Chapter 74 - Airport

57 4 0
                                    

Vincent's POV

"But some promises are made to be broken.."

Yan ang huling phrase na nabasa ko sa librong nabili ko. Is it really true na ang mga pangako ay ginawa para hindi tuparin. It's been 6 months simula ng umalis si Sky for her operation, and finally ngayon na ang araw na babalik sya. Yan ang huli nyang message sa akin bago nawala ang contact naming lahat sa kanya.

"Vincent pare, alis na tayo?" james.

"Oo daanan na lang daw natin sila Charles, Mike at Angel sa Mini-stop. Lika na."

Papunta na ang buong barkada sa airport at susunduin na namin si Sky. Ilang beses akong nagmessage sa kanya pero hindi na ulit sya sumagot sa akin simula ng sinabi nya ang date kung kailan sya uuwi.

"Vincent pare relax ka lang siguradong nakakakita na ulit si Sky.."

"Oo naman at kahit hindi man ulit sya makakita ayos lang sa akin.."

"WOAAAAAHH... Your the MAN pre!!" sabay sabay na akbay nila sa akin.

"Tssss.. mga loko loko.."

Sa anim na buwan na nawala si Sky itong mga kaibigan ko ang sumama sa akin. Lagi silang nasa bahay, nagsleep over, dito gumagawa ng projects, tumatambay at laging ginugulo ang bahay ko. Wala man sa mga itsura nila pero alam kong ginagawa nila un para hindi ako malungkot at mastress dahil wala si Sky... tssss ang gay man sabihin pero hindi lang mga babae ang nagdadamayan sa mga ganitong panahon.

"Pre naiwan ko ung paborito kong boxer sa bahay mo ung minions."

"Yuck charles.. Minions?" Angel.

"Bakit ba? Maraming ganun sa Divi na-attract ako, ang comfy kaya isuot.. Daan ako mamaya sa inyo pre.."

"Ah wala na un, Ginawa ko ng basaban ."

"WeH? haha.. baka nga suot suot mo na pre.. patingin, patingin.. Hahahahaah.."

"Oy.. Oy. tumigil ka nga Charles... Pero teka.. ai-airport n- na ba un?"

"WAAAAAAAAHHH... OO AIRPORT NA!!!... LAGPAS NA TAYO, MANONG PARA PO!!!!"

****

Nagaabang na kami ngayon dito sa airport 11:30 am na at lumapag na ang airplane na California-Manila flight. Sobrang dami ng fans at reporters ang nandito dahil siguro pinaalam din ng management ni SKy na uuwi na sya ngayon ng Pilipinas, punong puno ung airport pero dahil may VVIP pass kami sa pagiging HOPE nandito kami sa pinakaharap.

"Please.. sana po nakakakita na si Sky.. Lord please po.. Lord..." Angel.

Nagsigawan ang lahat ng lumabas na ung mga ibang pasahero na sakay sakay ng California-Manila flight..

"Hala Kinakabahan na talaga ako.. Please po.. Please po.. Fia.. Fia.. Fia.. FIa.." sumigaw na si Angel kasabay ng mga fans na nagwewelcome kay Sky. At mas lalong nagsigawan ng ang makitang lumalabas ay mga lalaking nakaitim na bodyguard ni Fia Santos.

"FIA FIA FIA FIA FIA FIA FIA.."

At Nakita ko na si Ate Man.

Akay akay ang nakasalamin at nakatungkod na si Fia Santos.

*****

Biglang tumahimik ang buong airport. Napabitaw ako sa railings na pinaghahawakan ko.

"No.. Sky..." napatakip ng bibig si Angel at pinipigilan ang kanyang paghikbi.

teuk.............teuk.............teuk............teuk................ naririnig ang tungkod ni sky habang sya ay naglalakad dahan dahan akay akay ni Ate Man. Marami sa knayng mga fans ang ngayon ay umiiyak na, dahil sa pagpunta nila dito sa airport baon baon nila ang dasal na sana makakita na muli ang kanilang idolong si Fia Santos.

This WEIRD GIRL is a WHAT????? (on going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon