Chapter 3

743 44 67
                                    

Hindi ako mapakali simula ng lumisan siya kagabi. Ni hindi nga ata ako nakatulog.

I am confused.

Una sa lahat hindi siya ang ideal man ko para tumibok ng ganito ang puso ko sa tuwing naiisip ko siya. Pangalawa bakit gustong gusto ko na siya makita ngayong umaga? Pangatlo bakit naiinis ako dahil hindi pa siya nagpapakita simula ng umalis siya kagabi?

Tapos na ang misa't lahat lahat ay hindi pa rin nagpaparamdam si Congressman. Nasilayan ko siya sa tapat ng simbahan kanina pero ng malinga ako ay wala na siya roon.

"Para kang pinagsakluban ng langit at lupa Meldy" pansin sakin ni Ellinor.

"Hindi pa kasi niya nakikita ang nag aalok sa kanya ng kasal" pang aasar ni Maria.

"Wala na sinagot na yon ng ibang babae Meldy tagal mo kasi sagutin-"

"Wag mong igaya ang manliligaw ko sa nanligaw sayo Ellinor" putol ko sa kanya.

Humagikhik sa gilid niya si Maria. Hinampas naman agad ni Ellinor ang braso, "Pangit tabas ng dila mo ngayon Meldy"

Tinawanan ko lang siya bago pumasok sa restaurant na pagkakainan namin ng tanghalian. Pangdalawahan lang ang mga lamesa rito kaya mapalad akong mag isa lang dahil wala akong makakasabay kumain.

Hinihintay pa namin sina Auntie dahil may dinaanan pa silang ukayan. Hindi na ako nagreklamo sa katagalan nila dahil kami naman ang nagpresintang maunang pumunta dito.

Nakahalumbaba lang ako ng may umupo sa harap ko. Papaalisin ko sana iyon pero agad na itinikom ang bibig ng bumungad sa paningin ko ang nakangiting si Congressman.

"Hi sweetheart" malambing niyang aniya bago humalik sa noo ko.

Nag-iwas ako ng tingin sa kanya. Pagkatapos niyang hindi magpakita kaninang umaga susulpot na lang siya bigla, aba, hindi pwede yon.

"Hala sweetheart, galit ka po sakin?"

Hindi ko pa rin siya pinansin at umaktong may tinitingnan sa labas. Mula sa peripheral vision ko ay nakita kong inilapag niya ang bulaklak sa mesa bago inilipat ang upuan sa tapat ko.

"Kaninang umaga pa kita nakikitang wala sa mood, araw mo ba ngayon?"

Kinunotan ko siya ng noo. Anong kaninang umaga e hindi nga siya nagpakita.

"Nireregla ka ba sweetheart?" mahinang sabi niya pero sapat na para marinig ko.

"Bakit hindi ka sumama sa misa kanina?"

"Nasa simbahan ako kanina sweetheart, gusto mo bang irecite ko sayo yung padasal? Pwede naman para maniwala ka" hinawakan niya pa ang kamay ko, para-paraan din to ah.

"Bakit hindi mo 'ko nilapitan? Siguro may ibang babae kang kasama kanina ano?" pinaningkitan ko siya ng mata at tanging halakhak lang ang isinagot.

"You sound like a mad girlfriend sweetheart" he said, still laughing.

"Kasama ko si Gonzales at si Daniel sa dulo ng simbahan kanina sweetheart, alam mo bang ayaw nila akong palapitin sayo. Ngayon eh tumakas lang ako, tinotorture nila ako sweetheart" pag amin at pagsusumbong niya.

"Talaga ba?"

"Opo, will you marry me?"

Napangiti na lang ako sa biglaan niyang tanong. Hindi ako sumagot doon pero pinaayos ko siya ng pwesto. Napapahawak pa ako sa tyan habang nagkukwento siya tungkol sa pagpigil sa kanya nina Daniel.

"Pag ako naging Presidente pwede ka bang maging first lady ko?" bigla niyang banat. Tinawanan ko lang siya bago umiling.

"Hindi pa tayo ikinakasal Congressman yan na agad ang iniisip mo pano-"

Betrayed Hearts [UNDER REVISION]Where stories live. Discover now