CHAPTER 013
"ano bang iniisip mo dyan kim? " natatawang sabi ni Darwin. Napatitig lang ako sa kanya.
Tinignan ko yung labi nya. Syoks! ang manyak ko, umiiling ako, napakusot ng mata.
"wala wala." sabi ko nalang. umupo na kami sa bench na kanina pa namin pinagdidiskitahan upuan. Kanina pa kasi kami nagpaparamdam sa magtatay na mataba na gusto na naming makiupo pero hindi padin sila nakakaramdam. buti umalis sila't nakaupo na kami nitong si Silvestre.
Anyway, umupo kami't ubos na namin ang palamig namin. Nasa silong ang bench kaya hindi problema ang sinag ng araw. pagkaupong pagkaupo ni Darwin mula sa pagkakatapon nya ng basura naming dalawa, biglang bigla nagring ang cell nya. kinausap nya muna yun at umupo na agad sa tabi ko. napatingin ako sa cellphone ko't alas tres na pala.
"hindi ka paba nanananghalian?" tanong ko. Naalala ko din kasing di padin ako naglulunch. bukod sa sky flakes at palamig, wala pa akong kinakain magbuhat noong umalis ako ng bahay. "Almusal ko tanghalian ko. ay! eh ikaw ba? gutom kana no? tara.. kain tayo!" napatawa ako. eh, nakakahiya naman. wala akong dalang pera.
"Tara nalang kaya sa bahay namin." sabi ko. Nag isip sya, nagisip din ako. Tama ba tong ginagawa ko? Baka naman mapagalitan nanaman ako nito. Hindi kaya nakakahiya sa pamilya ko? ang yayain si Darwin kumain ng tanghalian sa bahay namin? Eh.. bakit, wala namang masama dun eh.. kaso, paano kung pagalitan ako? Pano kaya. hmm..
"bawal naman ata eh." sabi nya. Pansin nya din kasing napaisip ako. "oonga, wag nalang." nagngitian nanaman kami. Nagkahiyaan ulit. ngayon, di na magkahawak mga kamay namin. Gustong gusto ko itong hawakan ulit pero, paano? ganito naba ang sinasabing mahal? hala. Hindi panaman siguro. Hindi. Hindi, hindi ko pa mahal si Darwin, siguro, nababaitan lang ako sa kanya kaya ganon. Pero bakit..
bakit ang bilis ng tibok ng puso ko? Eh.. palagi naman ganito. Sana, si clownii nalang si Darwin Silvestre ko. ;) Sana kasi, sya nalang secret admirer ko.
*beep* *beep*
napatingin kami pareho sa sasakyang pumarada't bumusina sa harapan namin. Unti unting bumukas ang bintana nito. "Darwin! nandyan ka lang pala!" tawag ni Manong. Unti unti ding bumukas yung bintana nung sa may likod. Si Jomar nandoon. Tumayo na si Darwin nang makita namin si Jomar. Ang tangkad grabe!
"Kimmy! magkasama pala kayo nitong si Dar!" lumapit si Darwin, hindi sya nagpaalam sakin nang magbulungan sila ni Jomar. Bumalik sya't binulungan ako. "Kim, pwede kaba ngayon?" napaisip ulit ako. hapon na kasi eh, baka pagalitan ako. teka.. bakit nga ba ito ang iniisip ko. Palagi naman akong sunod sa utos kaya baka, okay lang akong sumuway kahit isang araw lang.?
"oo, bakit?" tanong ko. Malapit ng husto ang mukha ni Darwin sakin. Ang sarap amuyin ng hininga nya. Sana, bulungan nya pa ulit ako ng isa. Ngumiti sya, hinawakan nyang muli ang kamay ko't.. "tara!" sabi nya. tumayo ako, hawak nya ang kamay ko nung pinasakay ako ni Jomar sa likod. Si Darwin, sa harapan umupo, sa tabi ni manong. Tsk.
Ngumiti sakin si Jomar, kinumusta ako, at kung ano anong mga tanong pa ang tinanong nya. natahimik sya. Nung tumingin ako sa bintana, nakalayo na pala yung sasakyan, di ko man lang napansin.
"Saan kaba pupunta? Saan nga ba tayo pupunta?" oo nga pala. Sa sobrang pagkawala ko sa sarili ko, di ko na alam kung saan ako dadalhin ng mga to.
BINABASA MO ANG
Letters [of a torpe guy] ♥
Roman pour AdolescentsKailangan mo bang matorpe porket di kayo pantay ng taong mahal mo?- sa estado ng buhay, talino at itsurang pisikal? Sige ka... malay mo, mahal kadin nya.. torpe ka lang. Basahin ang storyang para sa'yo! Note: Chapters 18, 19 & 20 are private chapter...