Chapter 6

751 46 86
                                    

"Ferdinand! Isa! Tumigil ka! Baka magising sila" tumatawa kong saway sa kanya dahil kanina niya pa ako kinikiliti.

Tumigil naman agad siya saka ako niyakap ng mahigpit at hinalik halikan pa ang leeg ko.

"Punyeta Marcos! Diyos ko po ang aga aga pinapasakit niyo mata ko" suway ni Congressman Reyes na kakabangon lang.

Agad naman akong tinubuan ng hiya dahil sa posisyon namin ni Ferdinand, hindi man lang kumibo si Ferdinand sa halip ay dumikdik pa sa akin.

Napakamot na lang sa ulo si Congressman Reyes saka nagpaalam na lalabas muna para kumuha ng kape.

Pagkatapos ng event kagabi ay sa isang hotel kami dumiretso dahil wala ng susundo sa amin, lasing na rin si Sorin at ang iba pa kaya talagang hindi na kami umuwi. Sakto namang fully book ang lahat ng malapit na mga hotel kaya hindi kami makakuha ng maraming kwarto, ang ginawa na lang namin ay pinagkasya namin ang dalawang kwarto para sa aming labing dalawa.

Mabuti rin na may bukas pang bilihan ng damit na naroon kaya nakabili kami ng pangtulog at gagamitin kinabukasan.

"Sweetheart gutom ka na ba?" tanong niya sa akin makalipas ang mahabang katahimikan.

"Medyo"

Napatigil siya sa pagyapos sa akin saka bumangon. Kahit inaantok pa siya'y ginising na niya si Congressman Gonzales na nasa sofa natutulog. Ungot lang ang naging sagot sa kanya kaya natawa na lang ako at bumangon na lang din para gisingin ang mahimbing na natutulog na Maria at Ellinor.

"5 minutes Meldy" inaantok na tugon ni Ellinor habang si Maria naman ay pinilit ang sariling bumangon.

"Wala tayo sa bahay bobita ka gumising ka na dyan" pinalo pa ni Maria si Ellinor.

"Tangina Gonzales!"

Napadako ang tingin ko kay Ferdinand ng marinig ang malakas na mura niya.

Napahawak ako sa bibig ko ng makitang nasukahan siya ni Congressman. Pinigilan ko ang sarili kong tumawa dahil mukhang galit na galit si Ferdinand sa ginawa ng kaibigan.

"Magpaparoom service ba tayo ng agahan o sasabay tayo kina Romualdez sa baba?...Ay shit Marcos ano nangyari dyan?" napahawak naman sa noo niya si Congressman Reyes saka lumapit kay Ferdinand.

"Sa sunod wag kayong iinom ng kasama niyo ako kinabukasan, umiinit ulo ko sayo Jacobo Guevarra Gonzales!" inis na usal ni Ferdinand, hinagod pa patalikod ang magulo niyang buhok.

Nagpeace sign naman agad si Congressman Guevarra saka sumandal sa sofa marahil ay masakit pa ang ulo mula sa hangover at hindi mabigyang pansin ang galit ni Ferdinand.

"Maglinis ka na ng sarili mo don sa comfort room Marcos I still have extra polo shirt in my bag you can borrow it for the meantime ako na bahala magpunas dito naghihintay na sina Romualdez sa baba, Meldy can you help Marcos para mapabilis tayo?" pagmamando ni Congressman Reyes, he's cool.

"I can handle myself just fine" usal ni Ferdinand saka naglakad patungong comfort room.

Nagkatinginan pa kami ni Congressman Reyes. Nasapo ko na lang ang noo ka bago sundan si Ferdinand, ano't tinotopak ang isang ito.

"Let me help you" alok ko saka kinuha ang towel sa kamay niya, hindi na siya umangal pa na siyang ipinagpapasalamat ko.

"Bakit kumislap yang mga mata mo habang tinitingnan si Reyes?" biglang tanong niya.

"I think he's cool Ferdinand, he manage the situation very well-"

"While I'm not?" putol niya sa akin kaya't napatigil ako sa pagpupunas sa katawan niya.

Betrayed Hearts [UNDER REVISION]Where stories live. Discover now