chapter 64 - 'Take care of her for me'

467 8 3
                                    

Sky's POV


parang nasa loob ako ng isang kwartong madilim. Kahit anong gawin ko, hindi ako makalabas, kahit anong katok ko hindi bumubukas ang pinto at unti unti sumisikip ito, bumababa ang kisame at kinukuhanan ako ng hangin..

"SKY!! SKY!!!"


"vin.." bumula ung bibig ko ng binanggit ko ang pangalan nya. Tinakpan ko ito ng dalawa kong kamay para wag lumabas ung natitira kong hangin.

"SKY! NASAN KA? SKY!" habang naririnig ko sya, pilit kong kinakampay ung mga kamay ko para makita nya ako, pero hindi makisama ung mga paa ko at hinihila ako nito pababa, nagpapanic na ako. Sigurado nagaalala na sakin si vin.. kailangan makita nya ako, pero Hindi ko na kayang pigilan ung paghinga ko. Bumukas na ung bibig ko at, unti unti pumasok ang tubig sa akin at tuluyan na akong nawalan  ng malay.

Vincent's Pov

pagtalon ko sa pool, lumangoy agad ako papunta sa kanya. Wala na syang malay at lumulubog na. Kaya mabilis na pinuntahan ko sya. Hawak hawak nya ang isang goggles. Pagkahawak ko sa kanya, tinatapik tapik ko ung pisngi nya pero hindi na sya nagigising kaya mabilis na hinila ko sya paakyat.


"SKY.." mama.

"Vincent kamusta si sky?" lola.


"ipunta mo na sya dito anak." papa.

"ate sky T___T"
 kinarga ko sya, umahon na sa pool at nilapag sa sahig.

"SKY, NARIRINIG MO BA AKO?"


"kuya bakit hindi pa gumigising si ate sky?" oo nga, tinapik tapik ko na sya.


"SKY, OY SKY!" pero hindi pa rin sya gumagalaw. Kaya tinapat ko ung tenga ko malapit sa bibig at ilong nya.

Hindi sya humihinga.

Dali dali lumuhod ako at nagperform ng CPR.


"one.two.three.four.five.six.seven.eight.nine.ten.."

tinapat ko ulit ung tenga ko sa may ilong nya. Wala pa rin.

"eleven.twelve.thirteen.fourteen.fifteen.sixteen."

"ate sky.. T__T"


"sky please.. Gumising ka na.. Please.." tumutulo ung tubig galing sa buhok ko.

"seventeen,eighteen,nineteen.twenty."

 wala pa rin syang respond.

Anong gagawin ko? Anong gagawin ko?
Vincent magisip ka. Napasuntok na lang ako sa sahig. Halos wala akong maisip, blangko ang utak ko. Nanginginig ung kamay ko hindi dahil sa lamig, kundi dahil sa takot . Sa ganitong panahon ako ang laging nagliligtas kay sky. Bakit wala akong magawa ngayon?


"KUYA HANGIN!!" napatingin kami lahat kay gino.

"ung sa movies.. Ung mouth to mouth.."


oo nga..
 


"kung di ka marunong kuya ako ang gagawa, okay lang--" bago pa nya matapos ang sinasabi nya mabilis na itinaas ko ung leeg ni sky, tinakpan ang ilong, dinikit ang labi ko sa kanya at binigyan sya ng hangin gamit ang bibig ko.

Please bumalik ka..


Please..

Bumalik ka.

Nakasampung blow na ako, pero wala pa rin..


"sky.." umiiyak na si mama.


"vincent.. Kaya mo pa ba? Baka Mauubusan ka na ng hangin.. mahihirapan kang huminga" tito ric. "baka di mo kayanin. Vincent"

This WEIRD GIRL is a WHAT????? (on going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon