CHAPTER 026
"Natatakot kaba kimmy?"
"hindi. pero parang ayaw ko na tumuloy sil-..darwin."
nung papasok na ako sa loob, naramdaman kong yung kamay ni kim pinipigilan ako. hindi sya kumikilos, matigas lang syang nakatayo ron. parang may malalim na iniiisp. hindi ko lang alam kung ano. Bakit kaya ayaw nya?
May narinig na kaming tugtog. Runaway ng Ezra band yung tugtog. Grabe ang korny talaga ni Jomar kahit kailan.
"Kim oh, nageffort si jomar, tara pasok na tayo." ayaw kong mabigo si Jomar sa pagkakataon na 'to. Kahit masakit para sa akin ang magpaubaya, gagawin ko.
Pero nagaalinlangan padin ako. Tama ba 'to? kahit ayaw ko? kahit labag sa loob ko? at ayaw din ni Kim? tama bang kunsintihin padin namin si Jomar? pero pano? pano pag hindi namin to ginawa, ehdi si jomar naman ang nasaktan?
ewan ko ba. bakit ba kase pinapaasa pa ni Kim si Jomar kung wala naman talga syang interes kay Jomar diba. Ewan ko, magulo sa ngayon. Kailangan kong malaman ngayon kung...
kung may pagasa nga ba si Jomar kay Kim. Bahala nalang si Kim mambusted kung mambabasted sya ngayon.
Aaaah! ewan. naguguluhan ako.
Pero sana bastedin nya na si Jomar. Sana..
nagumpisa nang naglakad si Kimberly sa loob. Nagulat ako nung gawin nya yun. Bumitaw nadin kasi yung kamay nya sa pagkakahawak sa kamay ko. So ano na ang ibig sabihin nito? Gusto din ni Kim ang ginagawa ni Jomar? Minsan talaga magulo ang utak ng mga babae.
Hindi mo malaman kung ano ba talaga ang gusto nila. Minsan ramdam kong ako ang gusto ni Kim.
Pero sa pagkakataong ito, naisip ko na baka mali ako.
Buti nalang. Buti nalang talaga hindi pa ako umaamin.
Pero..
Paano kaya kung sabihin kong ako ang secret admirer nya? Paano kung sabihin ko ngayon? Paano kung iannounce ko sa araw na ito na mahal ko sya.. paano kaya kung....
mali.
mali ito.
panoorin ko nalang dapat kung ano ang mangyayari.
Kung bastedin ni Kim si Jomar, ehdi Okay na okay!
kung hindi naman..... ehdi okay .... okay nalang.
BINABASA MO ANG
Letters [of a torpe guy] ♥
Teen FictionKailangan mo bang matorpe porket di kayo pantay ng taong mahal mo?- sa estado ng buhay, talino at itsurang pisikal? Sige ka... malay mo, mahal kadin nya.. torpe ka lang. Basahin ang storyang para sa'yo! Note: Chapters 18, 19 & 20 are private chapter...