chapter 61 - One Last Cry

510 6 2
  • Dedicated kay Kuya A.R. Lopez
                                    

Kapag may dalawang taong masaya sa isang relationship, hindi mawawala na merong isa o dalawang tao din ang masasaktan, umaasa at nahihirapan na makita na masaya ung mga taong mahal nila sa piling ng ibang tao. At un ang masakit na reality, so etong chapter na to ay para kay Ren Yap at sa mga taong katulad ni Ren.

"The worst kind of pain is when you are smiling just to stop your tears falling.."

- a sad love quote

Renaldo Yap's Pov.

Nakaupo ako sa duyan dito sa may playground sa park. Dito un, ung lugar kung saan ako nagtapat ng nararamdaman ko kay sky. Wala ng mga bata ditong naglalaro, malapit na din kasing lumubog ang araw. Mula sa malayo nakita ko ung billboard ni sky sa dream shades.

"Ren ^____^"

naaalala ko ung mga ngiti nya kapag masaya nyang tinatawag ung pangalan ko.

" ako pala si Sophia Kristina Ysa Santos" un ung una naming pagkikita, nung inapproach nya ako sa cali. Ung sa moment na un palang, nakaramdam na ako ng kakaiba, kinausap nya ako, at binigyan nya ako ng pakiramdam na, okay din pala ako kausapin kahit nerd at binubully ako, kaya doon siguro nagstart ang feelings ko sa kanya. Nangiti ako nung naalala ko kung paano nya ako binigyan ng bagong pangalan. REN. Ang layo sa totoo kong pangalan na Renaldo.

Dahan dahan pinagalaw ko ung duyan. Matagal na din akong hindi nakakasakay ng duyan, nawalan ako ng oras simula nung naging model na ako. Tiningnan ko ung lugar kung saan ako nagconfess kay sky, first time kong ginawa un sa buong buhay ko, sobrang kaba ko nun, halos mas malakas kong naririnig ung tibok ng puso kesa sa mga sinasabi ko. Kaya nung nasabi ko na kay sky sa totoo lang parang may natanggal na malaking nakabara sa dibdib ko.

Ganun pala ung pakiramdam kapag nagconfess ka, masaya ka dahil finally nasabi mo na ung nararamdaman mo, kinakabahan at natatakot ka dahil baka mareject ka, at the same time, macucurious ka kung ano din ang nararamdaman nya para sayo. Ginawa ko lahat ng makakaya ko para magustuhan din ako ni sky, nagpakamanhid ako kahit alam kong si Vincent ang talagang gusto nya.

Pero tama nga siguro talaga sila, kahit anong gawin natin, hinding hindi matuturuan ang puso, kahit anong gawin mung suhol, pilit o pagmamakaawa, ang puso ay hinding hindi kaya madiktahan. Ang magagawa mo na lang ay tanggapin ito, at maging masaya para sa taong mahal mo.

At un ang ginawa ko.

FLASHBACK.

"YESSSS!!!"

masayang sigaw at sagot ni sky sa mga reporters. Yan un, yan ung mga katagang matagal ko ng pangarap na sabihin nya sa akin. Nung papaalis na sila, hawakhawak pa din ni vincent ung kamay ni sky. Pero nagulat ako nung tumingin sya papalikod sa akin.

Gusto kong ipakita sa kanya na okay lang ako , kaya kahit mahirap, masakit at mabigat man sa loob ko pinilit kong ngumiti para sa kanya at sinabi ang mga salitang.

"Go, Be happy."

ngumiti sya at tumango. Sabay ng pagtalikod nya ay kasabay ng pagkawala ng ngiti sa mga labi ko. Tumalikod na din ako at lumakad papalayo, sinuot ko ung sumbrero ko at umaasang walang makakakilala sa akin, wala ako sa mood na ngumiti sa mga taong makakasalubong ko. At siguro nangaasar lang talaga ang pagkakataon, dahil dito ako sa park pinadpad ng mga paa ko--- kung saan may masakit na alaala akong natatandaan.

ENDFLASHBACK

tumingin ako sa ulap. Malapit ng gumabi, medyo lumalamig na din.

REN, lilipas din yan. sinabi ko nalang sa sarili ko. Makakalimutan mo din si sky, magugulat ka na lang isang araw, hindi mo na sya gusto. Ngumiti ako. Magiging okay din ang lahat ren.

This WEIRD GIRL is a WHAT????? (on going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon