Chapter 10

320 23 2
                                    

May 1, 1954

Hindi sa lahat ng pagkakataon kailangan mong hanapin ang pag ibig. Dumadating ito ng walang pasintabi, walang ingay at walang patawad. Kusa itong lumalapit kahit na hindi handa ang puso mo para tanggapin iyon.

May nauuwi sa aral, may nauuwi sa iyakan, at syempre ang sikat na katagang 'sa hinaba haba ng prosisyon sa simbahan pa rin ang tuloy'.

Hindi biro ang magmahal. Lalo na't kalakip nito ang sakit na kahit sa nilayo layo ng nilakbay mong kalye ng problema ay walang papantay sa sakit na kalakip ng pagmamahal.

Tibay ng loob at tiwala ang ugat ng isang matibay at matagalang relasyon. Handa na nga ba akong suungin ang mundo kasama ang taong ito?

Kailan nga ba nagiging handa ang tao para magdesisyon ng isang panghabang buhay na pagsasama? Sa paanong paraan nga ba masasabi ng isang tao na ito na nga, ito na ang ipinagkaloob ng diyos sakin na makakasama ko habambuhay?

Iba't iba ang depinisyon ng pag ibig o love sa ingles, pero kahit ni isa roon ay hindi tutugma kapag tinamaan ka ng pana ni kupido. Magkakaroon ka ng sariling pagtingin at pag unawa sa kung ano nga ba ang tunay na ibig sabihin ng pag ibig.

Hindi totoong mahirap magmahal. It was the circumstances that makes it look like it's hard to love. If there's no boundaries set to fall in love, if there's no negative outcome in falling in love, hinding hindi magiging mahirap magmahal.

Pero hindi ba't mas lalo nating ginugusto magmahal kapag maraming balakid? Marami, alam kong marami ang nagmamahal ng taong alam nilang hindi sila kayang mahalin pabalik pero sinusubok pa rin ang lahat.

Politiko ang mapapangasawa ko at hindi nagkulang sa paalala si Ferdinand na madami kaming susuungin na problema at hamon pero hindi rin siya nagkulang sa pagpapaalala na kahit anong mangyari ay kakayanin namin iyon ng magkasama.

There's no such thing as perfect relationship for there's no perfect in this world. It is given that relationships will have it's own ups and downs, but it will always have its ways to find the right thing to make it stay like it used to, if it's true and greatest love.

"Meldy! Naiiyak na ako, ikakasal ka na"

"Ang ganda ganda mo"

"Pagpalain nawa ng diyos ang pagsasama ninyong dalawa"

"Kunin mo 'kong ninang kapag nagkaanak kayo ha?"

"Congratulations Meldy!"

"Excited ka na ba?"

"Nako aburido na ang mapapangasawa mo, gustong gusto ka na makita"

Natatawa na lang ako sa mga sinasabi ng mga nakapaligid sa akin pero hindi iyon ang umiikot sa isip ko. Hindi pa rin pumapasok sa isip ko na ikakasal na talaga ako matapos ng ilang linggo na panliligaw ni Ferdinand.

Masyado rin akong pagod dahil sa sunod sunod na pag alis namin ni Ferdinand para sa paghahanda ng kasal namin. Hindi niya talaga ako pinapasama pero dahil mapilit ako at sinabihan siyang magtatampo ako kapag hindi niya ako sinama ay hinayaan niya na lang akong samahan siya.

Alam ko ring napakarami ng nagastos niya para lang sa kasal na ito, I told him that I can help with the expenses but he politely decline saying.... "I'll give you the wedding you wanted without your expense, all you need to do is walk down the aisle and say I do"

Kapag naalala ko iyon ay agad akong napapangiti lalo na ng pagkatapos niyang sabihin yon ay napamura siya ng makita kung magkano ang susuotin kong wedding dress at ang barong niya. Kahit ako ay nalaglag rin ang panga. We had a lot of fun preparing the wedding and now we're here.

Betrayed Hearts [UNDER REVISION]Where stories live. Discover now