Chapter 4

735 42 36
                                    

Kunot ang noo kong bumangon ng agad na masilayan si Ferdinand na nakatalikod at nakaharap sa bintana. Agad akong bumangon at inayos ang buhok.

"Good morning sweetheart" aniya sa kalagitnaan ng pag aayos ko.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko habang tinatapos ang pagtatali sa buhok.

Nakangiti siyang lumapit sakin saka ako niyakap ng mahigpit, "Pakasal na tayo sweetheart" aniya saka hinalikan ang noo ko.

"Ferdinand! Layo magbibihis ako" natatawa kong sabi dahil kung ano ano nanaman ang sinasabi niya. 

"Will you marry me sweetheart?" tanong na naman niya, hindi pa rin ako pinakakawalan.

"Move Ferdinand please?" 

"How can I say no? Make it quick sweetheart I'll be waiting" hinalikan niya muli ako sa noo bago bitawan at naupo sa sofa.

Dali dali naman akong lumabas at naligo. Nadatnan ko namang natutulog si Ferdinand sa sofa. Inayos ko na lang muna ang  mahaba't nakalugay kong buhok. Nang matapos ay natutulog pa rin siya. 

Naupo ako sa lapag sa harap niya at pinakatitigan ang natutulog na si Ferdinand. Dahan dahan kong niyugyog ang braso niya.

"Ferdinand..."

"I love you sweetheart" 

Nagulat pa ako ng magtama ang labi naming dalawa. Agad naman siyang napalayo sa akin.

"I was...no...sweetheart...It was supposed to be your forehead...it was a mistake sweetheart" nangungusap ang mga mata.

Hindi rin ako makasagot sa kanya dahil hindi pa gumagana ang utak ko dahil sa nangyari. I was just looking at him dumbly, can't even compose a single word.

"Sweetheart sorry-"

Natigil siya sa pagsasalita ng walang katok katok na pumasok si Daniel.

"Bakit dyan ka pa sa sahig nakaupo?"

"Ah...ano"

"She was trying to wake me up before you came in Romualdez" si Ferdinand na ang sumagot.

"Oki" nang aasar na sabi nito, "Kain na, nakahanda na ang umagahan. Ayusin mo ginagawa mo sa pinsan ko Marcos sinasabi ko sayo ha" ani to bago muling umalis.

Tumayo na ako roon at umalis ng hindi man lang tinatapunan ng tingin si Ferdinand. Ramdam kong tahimik lang siyang sumusunod sa akin. Nagmano pa siya sa mga auntie ko bago tumabi sa akin ng maupo ako.

"Sorry na sweetheart" 

"That was a dumb action Ferdinand"

"I know, I don't know it was your lips in the first place. I just woke up"

"Iabot mo yung itlog"

"Here"

"It's clearly your fault Ferdinand"

"I didn't say it is yours sweetheart"

Napatigil kami sa pag uusap ng may pumalakpak. Nang ipinalibot ko ang tingin ko ay sa amin nakatuon ang atensyon nila. Nagkaroon ng kaunting katahimikan sa paligid namin hanggang sa magsalita si Daniel.

"Marcos nasa labas si Gonzales" anito.

Tiningnan muna ako ni Ferdinand bago nagpaalam at umalis. Hindi ko na siya hinintay na bumalik dahil nagugutom na ako.

Natapos na kaming lahat ay hindi pa rin bumabalik si Ferdinand kaya agad na sumama ang loob ko. Sinundan ko siya sa labas pero wala akong nasilayan miski anino niya. Sinabihan naman ako ni Manong Jesse na umalis ito kasama ang isang lalaki na malamang ay si Congressman Guevarra.

Betrayed Hearts [UNDER REVISION]Where stories live. Discover now