Chapter 9

440 33 7
                                    

Kinaumagahan ay wala na akong nakitang Ferdinand sa tabi ko. Sumakit pa ang ulo ko sa biglang pagtayo.

Nakita ko naman ang isang sulat na nasa tabi ko, ginawa niya pa talagang pangdagan ang sobreng may lamang litrato nila ng dati niyang asawa. Susunugin ko na nga ito mamaya, sumasama lang ang pakiramdam ko sa tuwing masisilayan ko.

'Thank you for taking care of me last night sweetheart. Meet me in capitol after lunch. Good morning, beyond eternity I love you my Mrs. Marcos.'

Napangiti naman ako ng mabasa ang huling salita. Kaya naman habang nag aayos ako ng sarili ko ay nakangiti ako. Nang lumabas nga ako ng kwarto ko ay nakangiti pa rin ako.

"Meldy lagot ka kay lola" biglang sabi sakin ni Ellinor ng tumabi siya sakin habang nagtitimpla ako ng kape.

"Bakit?"

"Nagpapatulog ka daw ng lalaki sa kwarto mo, hindi pa naman daw kayo kasal. Simbahan daw muna bago kayo gumawa ng anak-"

Agad kong hinampas ang braso niya.

"Wag mo nga akong pinaglololoko. Napakamalisyosa mo kahit kailan" tumatawa kong sabi saka uminom ng kape.

Tumawa rin siya at sinabayan akong maglakad patungong balkonahe. Napangiti ko ng maramdaman ang malamig na simoy ng hangin. I felt calmness as I sit and sip my coffee.

Katahimikan ang bumalot sa aming dalawa ni Ellinor, mabuti iyon dahil kung kukuda na naman siya ay maririndi ako sa sunod sunod niyang salita at matinis na boses. Taimtim lang kaming nagkakape at pinapalipas ang oras.

"Sa tingin mo..."

Ibinaba ko ang tasa ko at tumingin sa kanya.

"Magiging mabuting asawa kaya ako?"

Ngumiti siya sa akin saka inubos ang kapeng iniinom niya.

"Hindi ko maipagkakailang oo. Sa ating lahat ay ikaw ang may pinakamahabang pasensya, isa pa masyadong mabuti ang puso mo at hindi mo hinuhusgahan ang isang tao batay sa isang kasalanan na ginawa nito sayo"

Nag iwas ako ng tingin. Bakit pa nga ba ako nagtanong? Malamang ay puro mabuti lamang ang sasabihin ni Ellinor. Hindi ko talagang magawang masanay sa magagandang bati patungkol sa akin.

"Magiging mabuti kang asawa Meldy. Basta't ang ugat ng inyong pagsasama ay ang diyos magiging maayos kayong dalawa" ngumiti siya ng pagkalaki laki sa akin.

"Ellinor!!!"

Napatigil kami ng marinig ang malakas na sigaw ni Maria mula sa ibaba.

"Lagot, nakalimutan kong nagpapasama pala yon sa bayan" napakamot sa batok niya si Ellinor saka kinuha ang tasa ko at tasa niya at nagpaalam na aalis na.

Tiningnan ko lang ang pagpasok niya sa loob. Nagtigil pa ako roon ng ilang minuto at ng may tumatama ng sikat ng araw sa binti ko ay pumasok na rin ako para maghanda para pumuntang kapitolyo.

Akala ko'y wala ng gagambala pa sa akin pero biglang pumasok sa kwarto ko si Sorin habang nag aayos ako ng aking buhok. Paniguradong sasakit muna ang ulo ko sa babaeng ito bago ako umalis.

"Meldy may pupuntahan ka ba? Isama mo ako-"

"Hindi pwede" masungit kong saad saka nagpatuloy sa pag aayos ng buhok.

"Isama mo ako, nagdesisyon na akong sasama ako eh tapos hindi ka papayag aba hindi pwede-"

"Sorin"

"Kaibigan mo ako bakit hindi mo ako isasama? Payag na nga akong sasama ako eh tapos hindi ka payag? Meldy-"

Betrayed Hearts [UNDER REVISION]Where stories live. Discover now