Letters' -Chapters 3 & 4-

412 10 4
                                    

--

CHAPTER 003

Nagring na ang bell so it means.. uwian na! as usual, ako yung huling lumalabas ng classroom, syempre president, kailangan i-make sure na maayos lahat. pero.. natatakot ako. bigla ngang tumaas mga balahibo ko eh.. para kasing.. ang tahimik.. hala, lagi naman ganito pero bakit ngayon lang ako natakot.?

ang dilim panaman din sa corridor! nagmadali akong nagayos ng gamit, kahit medyo may dumi dumi pa eh hinayaan ko na't nagmadali akong tumakbo palabas. sa kakatakbo ko, at kakatingin sa likod, may nabangga nanaman ako. "ARAY!" sabay hawak sa ulo ko. nauntog kasi ako sa baba nya. ang tangkad nya infairness. hahaha

"Kim?"

Sino to? Kumislap bigla yung mga mata nya pagtingin ko sakanya. Nawala nadin bigla yung kilabot ko. Teka, gabi na eh, dapat umuwi na ko!

"hi! hehe. sige uwi na ako ha!"

"sandali kimberly!" sabi nung lalaki. napahinto ako sa pagtakbo at hinintay ko syang lumapit sakin. "bakit? may kailangan ka po ba kuya?"

"hehe, ako nga pala si Darwin. Section K. diba ikaw si Kimberly Imperial ng science class?"

hmm.. makikipagusap ba ako o ano? eh medyo late nadin eh. nagsunset na din eh. ano ba? madami pa kong gagawin eh.. so, pano? tsk, 

"yes. ako nga, hmm, kung gusto mo, itext mo ako, wait lang. eto, 09 bla bla bla okay? bye bye!!"

"sandali! hindi ko nagets!"

hay naman oo. sinulat ko yung number ko at binigay to saknya. nagmadali na ako sa pagtakbo't gagabihin na ako. Sumakay na ako ng jeep at ayun, sa wakas nakauwi nadin! Kumain muna saglit ng hapunan, gumawa ng assignment at naalala ko ulit yung portfolio.. nacurious uli akot binasa yung isa pang sulat.

"Dear Kim,

Pangalawang araw ko ngayon sa pagsusulat! hehe. Ngumiti ka sakin kanina. Sayang nga eh, nahiya akong makipagkilala sayo. Sana makilala mo din ako. Hmm, oo nga pala, nahulog mo yung balat mo ng mentos, kaya pinulot ko to. siguro pag nabasa mo to, nasakin padin yun hanggang ngayon. ingat ka palagi ha!

Love: "

Mejo mapapaluha na sana ako nang makita ko yung isa pang sobre na pinaka kakaiba sa lahat. parang.. birthday card? HAHAHAHAH

"Dear Kim, 

Sabi ng teacher namin sa Bio, birthday mo daw. kaya nagmadali akong bumili ng birthday card kanina. nagustuhan mo ba? pinili ko yang may clown para pag nakita mo to, sasaya ka! Happy birthday! ika 7 na araw ko nga pala ng pagsusulat to. naks! consistent ka sakin ha! araw araw nasusulatan kita! para kang assignment na kailangang alalahanin gabi gabi. Sana lang talaga, bago ako ... ay, oonga pala, 15 kana! pwede na tayo! ;)

Love:"

SYET! secret admirer ba to oh stalker? huhuhuu. natatakot na ako.. parang ayoko nang basahin yung iba. bakit ba kasi hindi nya naramdaman na nabagsak to? diba??? para hindi ko nababasa ngayon. para hindi ako nacucurious. para.. heto, hindi ako natatakot. pero.. bakit ganon.. nakakaramdam ako ng lungkot. feeling ko.. malungkot yung secret admirer ko habang sinusulat to.. haaaay. parang gusto ko nadin sya makilala. ;)

Letters [of a torpe guy] ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon