Chapter 1

1K 40 7
                                    

IMELDA

Gabi na ako nakarating dito sa Baguio at maagang nagising dahil sa ingay mula sa labas ng kwarto. Animo'y mga nakikipagtalik sa kasisigaw.

Kunot noo akong nag ayos ng higaan, nahihiwagaan kung bakit ang ingay nila gayong maaga pa naman. Sino ba namang magiging maganda ang gising sa ginagawa nila? Naiiling akong lumabas ng kwarto saka dumako muna ako sa kusina para tumingin kung anong agahan.

Maging dito ay rinig ko pa rin ang irit nina Ellinor. Anak ng... Sinubukan kong magpatay malisya at naglinis na lang ng kusina pansamantala pero talagang sinusubukan nila ako.

Inis kong inilapag ang basahan na hawak saka tumungo sa sala. Handa na akong bumulyaw at magreklamo sa kanila nang masilayan ko si Congressman Marcos na nakaupo kasama nila habang may hawak na bulaklak at nakikitawa sa kanila.

"Nako mamaya pa gigising si Imelda, Congressman" rinig kong sabi ni Ellinor.

Hahakbang sana ako papalayo roon dahil kung may makakakita sa akin siguradong tutuksuhin ako ng lahat hanggang sa pagtulog ko. Mas makakabuti sa akin kung magtatago ako hanggang sa makaalis si Congressman. Agad akong kinikilabutan sa tuwing naiisip ko ang iniaalok niyang kasal sa akin noong una kaming nagkita sa kongreso.

Ngunit...

Hindi pa ako nakakahakbang papalayo nang magtama ang tingin naming dalawa.

"Magandang umaga sweetheart" nakangiti niyang sambit habang papalapit sa akin.

Sweetheart? Anong kalokohan ang pinagsasabi ng isang 'to?

Sinilip ko ang mga pinsan ko sa likod niya at nakapaskil sa mga labi nila ang masasaya at mapanuksong ngiti. Pinagkakatuwaan pa ata ako ng mga lokong ito.

Muling bumalik ang tingin ko kay Congressman. Nakapaskil pa rin ang ngiti niya. Kung wala lang hiya sa katawan ko ay humarurot na ako paalis—palayo mula rito.

"Ehem magandang umaga daw Meldy" hindi na napigilan ni Maria ang panunukso.

Pinandilatan ko siya agad. Nang maalalang nasa harap ko si Congressman ay muli akong ngumiti saka bahagyang yumuko dito.

"Magandang umaga din po Congressman, ano pong ipinunta mo dito?" kinakabahang sabi ko kay Congressman.

"Binilhan kita ng bulaklak" iniabot niya sa akin iyon, hindi sinasagot ang tanong ko kung bakit siya pumunta rito.

Tinanggap ko naman ang dalawang magkabisig na bulaklak ng rosas. Ang isa'y nakabuka ang isa naman ay hindi.

"Salamat po" iyon lang ang tangi kong nasabi, nag aalangan pa ako kung paaalisin ko na ba siya o close na ba kami para ayain ko siyang dito na mag agahan.

Para silang nawalan ng buhay dahil iyon lang ang sinabi ko. Nakita ko rin ang pagkawala ng ngiti ni Ferdinand. Tuloy ay para kaming sinaksak ng katahimikan. Nang samaan ako ng tingin ni Ellinor ay nahihiya akong ngumiti kay Marcos.

"Ano, kumain ka na ba congressman?" hindi ako makatingin sa mata niya dahil sa hiya. Hindi naman kami gaanong magkakilala para ayain ko siya.

Sa loob loob ko ay naiiling na lang ako sa mga ginagawa ko. Nakakahiya naman kay Congressman.

Nang silipin ang mga nasa likod ni Congressman ay sabay sabay silang nag thumbs up at may malalawak na ngiti sa labi.

"Hindi pa" muling sabi ni Congressman ng may ngiti.

"Ahh marami pong restaurant dyan sa plaza, balita ko po eh masasarap-"

"Congressman tara na sa hapag, nakahanda na roon ang mga pagkain sabayan mo na po kami" putol ni Ellinor sa sinasabi ko.

Betrayed Hearts [UNDER REVISION]Where stories live. Discover now