CHAPTER 021
"Ikaw yung kasama ni pok.. este ni kim last month right?"
May nakasalubong akong fourth year na parang pamilyar ang mukha. Magisa lang akong naglalakad sa corridor non. Pupuntahan ko sana si mam. Guttierez, pero heto, nakasalubong ko tong maarteng to.
"oo, baket?"
tumawa ng pagkaarte arte yung babae. Aha, alam ko na. Sya yung nanlait kay kim nung nasa restaurant kami. Ano bang meron dito sa babaeng to bakit ba parang napaka sarap nyang sapakin sa mukha.
"Wag kang sasama dun." sabi ng kasama nung babae. sya din yata yung kasama nung maarteng babae nung araw na nakita namin sila sa restaurant eh.
"bakit naman? sino ba kayo?"
"wala naman. Balita kasi namin, hindi na virgin yun. HAHAHAHAHA"
nag-high five silang dalawa. "sige mauna na kami ha. sayang gwapo ka panaman."
Ewan ko kung anong kailangan nila at anong mapapala nila sa ginawa nilang yun. Sobra kong gusto na ibalibag sila kanina. pero wala eh, rumerespeto ako ng babae. Ang ayoko lang, eh yung sinisiraan nila si Kimberly. Alam ko, hindi yun totoo. May tiwala ako sa Kaibigan ko. Hindi ganong klaseng babae si Kim.
"uy Silves.. Darwin!"
lumingon ako sa likod. uh, eh, teka.. anong itsura ko? maayos ba ako? mabango paba ako? anong oras naba? teka, hindi ako makagalaw..
"uy Kim! ikaw pala. hehe."
"bat ang weird mo ngayon, mukha kang malungkot. haha! "
"ako? malungkot?! hindi ah, ang saya saya ko nga oh! tamo." ngumiti ako ng pagkalaki laki. nagtawanan sila nung kasama nya. si.. Jessa ba yun?
"Kaya pala inlove na inlove sayo tong si...--" siniko ni Kim yung kasama nya at hindi na naituloy pa yung sasabihin nya sana. ha? hmm, nevermind na nga lang. hehe.
"wala kayong klase?"
patuloy sa pagsasalita si Kim na parang ayaw pa nyang umalis sa harapan ko. Eh ako naman itong si tukmol, tatanga tanga, gustong gusto ko nang lumayas sa harapan nya dahil hindi ako makagalaw. Pakiramdam ko, sasabog na ang dibdib ko sa sobrang lakas ng kabog. WAAAAA.
"ah, wala kim."
"uy, ang lungkot mo talaga dar! hahaha. sige na nga, una na kami, may klase pa. bbye!"
"ha? nako, hindi ah, ah, sige sige. mamaya nalang ulit :)"
--
ayan. tanga. gusto ka nya ngang kausapin eh, sinayang mo pa yung pagkakataon. AY! yung sobre nga pala ni Jomar. nako.. wag na yun! hehe
"uy."
dumaan na sa harapan ko sina Jomar. "uy" sagot ko. "ano naibigay mo naba?" nawala sa isip ko kung ano yun, iniisip ko kasi itong pinabibigay ni sir. Gutierrez sa asawa nya kanina pa. Nasan naba kasi si maam.
"uy Dar?"
"ha? ah, eh, hindi. hindi ko pa naibibigay."
"ah, sige, mamaya bigay mo ha. may lalakarin pa kasi muna kami. ikaw nalang maghintay kay kim sa gate mamaya, sabihin mo pasensya na."
"ha?sige. "
pumunta na sina Jomar sa room namin. Ako, heto, madami pading iniisip. Nadagdagan pa ng pagiging excited ko para mamayang uwian. Ako mag aantay kay Kim eh. YEA BOY.
--
BINABASA MO ANG
Letters [of a torpe guy] ♥
Roman pour AdolescentsKailangan mo bang matorpe porket di kayo pantay ng taong mahal mo?- sa estado ng buhay, talino at itsurang pisikal? Sige ka... malay mo, mahal kadin nya.. torpe ka lang. Basahin ang storyang para sa'yo! Note: Chapters 18, 19 & 20 are private chapter...