Chapter 7

804 44 73
                                    

Hindi ko alam kung matutuwa o kakabahan ako sa naging reaksyon ni Sorin. Sinabi ko kasi sakanya na pumayag na akong magpakasal kay Ferdinand at pagpaplanuhan na namin ang kasal. Hayan siya't mukhang tanga akong tinitingnan habang nakatabon ang kamay sa bibig.

Mas lalong nanaig ang kaba ko ng pumasok ang parang kambal na si Maria at Ellinor.

"At anong nangyayari dito?" bungad ni Ellinor.

Napadako ang tingin ko kay Sorin na nagbibilang na sa kamay niya.

"Ano 'to isang linggong pag ibig? Record-"

"Ay naghiwalay na kayo ni Congressman? Nag expired ka na?"

Agad ko naman sinamaan ng tingin si Ellinor sa sinabi niyang iyon. Mukha ba akong malungkot para mapagkamalang iniwan? Napakatok tuloy ako sa kahoy.

"Hindi, mukha bang kaiwan iwan ang mukhang 'to?" pagbibiro ko para pagainin ang hangin na pumapalibot sa amin, parang timang naman kasi ang naging reaksyon ni Sorin. Napaka OA kahit kailan.

"Panong hindi ganon ang iisipin ko e tingnan mo naman ang reaksyon..."

Napatigil naman sa pagsasalita si Ellinor ng bigla akong yakapin ni Sorin. Umiiyak pa ang gaga. Bakit lahat ng sinasabihan ko umiiyak? Nakakalungkot ba talaga pag ibinalita mong ikakasal ka na?

"Ah si Sorin at si Daniel ang naghiwalay?" singit ni Maria.

Nasapo ko na lang ang noo ko ng kumalas sa pagkakayakap sa akin si Sorin at hinampas ang braso ni Maria. Muntik pang mag away ang dalawa kung hindi pumagitna si Ellinor. 

"Pumayag na ako sa iniaalok na kasal ni Ferdinand-"

"O to the M to the G! Ako ang Maid of Honour ha!" masayang sabi ni Ellinor. Tinulak pa ang dalawa saka lumapit sa akin.

"Ako! Ako ang bestfriend ni Imelda kaya ako ang Maid of Honour" agad namang sabi ni Sorin saka hinila palayo si Ellinor.

May mga galit ba ang mga taong ito sa isa't isa? Kung makasabunot sa isa ay halatang may kasamang sama ng loob eh.

"Si Imelda ang tanungin niyo, Meldy ako piliin mo para walang gulo" ngumiti pa ng pagkalaki laki si Maria, halatang inaasar lang ang dalawa.

Agad naman siyang nakatanggap ng kabilaang batok. Natawa na lang ako dahil nagsimula nanaman ang rambulan ng tatlo. Wala ng pumigil sa kanila dahil ayoko namang pumagitna at baka ako pa ang masabunutan, kakaayos ko lang ng buhok ko.

"Meldy pag ako kinuha mong maid of honour, kukunin din kitang maid of honour sa kasal namin ni Daniel"

"Pag si Congressman Gonzales ang best man ako kunin mong maid of honour, ibigay niyo na sa akin ito"

"Ang landi mo Ellinor!" bulyaw sa kanya Maria habang tumatawa.

Nang makita si Ferdinand sa pinto ay dahan dahan akong umalis doon ng hindi nila nalalaman.

"Good morning sweetheart" nakangiti niyang bati saka ako hinalikan.

"My innocent eyes, where's my Sorin?" hindi makapaniwalang usal ni Daniel na kalalabas lang mula sa kwarto niya.

Inginuso ko naman sa kanya ang kwarto ko. Inambahan niya muna si Ferdinand ng suntok bago masayang umalis, pupuntahan ata si Sorin.

Inaya ko naman si Ferdinand na pumunta sa teresa ng bahay para magpahangin at manood na rin ng pagsikat ng araw. Napakalamig ng simoy ng hangin, napabalik tuloy ako sa loob para kumuha ng makapal na kumot dahil talagang maninigas kami sa lamig. Ipinagpapasalamat ko namang wala na roon sina Ellinor kundi baka natagalan pa akong bumalik kay Ferdinand dahil siguradong kukwestiyunin nila ako.

Betrayed Hearts [UNDER REVISION]Where stories live. Discover now