Chapter 8

694 48 23
                                    

Maaga akong nagising kesa sa nakasanayan ko. Hindi ko alam kung anong meron sa akin dahil kakagising ko pa lang ay hinahanap ko na si Ferdinand. Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko kung bakit naghihintay kaagad ako dito sa labas para sa lalaking iyon.

"Anong ginagawa mo dyan?"

Agad kong hinanap ang pinanggalingan ng boses sa pag aakalang si Ferdinand na, si Daniel lang pala na kaaga aga ay nagsisigarilyo.

"Wala naman" simple kong sagot.

Tumawa siya sa akin, tinapon niya ang sigarilyo niya at umupo sa tabi ko.

"You're probably waiting for him"

Agad naman akong umiling sa kanya. Ano ba't parang defensive ako? Pero totoo naman. Hinihintay ko naman talaga siyang dumating. Bakit kailangan kong magkaila?

"Oo na, hinihintay ko talaga" bawi ko sa sagot ko kanina, sinamaan ko pa siya ng tingin dahil sa hilig niyang mang asar sa akin.

"Ayan paiwas iwas ka pa nung una, ngayon hintay na hintay ka sa kanya ngayon. Tinamaan ka na no?" tumatawa niyang sabi saka muling nagsindi ng sigarilyo.

"Here" iniabot niya sa akin ang isang sobre.

Tinanggap ko naman iyon pero pinigilan niya akong buksan.

"Do you trust him?"

Kumunot naman ang noo ko sa kanya. Nakadrugs ba 'to?

"Papayag ba akong magpakasal-"

"May tiwala ka ba sa kanya?"

"May tiwala ako sa kanya Daniel" seryoso kong sabi dahil hindi ko gusto ang paraan ng pagtatanong niya.

"Anong gagawin mo kung sakaling sirain niya ang tiwalang meron ka para sa kanya?" wala sa mukha at tono ng boses niya ang pagbibiro.

Napatigil ako sa tanong niya. Parang tumigil ang pag ikot ng mundo ko ng tamaan ako ng sinabi niya.

Ano nga bang gagawin? Paano ako kikilos? I didn't think of it not until now. Sisirain ba ni Ferdinand ang tiwala ko? The last time someone broke my trust, it was suffocating. It made me doubt if everyone is lying like what he did.

"Marriage is sacred Imelda. Malaki o maliit mang problema ang kakaharapin niyo hindi ka na pwedeng umalis sa relasyon na yon. Ang pagpapakasal ay hindi basta bastang desisyon. Pareho kayong mangangako sa diyos na magsasama kayo habambuhay sa hirap at ginhawa. Marriage life is complicated, just look at our parents. None of them keep their promise that's why we ended up carrying the burden and doubts they left on us-"

"That's why you're afraid of getting married?" diretsahan kong sabi sa kanya. Mahina naman akong natawa ng hindi siya nakasagot.

"Ako din Daniel, takot na takot akong maikasal sa lalaking kinalaunan ay mawawalan ng pagmamahal sa akin at iiwan din ako, kagaya ng ginawa ni Papa kay Mama" mapait akong ngumiti at tumingin sa kanya, "But then Ferdinand came and made me realize that love is not what I perceive. Ang pagmamahal ay walang kinakatakutan, that if you love someone you're willing to take risk even if you're afraid to do so" nag iwas ako ng tingin kay Daniel at ipinikit ang mga mata ko at dinamdam ang malamig na simoy ng hangin.

Suddenly, I remembered my mother. Lahat ng hirap na sabay naming dinanas. Sa paglipas ng panahon ay naging malabo na ang alaala ko kasama siya and that hurts me more.

"I've been finding the love I lost when my mother died because when I lost her, I lost the half of me" sabi ko pagkatapos kaming balutin ng mahabang katahimikan.

"Imelda..."

Hindi ako sumagot sa kanya. I know he knows how much I loathe talking about my mother because if I did, hinding hindi ko mapipigilan ang pag agos ng luha ko at iiyak lang ako ng iiyak hanggang sa makontento ang puso ko.

Betrayed Hearts [UNDER REVISION]Where stories live. Discover now