Letters' -Chapter 14-

162 2 2
                                    

CHAPTER 014

Ngumiti lang ang mabangong si Jomar. Tumingin ako kay Darwin, hindi sya lumingon. Di hamak naman na mas maporma ng husto si Jomar kay Darwin. Si Darwin, simple lang. Maong pants, blue shirt, yun lang. Itong si Jomar, ewan ko kung saang disco club pupunta. Pormang porma!

"kaya ko nga pinapunta si Darwin eh!" huh? hindi ko to maintindihan. Pinapunta nya si Darwin? saan? ano? teka.

"huh?" sabi ko. takang taka ako, palagi akong tumitingin kay Darwin pero hindi naman sya lumilingon. Kahit doon sa salamin hindi sya tumitingin para makita kami sa likod.

"Pinasundo kita kay Dar! hehehe. ayos ba?" ano ba to? nahulog ako sa patibong nitong si Jomar ah. teka, paano kung pagalitan ako?

"hala! ano kaba Jomar!" hinampas ko si Jomar, at doon, lumingon si Darwin. Tumingin ako kay Darwin, ngumiti lang sya, mabilis syang bumalik sa dating puwesto nya. Si Jomar, kung anuanong sinasabi habang hindi ko naman sya pinapansin. Haaay. Tangek tangek mo talaga Kim! Bahala ka nalang kim kung mapapagalitan ka mamaya.

"Huy kimmy?!" hindi nakatiis si Jomar nang biglang tumahimik ang buong sasakyan nya. pinindot pindot nya pisngi ko't napangiti nalang din ako. Eh, wala na eh, enjoyin nalang. Ito rin naman ang pinili ko. Pero akala ko kasi.. Si silvestre ang may pakana nito. Yun naman pala.. tss.

"baby. bati na tayo ha?" tinignan ko ang salamin. Nakita ko ang mata ni Darwin, umiwas ng tingin. aha! tinitignan nya kami! teka, "papa. wag kang malikot." sabi ko. kinalabit ko si Darwin, lumingon sya't nagtanong ng bakit. Ako naman tong si tanga, sabing wala lang.

pansin kong biglang tumamlay si Darwin kesa nung kaming dalawa lang ang magkasama. "nandito na tayo!" masayang sabi ni Jomar. Mabilis syang bumaba ng kotse nya't pinagbuksan ako ng pintuan. tumingin muna ako sa unahan ng kotse bago bumaba, hindi padin lumingon si darwin, sa halip ay bumaba na sya kaya bumaba nadin ako. nandoon kami sa isang garden.

"ano to jomar?" sabi ko. Naka puruntong lang ako na pambahay at naka maluwag na t-shirt. haaay. "pasok tayo." sabi nya saken ng hawakan nya kamay ko. napalingon ako sa likod at nandoon si darwin, ngumiti sakin. ngumiti din ako. alam kong kasunod namin ni jomar si darwin na naglakad. kaya sumaya ako. :)

dugdug. biglang bilis ng tibok ang puso ko nang huminto kami ni jomar sa paglalakad at tumabi sakin si darwin sa pagtayo. nakahawak padin ang kamay ni jomar sakin habang nagbubukas ng pinto, pero si darwin.. "Kim, pasensya kana." binulungan nya ako. ngumiti ako sa kanya at gustong gusto kong sabihing akala ko sya ang may pakana at sya nalang sana ang may pakana. :/ 

ngumiti ako't sinabing.. "okay lang." pumasok na kami doon sa pintong binuksan ni jomar. Pagpasok namin, bumungad sakin ang puro bulaklak na taniman at napaka daming paru-paro. namangha ako kaya nabitawan ko kamay ni jomar sa kakahabol ng isang paru-paro. napakaganda nya!

"ay, teka lang kimmy, may kukunin lang ako sa kotse." sabi ni jomar. tumango ako't tuwang tuwa padin sa nakita ko.

Letters [of a torpe guy] ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon