Napapatitig na lang ako sa kawalan kapag naalala ko ang nangyari kagabi. Nabalik ako sa reyalidad ng kalabitin ako ni Tita. Awkward akong ngumiti dahil pangalawang beses na niya akong nahuli na nakatulala.
"Ayos ka lang ija?"
"Tita pano mo nalaman na si Tito Jacinto na ang para sayo?" balik kong tanong.
Nagkatinginan sila ng iba ko pang mga tita kaya agad akong umiling dahil alam ko na agad kung anong iniisip nila, "Wala po akong iniibig at kinahuhumalingang lalaki" pagdedepensa ko sa sarili ko kahit wala pa silang sinasabi.
Lahat ng atensyon ay napunta kay Maria at Ellinor ng pumasok silang may dalang bulaklak. Nagtataka ako dahil ibinigay nila sa akin yon.
"Ipinadala ni Congressman, may pagpupulong pala iyon kagabi hindi daw umattend at hinintay kang matapos sa gawain mo. Ngayon lang natuloy, muntikan pa ngang hindi eh" ani Ellinor pagkaabot niya sa akin ng parehong bulaklak na natanggap ko kahapon.
"Iyon ba yung pumunta rito kagabi?" tanong ni Tita Lora.
"Ay oho yung ilocano na may hitsura" sagot ni Maria.
"Kaya naman pala itinatanong ni Imelda itong si Felicidad kung paano malalaman kung sila na ang nakatadhana" natatawang sabi ni Tita Lora.
Agad naman akong umangal sa mga pang aasar nila sa akin, "Nagtatanong lang naman ho ako, kakakilala ko lang naman kay Congressman ni hindi pa nga ako pumapayag sa inaaalok niyang kasal..." napatigil ako sa pagsasalita ng maramdamang mali ata ako ng nasabi.
"Kasal?" sabay sabay nilang tanong.
Dahan dahan akong tumango habang naghihintay sa reaksyon nila. Kumunot ang noo ko dahil mga nakangiti sila sa akin ang iba'y nagtakip pa ng bibig pero halata naman sa mga mata na mga nakangiti.
"Magsipag ayos na kayo mahuhuli na tayo sa misa" singit ni lola sa katahimikang bumalot sa amin.
Tiningnan muna nila ako na parang sinasabi sa akin na hindi pa kami tapos bago nagsipag-alisan ng magpameywang na si lola sa kanila. Nang dumako ang tingin sakin ni lola ay ngumiti ako sa kanya, ako ata ang paborito niyang apo.
Nag-ayos na lang din ako ng sarili ko dahil talagang maiiwanan ako kung hindi pa ako kikilos. Makalipas ang ilang minuto ay namalayan ko na lang ang sarili kong nasa loob ng simbahan at nakikinig sa sermon ng pari. Nasa kalagitnaan ng pagsasalita si father ng biglang sumulpot si Congressman at tumabi sa akin.
"Tumakas ako sa kapitolyo, okay lang naman yon mangungumpisal naman ako?" bulong niya sa akin. Agad ko siyang siniko dahil tumikhim si lola sa likod namin. Tiningan ni Congressman kung sino iyon saka niya nginitian at muling bumulong sa akin.
"Sweetheart may pupuntahan ka ba mamaya pagkatapos ng misa?"
"Wala naman akong gagawin Congressman, mamaya na tayo mag usap nagkakasala ako sayo eh" ani ko sa kanya.
Napalakas naman ang tawa niya kaya't pinagtinginan kami. Yumuko agad siya ng mapansing pinagtitinginan kami, ang ilan pa sa kanila ay napailing na lang ng makita ang ginawa.
"Sorry sweetheart didn't mean to laugh that loud"
"Sweetheart....I mean Congressman..." hindi ko na itinuloy ang sasabihin ko dahil kitang kita ko ang gulat at tuwa sa mukha niya.
"Say that again"
"Alin?"
"The sweetheart thing Imelda"
"Lumabas kayo ng simbahan nakakaisturbo kayo ng misa" saway samin ng nasa una.
"Ampalaya" mahinang saad ni Congressman pero rinig na rinig ko.
YOU ARE READING
Betrayed Hearts [UNDER REVISION]
RomanceThis became the world's most puzzled history. It's a love story where lies and truth can't be distinguished. The fairy tale of a bachelor congressman who later becomes a president and an orphan beauty queen who becomes the representative of extravag...