Prologue

931 49 13
                                    

Nag aayos pa lang ako ng sarili ng may malakas na katok ang bumulabog sa pinto ko.

"Teka lang!"

"Meldy tagalan mo pa! Ilang taon ba ang kailangan mo para matapos dyan? Haggard na 'ko dito sa labas!" ani ng kaibigan ko na siyang inaya ko para sumama sa pagbisita sa pinsan kong si Daniel sa kongreso.

"Ito na, nagsusuot na ng sandalyas-"

"Magpaa ka na lang!"

Hindi ko na siya inimikan dahil magsisigawan lang kaming dalawa hanggang maubos ang mga boses namin. Nang makalabas ako ay agad niyang hinampas ang braso ko bilang ganti raw sa kabagalan ko kumilos.

Hanggang sa biyahe namin patungong kongreso ay  tuloy tuloy ang pagrereklamo niya. Nginingitian ko na lang ang kapwa pasahero namin na naririndi na ata sa sunod sunod na salita niya. Natigil lang siya ng makarating kami sa kongreso.

"Sino po hanap niyo?" aniya ng guard samin.

"Si house speaker Daniel Romualdez po, pinsan niya po itong kasama ko at ako naman ang kasintahan ni Daniel" agad na sagot ni Sorin. Tiningnan lang siya ng guard kaya mahina akong natawa.

"Imelda Romualdez po, alam po ni Daniel na pupunta ako ngayon" singit ko.

Nginitian lang ako ng guard bago sabihing pwede na kaming pumasok. Agad namang nagmaktol si Sorin dahil maganda din naman daw siya pero bakit ang tingin sa kanya'y mukhang masamang tao. Tinawanan ko lang ang reaksyon niya at naupo sa upuan upang makinig.

"This doesn't make sense at all. We aren't being fair to the Filipino people. Let's take a look at page 56. How is it possible that the agriculture budget is so small? We should prioritize necessity in order to help this country's economy grow" ani ng isang kongresista sa isang mahinahon na boses pero kita ko sa iba na natahimik sila sa sinabi nito.

"Ang pogi na ang talino pa" komento ni Sorin

"Sino ba yan?" ani ko, pamilyar ito pero hindi ko siya kilala.

"Gaga ka talaga. Si Congressman Marcos yan, isa pa nga siya sa nagpadala ng bulaklak sayo nung naging Miss Manila ka hindi ka talaga marunong umaprecciar umapprecise-"

"Umappreciate, umappreciate Sorin" pagtatama ko sa pagkabulol niya

"Oo basta yon napakatalino mo talaga bagay kayo ni Congressman Marcos" 

Hinampas ko lang ang braso niya bilang sagot. Nababaliw na ata 'to at kung kani kanino na lang ako binubugaw.

Nang medyo naboring ako sa pinag uusapan nila ay inaya ko si Sorin sa cafeteria para kumain dahil pasado alas tres na ng hapon at hindi pa rin tapos ang pagpupulong.

"Hay grabe nakakahilo yung mga pinag uusapan nila don sumakit ulo ko buti na lang nag aya kang pumunta dito" aniya habang kumakain ng salad.

Doon na kami nagpalipas ng oras, nagulat na lang ako ng marami na ang lumalapit sa amin. Break time na kasi ng mga kongresista at nandito sila para magpahinga. Kapag nalalaman nila na pinsan ko sa Daniel ay agad naman silang umaatras. 

"Miss Romualdez kamusta na, ano pala ginawa mo dito?" aniya ni Congressman Guevarra, isa sa kaibigan ni Daniel.

"Ayos lang naman po Congressman binibisita ko lang po si Daniel" sagot ko.

"Hi Miss Romualdez, Congressman Ferdinand Emmanuel Edralin Marcos" biglang sulpot ng isang lalaki na siyang naglahad ng kamay.

"Kaibigan ko yan Imelda, Congressman ng Ilocos Norte" ani Congressman Guevarra, tinanggap ko naman ang pakikipagkamay ng kongresista.

Siya iyong maraming sinasabi kanina at hindi masagot ng kapwa niya kongresista ang mga tanong niya. Maganda ang hubog ng katawan at ang singkit na singkit niyang mata habang nakangiti ang una kong napansin. Sunod ay ang suot niyang wala man lang lukot miski isa animo'y isang araw pinasadahan ng plantsa.

"Guevarra ikuha mo nga kami don ng makakain yung masarap ha?" ani Ferdinand ngumiti pa ang loko "Dali na magkakampi naman tayo kanina" pamimilit nito ng tingnan lang siya ni Congressman Guevarra. 

"Oh siya sige na nga, pasalamat ka at maganda ang argumento mo kanina. Maiwan ko muna kayo masyadong na kasing demanding tong si Ferdy kaya kung liligawan ka Imelda sabihin mo hindi-"

"Layas na nang aano ka pa eh" pangtataboy ni Ferdinand.

Umalis si Congressman ng may nakapaskil na mapanuksong ngiti sa labi. Agad namang kinuha ni Ferdinand ang atensyon ko ng humarang siya sa paningin ko.

"Ang ganda mo" aniya.

"Ay totoo yan congressman, ewan ko ba dyan kay Meldy kung bakit siya paborito ni Lord" 

Ngiting ngiti si Ferdinand tuloy ay nawawala na ang mata niya. Nagtaka naman ako sa ikinikilos niya ng patayuin niya ako at pagkomparahin ang tangkad naming dalawa.

"Ayos, pwede na tayong ikasal" nakangiti nitong sabi sakin.

"Aba teka! Anong kasal ang pinagsasasabi mo? Kakakilala pa lang natin eh kasal agad" nabibigla kong tugon, bahagya pang lumayo sa kanya.

"Pagpasensyahan mo na Imelda-"

"This is love at first sight Imelda" putol niya kay Congressman Guevarra na kadarating lang at may mga hawak pang pagkain.

"Love at first sight ba kamo? Isang malaking kalokohan yon Congressman" sagot ko.

"Fine, I'll be honest with you. Ever since I was a young boy, I have had a certain girl in my dreams. I would draw what she looks like. How tall she is. Every feature she has, I would draw it. You are a perfect match. So sweetheart, it's not love at first sight because I have loved you all along" he said sincerely.

Hindi agad ako nakapagsalita sa sinabi niyang iyon. Ramdam ko ang sinseridad ng sinabi niya. Nakakatawang isipin na pinaniniwalaan ko siya. Pero kahit pa! Hindi niya ako madadaan sa pambobola niya. Gwapo lang siya pero dapat ay panatilihin ko pa rin ang pagiging dalagang Pilipina ko.

"If you allow me to marry you, I'll marry you right now" seryoso pero nakangiti niyang sabi.

Napanganga lang ako dahil sinong baliw ang mag aalok ng kasal sa taong kakikilala pa lang ng ilang minuto. Nababaliw na ata ang isang 'to.

Inilapag ni Congressman Guevarra ang mga pagkain na hawak niya at natatarantang ngumiti sa akin. Hinawakan niya sa magkabilang braso si Ferdinand at dahil mas malaki ang katawan ni Congressman Guevarra kesa sa isa pang Ginoo hindi ito nakapalag pa.

"Pasensya ka na Meldy-"

"Hoy teka lang bakit mo ko hinihila" ani Ferdinand dahil kinakaladkad na siya ni Congressman Guevarra palabas.

"Kumain ka na Meldy, wag mong pansinin to si Marcos!" sigaw niya dahil medyo malayo na sila.

"Imelda! Mahal kita!" habol na sigaw ni Congressman Marcos.

Agad akong binalot ng hiya ng marinig ang mahinang tawa at bulungan ng mga tao. Halos lahat sila ay nakatingin sa akin. Nagsasalit salitan ng tingin kay Ferdinand at sa akin.

"Nabaliw sa kagandahan mo si Congressman Marcos, iba ka talaga Meldy. Grabe ba!" pang aasar pa ni Sorin bago nagsimulang kumain na naman.

Sakto namang dumating si Daniel at inabisuhang nakahanda na ang sasakyan ko patungong Baguio. Naiiling na lang akong nagpaalam kay Sorin habang inaalala ang baliw na congressman na nag alok ng kasal sakin. Ang lalaking iyon, wala sa hulog ang utak.

Kasal? Sa unang araw pa lang ng pagkikilala? Kalokohan.

~~~

UNDERPITCH

Betrayed Hearts [UNDER REVISION]Where stories live. Discover now