kinakain at iniinom ko.."



"ano? nakaya mo un?"



"T______T gusto ko ng kumain ng pizza, fried chicken, spaghetti, ice cream, cakkkkkeeeeeeee..."




"teka lang ibig sabihin hanggang mabawasan ka ng 9 kilos tinapay at tubig lang ang kakainin at iinumin mo?"




"hanggang ngayong araw lang un vin, may photoshoot kasi ako mamayang hapon kaya kina-crash diet nila ako kapag tapos nun normal diet and exercise na lang."




"ahh.. ang hirap naman palang maging model.. tch..."




"vin gusto mo rin maging model? ^_____^ para kapag photoshoot ako lagi ang kapartner mo, tapos tatawagin tayong model couple db? db?"




"ayaw ko nga.. gugutumin lang ako nyan"




"sige na vin para--(napatingin sa relos) aaaaaaaaaaahhhhhhh 8:00 na.... hindi pa ako naliligo..." mabilis syang tumayo at tumakbo papuntang banyo pero nagulat ako ng bigla syang natumba at nangudngod ung mukha sa lapag.





"v-v--vviiiin.... wa------la akong energy ---"











haaaaaaaaayyyyy... (face palm) tumayo ako at pinasan sya papuntang banyo.




"oh yan, maligo ka na, bilis late na tayo.."






"ooooo-----kaaaaayyyyyy"









nakaupo lang ako sa sofa habang hinihintay sya.



"Sky. 15 minutes na lang late na tayo.."



"oo vin.." binilisan nyang suklayin ung buhok nya.



"bakit ka nga pala nasa ilalim ng kama?" hindi mo ba alam kung gaano ang takot ko nung hinablot mo ung paa ko?



"ah.. kagabi kasi may nahulog akong papel, nung pinulot ko siguro sa sobrang pagod dun na ako nakatulog heheh.."




ano bang ginagawa sa kanya ng pagmomodel na yan at sa sobrang pagod ay dun na sya nakatulog sa ilalim ng kama?



"vin lika na.."


"jan na."



tumayo ako at sabay kaming lumabas ng bahay nya.












"AT ANONG GINAGAWA MO SA BAHAY NI SKY???????"
















"ate man.. bakit nandito ka? akala ko babalik ka sa cali ngayon?"










"bakit ka galing sa loob ng bahay ni sky? hah? hah?"





"ate man, ginising nya ako, sa sobrang pagod kagabi hindi ko na na-ialarm ung alarm clock ko kaya kagigising ko lang.."




"ikaw.." tinuro nya ako.



"po?"



"wag na wag mong aakalain na porke't gusto ka ni sky ay gusto na rin kita.. meron akong ibang gusto para kay sky at mas mabait at magalang sya.."



"si ate man naman.. malelate ka na sa flight mo, ako na bahala sa photoshoot ko mamaya, papasama nalang ako kay vin.. diba vin?"



"okay lang."




"babantayan kita maigi Vincent Ray Lopez.." mukhang galit pa rin talaga sya sa akin.






"pero... excuse me po... sino po kayo?"




"Vin.."







"hah? hah? a---ako hindi mo ako kilala? FIA ANO BA NAMANG KLASENG BOYFRIEND MERON KA!!!!!!!!!!!!"





"vin.. si ate mandy yan, ung manager ko, nagkita na kayo nung isang araw diba?"





"aaaaaaaaahhhhhh... oo nga pala.. hello po, nice to meet you po.." nagbow ako.




"hah? Fia!!!!!!"





"ate man(naka-attention)"



"tawagan mo agad ako kapag tapos ng photoshoot mo okay?"



"okay po."



"halika na" sumakay na sya sa kotse nya at umalis na. Naiwan kami dito ni sky sa labas.




"Vin, hindi mo ba talaga kilala si ate man? diba nagkita na kayo?"








"kilala ko sya.. Mandy Yvonne Gutierrez, 27 years old, make-up artist at manager mo sya, nagkita kami nung una sa office ni dean at pangalawa nung tapos ng press con mo, eto na ang pangatlo naming pagkikita."





"kilala mo naman pala sya pero bakit mo sinabing hindi mo sya kilala?"




"wala lang.. halika na.. late na tayo, 15 minutes nalang absent na tayo." nauna na akong lumakad.


















mabait at magalang?












pssssssshhhh...









mabait at magalang din naman ako ah













....minsan.














*****


nung pagdating namin sa room nagdidiscuss na si sir, dahan dahan kaming pumasok sa loob at umupo sa tabi nila charles at angel.



"pare bakit ngayon lang kayo?"




si sky ang sumagot.



"nalate ako ng gising charles, may photoshoot kasi ako kahapon, naninibago pa siguro ung katawan ko kaya napagod ako ng todo..heheheh.."




"sky bakit ang putla putla mo? nagbreakfast ka ba kanina?" angel





"angel T________T hindi ako pwedeng kumain. Diet ako. simula nung saturday tinapay at tubig pa lang ang iniinom at kinakain ko.."





"ANO TINAPAY AT TUBIG LANG?" charles





"WHY IS IT NOISY AT THE BACK?"





biglang yuko kaming lahat.



"ang ingay ingay mo naman kasi charles.." hinampas sya ni angel.




"sorry, nagulat lang ako, tinapay at tubig? grabeh. kapag ako un hihimatayin na ako."




"malapit na nga yata ako himatayin pero hanggang mamayang hapon na lang kaya kakayanin ko na.. ^_______^"





"sky.."




"Don't worry angel, sanay na akong hindi kumakain, minsang nga isang buong araw hindi talaga kami kumakain para sa photoshoot na 15 minutes lang eh.. don't worry na."




kahit ganyan ang sinasabi nya lahat kami mukhang worried sa kanya.





Lunch Time.



"James anong baon mo?" charles



"adobong manok at tocino. Ikaw?"



"wala eh,  Gel ano baon mo? pahingi naman.."




"Lechon paksiw, pasalamat ka nagbaon ako ng extrang kanin, o yan.."



"yehey.."




"vincent, sky, kain na ta---" biglang tinakpan ni charles ung bibig nya. "sorry sky.."



"okay lang charles."




"vincent, lika na, lunch na tayo." mike




tiningnan ko si sky.




"sige na vin, kain ka na.."






tiningnan ko sila














"hindi ako gutom pare, maglunch na kayo."





"pero vin diba hindi ka din nagalmusal?"








"nagalmusal ako.."





"pero sabi mo kanina hindi ka nag--"





"sky, busog pa talaga ako.."




"ah o cge maglunch na kami vincent, sky.."




"sige."





lumabas na sila.






"vin, hindi ka ba talaga gutom?"  




"hindi ako gutom sky.."





"talaga? ganito nalang, noon kapag nagsusuper fasting kami ni re-- nung kaibigan ko, dahil bawal kami kumain, magiisip kami ng mga masasarap na pagkain tapos mamaya feeling namin nabusog na kami.. try mo din vin.."




"hindi pa talaga ako gutom sky.."





"vin, gawin nalang natin.. isipin mo meron malaking pizza sa harap mo, hmmmmm.. yummmy merong ham, sausage, pepperoni, bell pepper at super di duper daming cheese na halos kakamelt lang dahil kalalabas pa lang sa oven, try mong isipin dali.."








pizza na super daming cheese, overload ang toppings tapos lalagyan ko ng hot sauce sa ibabaw, hmmmmmmm... tapos kakagat ako, Wow, dahil kalalabas lang sa oven halos mapaso-paso ako at ang sarap..






"ano vin? parang nabusog ka na din?"

















(_ _) mas  nagutom ako lalo eh.











dahan dahan kong hinimas ung tyan ko, dahil kumurok kurok na. nakita kong nakangiting nakatingin sa akin si sky.




"bakit?"






"wala lang... gusto lang kita tingnan."






"tsssss..."







"vin, kapag tapos ng photoshoot ko, kain tayo ng marami ah. ^_____^"








(pinitik ko ung noo nya)





"aray.. para saan un?"






"e di kung kumain ka na naman ng madami, madadagdagan na naman ung timbang mo, kaya ka nga pinagdiet kasi sobrang dami ng kinain mo dito eh, kakaain tayo ng tama lang.."





"okay.."






"anong oras ba ung photoshoot mo?"





"4:00, sakto tapos na ung klase natin ng 3, samahan mo ako vin ah."





"kahit ayaw ko, oo na sasama na ako.."





"Yehey.. \^_____^/ "




******


3 pm na!!!!!



"bye bye angel, charles, mike james"



"bye sky, bye vincent.."



"sige."




naiwan nalang kami sa harap ng school.



"o san ba yang photoshoot mo?"



"eto ung address na tinext ni ate man.." pinakita nya sa akin ung text.



"medyo malayo layo to, kelangan nating magbus.."




"  ayan na vin, may bus na pwede yang bus na yan diba?.. manong para.. para manong.. para po para manong" pumara sya ng pumara, pwede namang isang para lang diba?





pag sakay namin ng bus, narmurmur ung mga tao.



"vin sa dulo na lang tayo , wala pang nakaupo oh."



"sige, basta sa bintana ako."



"bakit ngay?"



"basta.."


lumakad na kami papunta sa likod.



"diba sya sa fia santos?"



"ung international model na pinay?"



"oo, sya nga yata."



"ang ganda nya, pati ung kutis nya."




"jan kaya sya nagaaral?"




"sino kaya ung kasama nya? boyfriend nya?"




nakaupo na kami sa likod. Kapag kasama mo tong babaeng to, lagi kang paguusapan.




"vin, gano katagal ung byahe?"



"mga 45 minutes."



"ang tagal naman pala.. a~~~~ray gutom na ako.." hinawakan nya ulit ung tiyan na.



"gusto mong uminom ng tubig?"



tumango sya, inabutan ko sya ng water at uminom sya.. "aaaaaahhhhh... ang sarap.. thanks vin.."




tumigil ung bus, at apat na lalaki ang sumakay. Nagngitian sila at mukhang masayang masaya, tinuturo turo nila kami sa likod..


"sya nga... sya nga un.. dun tayo umupo."




umupo silang apat sa likuran katabi namain..




"ah miss, kung hindi po ako nagkakamali, ikaw si Fia Santos?" kinausap sya ng lalaking katabi nya.



"oo ako nga.." nung sumagot si sky, mukhang narinig ng ibang pasahero kaya biglang nagflash na ung mga iba't ibang camera.


"fan nyo po kami, pwede bang makipagshake hands?"




"sure.." nakipagkamay si sky. Aba aba... tuwang tuwa na ung lalaki tapos nagpapaluan na sila nung tatlo pang lalaki.




"pwede bang magpa-autograph?"



"okay lang.. saan?"




mabilis na naglabas sila ng papel at ballpen.



"Miss Fia, apat sana na magkakahiwalay.."




"okay.." pumirma si sky ng apat, tsssss.. pati autograph nya parang pambata. "eto oh.."





"thank you, thank you.." ang saya saya nung apat.. tch tch tch.. kung kilala nyo lang talaga sya. haaaaayyyy ewan ko kung magiging fan nya pa kayo..




"ang ganda ganda nyo po.." hinawakan ni sky ung mukha nya at mukhang na-flattered pa, aba aba..



"thank you.."




"Miss Fia, may boyfriend na po ba kayo?" Aba, tong mga mokong na to ah..



"uhmmmmmm sa ngayon wala pa.."




"talaga po? pwede po bang makuha ang number nyo?"




"ay pasensya na---"







"sky, palit tayo.."







"vin?"




"bilis tayo ka.. ang bagal, tayo sabi.." tumayo ako at nagpalit kami ng upuan, nasa may bintana na sya  at ako na ngayon ung katabi nung lalaking tanong ng tanong..










"Brad, ako gusto mo ng number ko? Textmate tayo?"









"teka sino ka ba?"





"ako? sky sino ako?"






humarap si sky sa kanilang apat, at tinuro ako.





"sya ang soon-to-be- boyfriend ko.. ^______^"




"sya?"




"yup... sya at wala ng iba pa."





"uhmmmmm (clear throat) narinig nyo un?"






"tch..  halika na nga baba na tayo.."






bumaba na sila.




"bakit kailangan mo pang kausapin ung mga ganung tao?"




"e vin sabi nila fan nila ako eh.. dapat ko lang silang kausapin.."





"pano kapag hindi ka nila fan?"




"edi hindi ko sila kakausapin.."





dapat pala walang fan tong babaeng to ah.




"pero vin, comfortable ka ng tinatawag kitang future boyfriend ko?"




"a--anong comfortable? hindi ah.. tsaka wag ka ngang ngiti ng ngiti kung saan saan, ngingiti ka kapag masaya ka, hindi pilit.."




"e hindi naman pilit un,  sinabihan nila akong maganda ako kaya napangiti ako, ikaw nga vin hindi mo pa ako sinasabihan na maganda ako.. daya daya mo.."




"tsss... ako pa ang madaya?"



"oo.. nasan na ba tayo?"





"malayo pa.."





"sure ka?"





"kelan pa ako nagkamali?"




"hehehe.. sabi ko nga.."



after 45 minutes, nandito na kami.. change POV tayo bye.



*****


Sky's POV


nandito na kami.. (inat.... inat)  nakakapagod magbyahe.




grabeh gutom na gutom na ako!!!!!!!!!





pero konting tiis nalang sky, konting tiis nalang.




"vin pasok na tayo?"




tumango lang sya. pag pasok namin nagbow sa amin ung guard. tapos hinanap na namin ung studio 10. at pagpasok namin lahat ng tao nagmamadali, ganito naman talaga kapag may photoshoot.


"Hello po.." binati ko ung cameraman.



"ah hello Fia, nice meeting you... Everybody standby, nandito na si Fia Santos.." nagsetup na sila.



"nasan ang manager mo? magisa ka lang?"




"nasa cali po ung manager ko."




"ah.....eh sino tong kasama mong young man? boyfriend mo Fia?"




"ah hindi po sya po ang futu--"




"Ako po ang substitute manager nya. (nakipagkamay) Vincent Ray Lopez po Nice to meet you sir."





"oh okay. Nice to meet you Mr. Lopez"  nakakainis naman si Vin. Substitute manager??




may lumapit sa aming babae.


"Miss Fia dito po tayo. Siguro po na-brief na kayo ni Miss Gutierrez about sa photoshoot na to. Ang Ghermalyn ang isa sa pinaka sikat na clothing line sa Pilipinas. At gusto namin ipakita na hindi lang ito pwedeng masuot or sumikat sa pilipinas kundi pati sa ibang bansa. Kaya kayo po agad ang naisipan naming mag-model ng aming mga damit at napakasaya po namin ng pumayag kayo. This way Miss Fia. Eto po ang mga iba't ibang damit na isusuot nyo.."





Wow. Ang gaganda..





"dito po ang dressing room.."





"ah okay. Vin jan ka muna.. (bumulong ako kay vin) Vin ang gaganda ng damit dito noh? gawang pinoy to kaya dapat kong galingan. ^_____^"






"o sige na magbihis ka na ng matapos na agad to.."




"okay. ^___^"





"Mr. Lopez dito na lang muna po tayo. Gusto nyo po ba ng maiinom?"





"tubig na lang."





"okay po.."



***



Vincent's POV



nakaupo ako habang nagiintay kay sky. Sabi ko tubig lang ang gusto ko pero kung ano anong meryenda ang binigay nila sa akin. nakakatempt tuloy kainin. inom nalang ako ng tubig.





"Vin how do I look ^____^?" paglingon ko.. Wow..











sa sobrang gulat tumulo ung tubig na iniinom ko..




"Vin.. hala natatapon na.." lumapit sa akin si sky at kumuha ng tissue.




"okay lang ako.. napadami lang ung nainom kong tubig."




"talaga? ^______^"





"oo nga sabi.."




"Miss Fia. Standby na po."





"tawag na ako dun vin. Wish me luck" tumakbo na sya papunta dun. Grabeh ang laki talaga ng nagagawa ng make-up.



iba't ibang damit ang sinuot nya, mukhang enjoy sya sa ginagawa nya at ang saya nyang tingnan, iba't ibang pose , iba't ibang expressions. Ngayon ko lang talaga na-realize na model nga pala talaga sya. Hindi lang isang clumsy at masayahing college girl. sa mundo nya sya si Fia Santos.


"Mr. Manager gusto nyo po ba ng cake?" may lumapit sa aking babae. Mukhang staff sya dito.




"No thanks."



"ano pong gusto nyo? kukuhanan po namin kayo." isa pang babae ang lumapit.




"okay lang ako."





"hindi po we insist po.."




"another bottle of water"




"okay po. Miles kuha ka ng tubig"




"okay po.. Meron pa po ba kayong gusto?"





"wala na.."





"pwede po bang magpapicture sa inyo?"




HuH???






"No."







"eeeeehhhh.. sige na po.. bakit ayaw nyo pong magmodel bagay po kayo dun?"





"ayaw ko. Sorry."





"kyaaaaaahhhh... ang cool nya!!!!!!!!!"





ano ba yan? sky hindi ka pa din ba tapos?


*****


Sky's POV

 
"okay we're done.." cameraman




"thank you po.. uhmmmm nasan na kaya si vin?"





"ung manager mo ba? ayun oh. Aba mukhang pinagkakaguluhan sya nga mga babeng staff dito ah. Hindi ko naman kasi matatanggi na may looks yang manager mo.."




(kunot noo)




Vinvin. Bakit mo ako pinagtataksilan?







ngayong natapos na ung photoshoot biglang naramdaman ko lahat ng gutom ko. Nanghihina na ung tuhod ko. At parang magcocollapse na ako. parang nagdidilim na ung pani---








black out.










Vin's POV




Ano ba yan?





tumigil na nga kayo pwede.





ang kukulit ng mga ate na to ah.




"Miss Fia Miss Fia.." nagulat ako ng nagkagulo sa harap at nakita kong nahimatay na si sky. Ayan na nga ba ang sinasabi ko.





"Sky.. Sky... excuse me excuse me. Sky sky.." (tinapik tapik ko na ung mukha nya)






"pi--"







"ano un?"







"zza.."







haaaaay. Grabeh talaga to. aatakihin ako lagi sa puso dahil sayo eh.




"tatawag na po ba kami ng ambulance?"




"hindi na. ako na po ang bahala sa kanya." pinasan ko si sky.




"sigurado po kayo?"





"dahil sa sobrang gutom kaya sya nagcollapse."




"sobrang gutom?"




"Pwede na po ba kami umalis? meron pa ba kaming kailangan pirmahan or something?"






"tapos naman na po sya pwede na po.."




"thank you po." tumayo na ako at lumabas sa building iintayin ko muna sya gumising bago kami kumain. Saan kaya merong masarap na pizza dito?






Sky's POV



ang sakit ng ulo ko... anong nangyari? ahhh. nahimatay pala ako kanina. Pero teka nasan ako? tama ba ang nakikita ko? Waaaahhh... PIZZZZZAAAA NGA!!!!



"gising ka na?" nakita kong nasa harap ko si vin nakaupo at nakangiti.



"bakit tayo nandito?"





"nung nahimatay ka isang salita lang ang sinabi mo 'PIZZA' kaya eto na.. kain ka na."




tiningnan ko ung yummy pizza.. wow ang sarap. pero hindi ko kinain.





"ayaw kong kumain.."





"bakit? kanina ka pa gutom ah.."






"ayaw ko kasi pinagtataksilan mo ako vin."




"huh?"




"kanina dun sa studio ang dami daming mga ate ang nakapalibot sayo.. mukhang gustong gusto mo naman.."





"ah kanina? oo nga ang dami nga nila.."




"tingnan mo! totoo nga!!!!" cross arm.



ngumiti sya.. Aba ngumiti pa sya??????






"kain ka na.."



"ayaw hindi ako gutom.. (biglang tumunog ung tyan ko.) Oh great..





"hahahahhah.. gutom ka eh lokohin mo pa ako.. kumain ka na. Wag kang magalala sa pamilya namin lahi namin ang mga Loyal."



tumingin ako sa kanya.




"talaga?"




"oo.. Loyal na kaibigan. na kapitbahay na kaklase.. Loyal na manager."



"eeehhhhhh... si vinvin naman eh.. hindi ganun.."




"ah basta..hahahahah... bahala ka uubusin ko to lahat kapag hindi ka pa rin kumain." nagstart na syang kumuha ng pizza.




"teka teka wag mong ubusin.." kumuha na rin ako at kumagat na.. Yummmmmmmmmmyyyyy.. This is the LIFE!!!!




"isang slice lang ang pwede sayo ah.."





"bakit ngay? apat."




"tatlo.."



"apat.."




"dalawa.."


"o sige na tatlo na para I LOVE YOU. hehehehe"




"tssssss.."




pagkatapos naming kumain umuwi na din kami agad. Medyo matagal ung byahe kaya nakatulog ako, lubak lubak ung kalsada kaya mejo galaw ng galaw ung ulo ko, etong kinukwento ko sa inyo mejo gising pa ako kumbaga half awake. Tanghod pa din ako ng tanghod hanggang sa tumama ung ulo ko sa bintana pero dahil sa pagod pinabayaan ko nalang ng bigla kong naramdaman ung kamay ni vin sa mukha ko at dahan dahan nya tong hinilig papunta sa balikat nya.



"nagpapakahirap ka pang matulog ng ganyan pwede ka namang magsabi. "





napangiti ako. at dahan dahan naramdaman kong nakakatulog na ako.



















"Sa totoo lang  uhmmmm(clear throat) ang ganda mo kanina sky."

















un ang narinig kong huling sinabi ni vin. Hindi ko alam kung totoo un o panaginip ko lang gusto ko sanang gumising pero hindi ko na talaga kaya at unti unti nawalan na ako ng malay at nakatulog na.



*********













"Sa totoo lang  uhmmmm(clear throat) ang ganda mo kanina sky."







"Vin.." napaupo ako mula sa pagkakahiga ko. Nasa bahay na ako at umaga na. Panaginip lang ba un? Bakit parang totoo? Tumayo ako sa kama ko at pumunta sa table sa kusina. Meron dung pagkaing nakatakip. Binuksan ko. Wow Kanin.. Namiss ko ng kumain ng kanin. Merong Kanin, itlog, hotdog at bacon.


may note na nakalagay.


"sa susunod na matutulog ka sa bus siguraduhin mong gigising ka din. Ang bigat mo kaya."



^______^ naghilamos ako at nagmumog bago kumain. Uhmmmmm yummmmy ang sarap.




"Sa totoo lang  uhmmmm(clear throat) ang ganda mo kanina sky." naalala ko na naman un. panaginip ko lang ba un? ah siguro kasi hindi naman ako sasabihan ng ganun ni vin eh.


pagkatapos kong kumain naligo na ako at nagready ng pumasok. Tumunog na ung doorbell ko. Ayan na ang sundo ko.



"Wait lang patapos na ako.."


tumakbo ako papalabas.


"Good morning Vin ^____^"




"morning.."





"ang sarap ng breakfast."




"anong breakfast?"




"ung breakfast ko aiissssh deny deny ka pa alam kong ikaw un.."





"uhmmm (clear throat) ano kinain mo bang lahat?"




"simot na simot walang natira.."




"lika na?"




"okay.."










"ATE SSSSSKKKKKKKYYYYYYYY.... T__________T" sino un?











"Oh Rayiah bakit nandito ka? sinong kasama mo?" vin






nandito si Rayiah at umiiyak..





"bakti rayiah?" ako.




"ate sky.. diba i---ikaw si Fia.."




"oo bakit?.."




"Hoy rayiah bakit nandito ka? nasan si mama? ikaw lang pumunta dito magisa?"





"tinatawanan ako ng mga kaklase ko ng sinabi kong kilala kita. Sabi nila nangangarap lang daw ako. Sabi ko sa kanila girlfriend ng kuya ko si Fia Santos tinawanan na naman nila ako.. waaaaaaaaaahhhh T________T"




"anong girlfriend kasi ang pinagsasabi mo?"





"wag ka na iyak rayiah.. pano ba natin mapapatunayan na kilala mo ako?"






biglang nawala ung luha nya. "picture ate.. eto oh nakaready na.."




"hahahaha.. o sige sige.. vin picturan mo kami.. dali na.." inabot ko kay vin ung camera.




"Ray may bayad to ah.."




"oo kuya akong bahala sayo.."




"okay 1...2...3.. smile"



nagpicture kami ng nagpicture ni rayiah  sobrang dami na wala ng masasabi ung mga kaklase nya.




"ate sky napatunayan ko ng kilala kita. ngayon kailangan kong patunayan na girlfriend ka ng kuya ko."



"ano ba kasing sinasabi mo jan? tuloy napapahamak ka pa.."



"vin magpicture ka na kasama kami.. dali na.."



"ayaw ko nga.."




"kuya hindi ka ba naaawa sa only sister mo T______T"




"hindi.."




"eeeeeeehhhh si kuya naman eh.. sige na sige na isa lang..." hinila hila namin si vin.




"ayaw ko sabi."




"one two three-- o vin si ano un diba?"





"sino?"





"click..."




"yehey... nakatingin ka kuya.. thank you thank you ate sky... love you so much ate.."




"uuwi ka na agad?"




"yup ate.. bye ate sky bye kuya.. ah kuya sabi ni mama uwi ka daw sa bahay minsan.. bye bye.."





"ingat rayiah..." umalis na si rayiah..






"lika na vin.."




"sky may gusto pa yatang makipagusap sayo oh.."lumingon ako. at nakita ko si Cheska naalala nyo pa sya? ung bago kong friend.





lumpit sya sa amin.




"kahapon maaga kang umuwi kaya hindi ko nabigay sayo. (may inabot syang notebook) pinabibigay ni Ma'am fill upan mo daw tapos ibalik sa kanya."




"ah.. thank you pero bakit hindi nalang sa school mo binigay. bakit pumunta ka pa dito?"




"Sky..busy akong tao. Ayaw kong hanapin ka sa school mamaya kaya pumunta na ako atsaka gusto ko ring makita si Vincent.. Hi Vincent"




Hala!!!!



pumunta ako sa harap ni vin at hinarangan sya with my arms open wide.



"A threat has been detected... Layuan mo si Vinvin ko.."




"tch.. tch.. malakas akong virus sky. Be careful..hahahahahahh"



"late na tayo halika na." vin




"cheska sabay ka na sa amin, papunta na kaming school.."




"okay Let's go.."




lumakad na kaming tatlo papuntang school actually masaya din palang kasama tong si cheska kinulit kulit ko syang kwentuhan ako at nalaman kong only child din pala syang katulad ko. Maliban sa pagpapaganda (un ang sabi nya) love nya rin ang taekwondo. Bigla akong lumayo sa kanya.




"why?"




"mamaya bigla bigla mo akong sipain.."



"no I'm not.. Oh we're here.. wait what's going on there? there's a lot of peole. Sky Let's take a look" pumunta na si cheska dun.



"vin tingnan din natin.."



"wag na sky.. pabayaan mo na kung ano man un.."



"halika na." hinawakan ko ung wrist ni vin at hinila sya.




"late na tayo oh.."



"hindi pa yan.." pumunta na kami.. pero hindi ko makita ang daming tao.. talon talon ako pero wala pa rin. Nagsisigawan naman sila. Bakit kaya? may nahimatay kaya? sumiksik ako ng sumiksik (take note: kasama ko si vin heheheheh) hanggang makarating ako malapit sa pwesto ni Cheska. Pero bakit ganun nakatulala lang sya.



"cheska okay ka lang? cheska?" hindi pa rin sya gumagalaw.. sino ba un? tingkayad... tingkayad pa ng konti sky para makita mo..




"ang daming tao sky.. lika na" hawak hawak ko pa rin si vin.




"wait lang vin.."





nung nagkachance akong makita ko kung sino ung pinagkakaguluhan... nanlaki ung mga mata ko 0_________0 blink blink tama ba ung nakita ko?







mukhang nakita nya rin ako kaya ngumiti sya.












"Sky.."






tumigil ung sigawan ng mga schoolmates ko at tumingin sa likod para hanapin ako at unti unti parang dagat na hinati ni moses nagdivide ung daanan at nagkaroon ako ng daanan papunta sa kanya.






"Sky. Long time no see. Namiss mo ako?"


















Waaaaaaaaaaaahhhhhhhhh...... ^____________^





































"REN!!!!!!!!!!!!"





















******





Vincent's POV




"REN!!!!!!!!!!!!"












tumakbo si sky papapunta sa kanya at niyakap to.






















naiwan akong nakatayo dito.


















tiningnan ko ung kamay ko.






































binulsa ko nalang. Nakatingin ako sa kanilang dalawa. Ang saya saya ni sky. Napatingin sa akin ung lalaki at nagbow sya ng konti. kaya ganun din ang ginawa ko. Tiningnan ko sya,  tumalikod tsaka naglakad palayo.
























sa unang pagkakataon.....


























si sky ang unang bumitiw sa kamay ko.

*****















end chapter..


T_________T




Oh no!!! A rival has been detected.. Salamat sa mga patuloy na nagbabasa ng This Weird Girl is a What? ^___________^ 7600+ reads na.. yehey malapit ng mag 8000.


salamat sa mga nagreread vote at nagcocomment.. Please help me to SPREAD this story to your friends, barkadas, families and pets..hahaha joke..



thank you.



-Luruuco4869

This WEIRD GIRL is a WHAT????? (on going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon