CHAPTER 006
Naglalakad ako pababa ng building. nang malapit lapit na ako sa gate. naaninag ko si Darwin, si Darwin Silvestre <3 Me ganon?! haha. kumakaway sya sakin. kinalabit nya si Jomar at lumapit sila.
"Akin na yang bag mo Kim!" nakangiting sabi ni Jomar. Tinignan ko si Darwin. AAAAH. HAHAHA. kinikilig ako. Ang guwapo ni Darwin. Ni Darwin Silvestre. letse. ngayon ko lang sya natitigan ng malapitan!
"bakit? hehe" hindi ko pa binibigay yung bag ko kay jomar. natulala ako kay darwin. lol.
"Basta!" hinablot ni Jomar ang bag ko at naglakad na, sumunod lang si darwin sa kanya at hindi naman ako sumunod sa kanila. napansin ata ni darwin yun kaya lumingon sya't inaya ako.
"Tara!" buka ng bibig nya. To talagang si Darwin Silvestre oh! :blush:
lumapit nadin ako kasi medyo malayo layo na sila. nakakainis naman oh! ano ba kasing ginagawa ni Jomar. bakit nya kinuha bag ko! naiwan tuloy tong portfolio sa kamay ko. dapat ito nalang dinala nila.
"Anong pinagbubulungan nyo?" sabi ko. pansin ko kasing nagbubulungan sila habang naglalakad. ako naman tong nasa likod lang. para namang hindi nila ako kasama diba?!
lumingon sakin si Jomar at ngumiti lang. pwe. as if namang kikiligin ako sa dimples nyang malalim. haha. magkasing height lang kami. fair din ang kulay ng balat. clean cut. mukhang may kaya. hmm, yan si jomar. lol. pero ngayon ko lang to nakilala eh, nanghahablot na agad ng bag?
Huminto sila sa paglalakad nang makarating kami ng waiting shed. Wala lang, para kaming tangang tatlo. nakatayo, walang nagsasalita. hmp. bigla biglang may humila sakin. aray! ang sakit ng braso ko! ang higpit ng pagkakahawak sakin ni Justin!
"ARAY ko justin!" pilit kong tinatanggal ang pagkakahawak ni justin sakin. pero ayaw nyang bumitaw. bigla syang sinuntok ni Darwin. Binaba ni Jomar yung mga gamit ko at pinagtulungan nilang dalawa si Justin. Nabitawan na ako ni Justin nung mga oras na yun.
"tama na!! Darwin! Jomar!! wag! bhe!!"
Pilit akong sumisigaw dahil natatakot akong mag-awat. Nakarinig nalang ako ng pito. Mga baranggay tanod. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Syete. napasama pa ako sa isang gulo. kakatakot.
Nandoon kaming apat sa baranggay hall. Sinermonan yung tatlo. Namumula yung mga kamao ng dalawang magbest friend. si bhe ko, na hawak hawak ko ang nanlalamig na kamay eh namumula ang kaliwang bahagi ng pisngi. tsk tsk. ano ba kasing nangyari? bakit ba kasi sila nagsuntukan!? AH!!!
Ginabi na kami sa pagbyahe, Hinatid ko si Justin sa bahay nila. Nakasimangot akong sinalubong ni tita. Hindi din naman kami nagkausap ni Justin dun sa loob ng Jeep. ayaw nyang kumibo. nakahawak kamay lang kaming dalawa. Nang makapasok na ng bahay si bhe.. Umuwi nadin ako. gabi na ako nakauwi. pinagalitan ako syempre pero okay lang. sana lang talaga hindi nila malaman ang nangyari.
Nagpaload ako kay mama. Nagpapaload kasi sya. So, ayun instant load. Pero hindi ako mahilig magtext kaya bihira din ako makapanghingi. Tinext ko pa si Jessa kung paano yung pag-uunli kaya medyo natagalan. Nang makapag-unli na, tinext ko na si Darwin. Si Darwin Silvestre :)
TO DARWIN: Hello. Kmsta kna? Sorry sa kanina ha! pwede mahingi number ni Jomar? Magsosorry lang din ako. Sorry talga! sna ok lng kyong dlwa!
Mabilis na nagreply si Darwin.
: Hi. oo. okay lang! ikw p! mlkas ka skin eh! hehe. hmm, heto.. 09 bla bla bla. Wag kng magsorry. kami dapat magsorry sau. ndamay kpa!
Hindi na ako nagreply, sa halip ay tinext ko yung number ni jomar. ganon lang din, nagsorry lang ako. Hindi nagreply si Jomar kaya, ayun. nagbukas muna ako ng YM, hindi Online si bhe. Nagmessage padin ako, sigurado namang mababasa nya yun pag nagonline sya.
Haaay.. nahiga lang ako ng kama. tutal, akala lang naman ng magulang ko sa baba na nanunuod ng tv ay nagaaral ako eh. Minsan nga, hindi na ako tinatawag para kumain kasi akala nila super tutok ako sa pagaaral. Pero bumababa din naman ako, pag nagutom.
DARWIN: Hi Kim.
LOL. ang kulit. hahaha. bakit kaya hindi pa nagtetext si Jomar? Di bale na nga, basta si Darwin Silvestre nagtext, ayos na. :)
K: Hi! Bakit hindi nagrereply si Jomar?
D: ha? ewan ko dun. katext ko naman! teka, ito number nya : 09 bla bla bla 8
tinignan ko sa phonebook kung tama yung number. hala naman. kaya pala. 8 pala ang huling number, 0 ang nakalagay sakin. LOL. tanga tanga.
K: mali pala ang number nya. hehe .sorry. thanks!
D: wala yun. hehe. so, pano, ?
K: ha? anong pano?
D: ehdi hindi mo na ako itetext kasi itetext mo na si jomar :(
K: hahaha! ang drama! syempre itetext. unli eh!
D: naks! hehe. kinikilig naman ako.
K: bading! bading lang kinikilig. lol.
D: hahaha. nice one. ;)
Tinext ko muna si Jomar, finorward ko lang yung text ko kanina. Mabilis na nagreply si Jomar, Okay lang naman daw with a smiley face at heart. LOL. loko tlga yun. prang close kami ah? haha.
BINABASA MO ANG
Letters [of a torpe guy] ♥
Novela JuvenilKailangan mo bang matorpe porket di kayo pantay ng taong mahal mo?- sa estado ng buhay, talino at itsurang pisikal? Sige ka... malay mo, mahal kadin nya.. torpe ka lang. Basahin ang storyang para sa'yo! Note: Chapters 18, 19 & 20 are private chapter...